Chapter 5

3.3K 89 23
                                    

TOSCA

We're going to La Union today to check tha construction of the clubs. I invested so much in this business, kaya naman kahit tinatamad ako sa long drive ay pinilit ko pa ding bumangon. Isa pa, si Scor ang makakasama ko today.

Mabilis gumalaw ang mga tao ni Clinton. A week after we started the contract, the construction had also begun.

It was 6 am when I finally finished getting ready. Naka pack na din ang gamit ko for three days. Hanggang tatlong araw lang ang kayang ilaan ni Scorpion para sa project na ito dahil may posisyon din daw siya sa kumpanya ng pamilya niya. Oh diba? Bongga ang lolo niyo!

Nang huminto ang kanyang pagka laki laking hilux sa tapat ng condo, kita ko nanaman ang gwapo pero naka simangot niyang pagmumukha.

Nilagay ko sa back seat ng sasakyan ang isang maliit na maleta at saka umupo sa harap.

"Hi! Kamusta?" Buong siglang bati ko sa kanya. Ang bango bango ng sasakyan niya.

"What took you so long?" Walang kabuhay buhay niya namang bati.

Tumulala ako sa mukha niya. Eh nauna pa nga akong bumaba eh tapos late na yon sa kanya?

"Good Morning din sa iyo. Ang aga aga para kang nalugi!" Binaba ko ang ang salamin sa loob ng sasakyan at naglagay ng kaunting sunblock sa mukha.

Hindi na siya sumagot pa sa akin at tamad na nagpatuloy sa pag mamaneho. Ako lang ba o parang dumilim ang aura pagka sakay ko sa sasakyan niya? Naka pangalumbaba siyang nag mamanaheo, ang siko ay nasa bintana at kada limang minuto ata ay umiismid.

Naiirita ako sa tunog ng radyo. Ilang oras pa ang tatahakin namin 'no. Kaka pasok lang namin ng NLEX eh. I wanted to start a conversation with him para naman magkakilala na din kami ng husto at ma realize niya na ako ang kanyang one and only. Charot!

"Nag breakfast ka na?" Tanong ko. Hindi pa kasi ako nag aagahan.

"Yeah." Kahit napaka tipid ng sagot niya para akong nanginginig sa kilig. Ang brusko kasi ng boses niya. Dinagdagan pa ng accent niya.

"Ay ganun? Okay lang bang mag stop over tayo? Hindi pa kasi ako nag be breakfast." Sabi ko.

"Tsk. Aksayado lang sa oras eh. Bakit kasi hindi ka kumain sa bahay mo?" Sinulyapan niya lang ako saglit.

"Eh siyempre nag mamadali ako eh. Baka mamaya magalit ka nanaman pag late ako 'no."

Nag lagay ako ng kaunting lip tint at kaunting blush. Hindi na siya sumagot kaya tumingin ako sa kanya.

"Psst. Huy. Ano? Sige na. Saglit lang ako promise. Bibili lang ako ng coffee at saka tinapay." Nag puppy eyes ako for drama. Mentally akong natawa sa pinag gagawa ko eh.

"I'm not you're driver, Tosca." Tinapunan niya ako ng saglit na tingin. Wow walang effect.

Eh nagugutom naman na talaga ako eh. Sumasakit nanaman ang dibdib ko. I don't know why he's always like this to me. Tinatry ko naman yung best ko para magustuhan niya rin ako.

Nag pasya ako na umidlip nalang muna. Para din hindi ko na siya ma istorbo pa sa pag mamaneho. Obvious naman na naiirita siya kapag nag sasalita ako eh. Tumalikod ako sa kanya ay inihiga ang upuan ng sasakyan. Hindi na ako nagpaalam na matutulog dahil baka lalo pa siyang mabadtrip sa akin.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now