Chapter 34

2.9K 75 10
                                    

TOSCA

"Gaga ka talaga, Tosca!" Tumatawang sabi ni Tequila habang binabato ako ng mga popcorn.

I invited her at my house today since I feel kind of lonely. Matagal na din kaming hindi nakakapag bonding ni Tequila dahil inaasikaso niya ang family business namin.

You see, we're sisters but we are the complete opposite of each other. Bata palang kami ni Teq, magkaiba na talaga ang mga gusto namin. Don't get me wrong, walang conflict sa amin na kahit ano. Super close kami kahit na magkaiba kami.

Sa family naman namin, palaging may biruan. Bakit hindi ko daw gayahin si Tequila na on hand sa family business namin? Pero alam ko naman na biro lang ang mga iyon. Love kaya ako ng parents ko. They never pressured me into doing something that I don't want to do. Siguro kasi dalawa nga lang kami ni Tequila na anak nila at pareho pa kaming babae.

"I'm just saying! Masyado ka kasing busy. Curious lang naman ako sa sex life mo." Natatawang sabi ko habang nakatingin ako sa tv.

"Ano ka ba? E-everything is good with me and Sam." Aniya.

"Curious lang talaga ako... Is he good?" Tanong ko.

Nilingon ko siya at nakita ko ang lukot na mukha niyang hindi makapaniwala sa tanong ko. Bakit ba? I was just asking! Ang galing galing kasi ni Scor. Kawawa naman si Teq kung hindi pala magaling yung long time boyfie niya.

Pero teka? Bakit naiisip ko nanaman siya? Hindi naman siya kasali sa usapan.

"Ano ka ba naman? Bakit pati 'yun tinatanong mo?" Namumulang sabi ni Tequila.

Oh my gosh! I can't believe she's blushing over this.

"Eto naman! Nagtatanong lang eh." Sabi ko at saka sumubo ng popcorn.

"He's... Fine." Tila nahihiyang sagot niya.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Ang laki laking tao ni Sam eh tapos fine lang? Iniba ko nalang ang usapan. Ayoko namang maging uncomfortable si Tequila sa usapan namin.

"Alam mo, tinatanong ni Dad kung kailan ka papasok sa kumpanya." Seryosong sabi niya.

"Palagi niya namang tinatanong yun."

"Oo nga, pero alam mo naman si Daddy hindi ba? Makulit talaga."

"Ayokong magtrabaho sa atin, Teq. Wala naman akong alam sa agriculture." Sabi ko.

"Just try it, Tos. Para saan pa ang tinapos mong kurso? Tsaka, hindi ka ba napapagod sa ganitong buhay mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman siya eh. My life feels like a stimulation. Di ko namang itatanggi na minsan nga ay napapagod na ako sa paulit ulit na pag paparty sa gabi at pag labas sa kung ano anong mall show. Tumatanda na din ako ayaw ko naman na habang buhay ay ganito ako.

Kaya naman kinabukasan ay nag-sadya ako sa opisin ni Clint. If there is anyone who can help me, it's him. Makulit lang ang pinsan kong iyon pero maayos siyang mag trabaho.

"Oh? Anong ginagawa mo dito? Ang aga pa." Gulat na untag sa akin ni Clint nang mamataan ako sa opisina niya.

Sinadya ko talagang magpunta ng ganito kaaga kahit hirap na hirap akong gumising.

"Couz, I need your help. I need a job." Sabi ko.

Pinaglaruan ko ang mga maliliit na figurines na nakapatong sa lamesa ni Clint. Nang tingnan niya ako ay parang hindi siya makapaniwala at daig pa ang matanda sa pagkaka kunot ng noo.

"Job? Don't you have a job?" Confused niyang tanong.

"Oo pero that's not a real job. I mean- kailangan ko ng totoong trabaho." Inis na sabi ko.

Feeling ko kasi pinagkakatuwaan niya ako.

"Like a corporate job job?"

"Yes!" Bulalas ko.

Ano bang hindi niya maintindihan sa pinagsasasabi ko?

