Chapter 47

1.2K 34 12
                                    

TRIGGER WARNING : Sexual Assault, Suicide, Death (PLEASE, PLEASE, SKIP THE FLASHBACK IF YOU HAVE ANY OF THESE TRIGGERS)


Lumuluhang itinupi ni Cheska ang sulat na ginawa niya. Desidido na siya sa gusto niyang gawin. Ang araw araw na pagdurusa niya sa kamay ng sariling Tiyuhin ay hindi na niya makayanan. Lalo pa at nalaman niyang siya ay nagdadalang tao. Ang batang iyon ay bunga ng pambababoy at pananamantala ng lalaki sa kaniya. Hindi man siya galit sa bata ay natatakot naman siyang dalhin ito sa mundo dahil baka ipasa lamang niya sa anak ang hinanakit niya sa ama nito.

Hindi kailanman guminhawa ang buhay ni Cheska. Lumaki siyang isang kahig at isang tuka ngunit dahil sa taglay na talino ay nagawa pa dim nitong makapag-aral. Ang tanging pangarap niya lang sana ay makapag tapos mg kolehiyo ngunit wala na siyang lakas para ituloy pa ito. Pakiramdam niya, kapag mahirap ka ay walang tutulong sa'yo. Walang maniniwala sa'yo. Kaya naman itinago niya ang lahat ng hirap at sakit na dinaranas maging sa kasintahan at sa kanyang pinaka mamahal na lola.

"Papatayin ko kayo ng lola mo kapag nag-sumbong ka." Ito ang paulit ulit na banta sa kanya ng kanyang tiyuhin sa tuwing pag-sasamantalahan siya nito. Iyon ang tumatak sa kanyang isipan na hanggang sa huling hininga niya ay ibabaon niya.

Tumingala siya sa makakapal na rehas na gawa sa kahoy sa kanilang kisame. Doon nakahanda ang lubid na gagamitin niya upang wakasan ang sariling buhay. Wala nang ibang naisip noon si Cheska kundi ang tapusin na ang pag-hihirap niya.

Tumayo siya mula sa lumang upuan. Kinuha iyon at itinapat sa ilalim ng rehas na may nakasabit na lubid. Kanina pa niya tinititigan iyon ngunit hindi niya magawa. Tila may kung anong pumipigil sa kanya pero ano? Nagtalo ang isip niya. Sa tingin niya ba ay may kahihinatnan pa ang buhay niya kung hindi niya ito itutuloy?

"Hoy! Anong ginagawa mo diyan? Buksan mo 'to!" Napaigtad siya nang marinig ang boses ng kanyang Tiyuhin sa kabila ng pinto ng kanyang kwarto. Agad na lumipad ang tingin niya doon at kinabahan.

"Putangina! Kapag hindi mo 'to binuksan, sisirain ko 'to!" Nanginig ang kalamnan niya sa takot. Wala siyang tatakbuhan.

Kinuha niya ang mumurahing cellphone niya at tinawagan ang kasintahan. Ito lang ang makakapag-ligtas sa kanya.

"Scor..." Aniya nang may nanginginig na boses.

"Cheska? What's wrong?" Alam kaagad nito na may mali.

Ngunit hindi niya maibukas ang bibig para maiutas ang nangyayari. Hindi niya kayang idamay ang lalaking mahal sa kanyang sitwasyon. It was bad enough that she'll leave him all alone. She couldn't bare to give him the burden of knowing what was happening to her.

"W-wala. Namimiss lang kita." Aniya at nilunok ang papalabas na hikbi.

"Nasam ka ba? Patapos na ang klase ko." Seryosong sagot nito.

"S-sa library... Nag-aaral ako." Palusot niya.

"Okay. Pupuntahan kita diyan after."

Pumatak ang luha ni Cheska nang pumikit siya ng mariin upang pigilan ang sarili niyang humagulgol. Pinindot niya ang kanyang cellphone at tuluyan nang naputol ang tawag. Oo nga at pagod na siya, ngunit nang marinig ang boses ng binata ay nagkaroon siya nang kaunting pag-asa. Tumingin siya ng masama sa pintong gawa sa kahoy. Malapit na iyong makalas sa sunod sunod na pag-kalabog sa kabilang dako. Buo na ang isip niya. Lalaban siya.

Napa-igtad siya nang tuluyang nasira ang maliit na lock na gawa sa mumurahing bakal. Sinalubong siya nang nagpupuyos sa galit niyang tiyuhin. Pulang pula ang mga mata nito at mukhang handang manakit anumang oras.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now