"Wow, ganyan pala ang nagagawa ng heart broken." Tatawa tawang sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman totoo ang sinasabi niya no! Hindi ba pwedng bored lang sa buhay at gusto nang magpaka tinu-tino?

"Can't I have like a full time position? Come one Clint. I want to help." Hirap na hirap na sabi ko.

Ano pa bang pwede kong gawin para ma convince ang pinsan kong ito? Kailangan ko nga ng trabaho.

"Gustong tumulong. Wala ka lang magawa eh." Ewan ko kung nang aasar lang ba siya o di talaga siya naniniwala sakin.

"I'm serious. Sasadyain ba kita dito kung hindi?" Tumukod ako sa lamesa niya at saka siya tiningnang mabuti. Maniwala ka na kasi Clint!

Nakipagtitigan lang din siya sa akin hanggang sa di niya na nakayanan nababanas siyang tumingala habang inis na inis sa akin.

"Sige na, sige na! Pero alam mo, mas makakabuti kung ikaw ang hahawak sa Daze. Hindi namin matutukan ni Scor dahil pareho kaming May trabaho." Sabi niya.

Sa Daze? Hindi ko naisip iyon ah? Sabagay, pwede ko iyong i-manage. Magaling naman ako sa mga ganon.

"Anong gagawin ko don? Kaya nga gusto ko sa agri business dahil day job ito eh."

"Baliw. Ikaw lang naman mag hahandle ng finances at saka kung ano ano pa. May manager naman tayo, kaya hindi mo na kailangan magpunta every night." Pag eexplain niya pa.

"Pwede bang pag-isipan ko muna? Gusto ko kasi sana, sa company natin. Kahit supervisory position lang." Sagot ko naman.

"Ikaw ang bahala, pero madaming trabaho ang supervisor ah? Baka di mo kaya?"

"Kaya ko! Para saan pa ang bachelor's degree ko?" Inirapan ko si Clint at tinawanan lang naman niya ako.

"Sige na, mag start ka sa lunes. Sasabihan ko na ang mga tao sa baba."

Yes! Na convince ko din siya! Sa totoo lang, excited na din akong mag trabaho. Pakiramdam ko independent na independent na talaga ako.

Pagka alis ko sa office ni Clint, dumiretso ako sa mall para sana mag shopping ng mga damit pang office. Puro kasi pang party ang mga damit ko. Wala akong corporate attire halos. Dadaan sana ako sa office ni Daddy pero wala naman daw siya doon sabi ng secretary niya.

Busy ako sa pamimili nang mapadaan ako sa shoe store na panlalaki. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero may nakita talaga akong familiar na bulto doon.

Si Scor iyon! Nagsusukat siya ng mga black shoes. Naka busangot nanaman at mukhang mananapak any minute. Talagang huminto pa ako para icheck kung lalaki ba o babae yung nag nag-assist sa kanya. Lalaki naman. Nag-kibit balikat ako at maglalakad na sana pero bigla akong napahinto. Shit. Nalaglag na ata lahat ng pwedeng malaglag sakin dahil bigla siyang lumingon sa gawi ko.

Nginitian ko siy ng tipid dahil ayaw ko naman lumabas na bitter. Hindi ko alam kung ano ba talagang ine expect kong reaksyon sa kanya pero nanlumo ako nang hindi man lang niya ako nginitian pabalik. Parang sinulyapan lang niya ako tapos bumalik na sa pamimili.

Ano pa nga bang ine expect mo Tosca? Na hahabul habulin ka pa ni Scor kahit na nireject mo na siya ng ilang beses? Hindi naman siya katulad mo.

Bumuntong hininga ako at saka tumalikod at nag martsa paalis ng mall. Nawala na ako sa mood mag shopping. Parang mas gusto ko nalang na umuwi at mag drama sa bahay. Gusto kong mag hinanakit kay Scor dahil hindi man lang talaga niya ako binati kanina pero ako din naman ang may gusto nito. I just wished that one day I'll be able to look at him and not feel any pain anymore.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now