Chapter 11

3.3K 99 21
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan dahil namamahay ako. Kumportable naman ang couch ni Scor pero talagang hindi lang ako sanay. Isa pa, hindi maalis sa isip ko 'yung paglalandi sa akin ni Scor. Ganon kaya talaga siya pag lasing?

Bumaba ako saglit sa sasakyan ko para kumuha ng pamalit. Lagi akong may dalang extra kasi. Pag akyat ko ay naabutan ko si Scor na nag kakape. Bagong ligo siya at naka busangot.

"Good morning." Bati ko sabay ngiti.

"Paano ka nakapasok?" Tanong niya.

Tinaas ko ang susi ng condo niya at nag peace sign.

"Kumuha akong damit sa baba." Sabi ko.

Hindi na siya makulit. Masungit na ulit siya.

"Gutom ka na?" Tanong ko habang papunta sa couch para ipatong saglit ang mga gamit ko.

"Masakit ang ulo ko. Bakit hindi ka pa umuwi?" Masungit na sabi niya.

Well, isn't it obvious? Ayoko pang umuwi dahil gusto pa kitang kasama.

"Sige. Uuwi na ako." Yumuko ay at tumingin sa mga paa ko. Ayokong makita niyang nalulukot ang mukha ko.

Pinulot ko na ang bag at mga damit ko. Sa bahay nalang ako maliligo. Wala naman akong lakad ngayon kaya ayos lang.

"Wait." Tumigil ako nang marinig ko siyang pinigilan ako.

Lumingon ako sa kanya pero di ako sumagot.

"Let's grab breakfast before you go." Nag iwas siya ng tingin.

Abot tenga tuloy ang ngiti ko.

"Paligo ako ha?" Hindi ko na siya hinintay sumagot. Pumasok na ako agad sa banyo niya.

Nag halungkat ako kaagad sa mga cabinet, baka may gamit pambabae eh. Buti nalang wala. Puro pang kanya ang gamit dito, mula sa shampoo hanggang sa after shave. Kilig na kilig ako habang ginagamit ang shampoo at sabon niya. Ganitong ganito ang amoy ng ulo niya eh.

Lumabas akong naka itim na cotton shirt at short shorts. Ganito na ang pinaka simple kong damit, sana naman ay huwag na niyang pansinin iyon.

Naka bihis na siya ng itim din na v neck at khaki short! Hala couple shirt? Di ko napigilan tumawa ng malakas kasabay ng pagka lukot ng mukha niya eh. Bagay na bagay talaga sa kanya yung mga fitted shirt. Humahapit kasi sa muscles niya sa braso.

"Tara na." Masungit na sabi niya.

"Uy teka!" Hinabol ko siya. Sa kotse na nga lang ako magsusuklay.

"Pinahatid ko kay Clint yung sasakyan ko sa building mo. Ako na mag da drive." Nilahad niya ang kamay niya.

Hinanap ko kaagad sa loob ng bag ko ang susi at inabot sa kanya. Naaalala niyang wala sasakyan ko ang dinala namin kagabi, ibig sabihin natatandaan niya din na nag kiss kami? Parang gusto kong manginig sa kilig ah.

"What are you laughing at?" Magkasalubong ang kilay niyang untag sakin.

"Wala. Happy lang ako bakit?" Kahit anong pag susungit mo jan okay lang sa akin.

"Tss." Maiksing sagot niya na may kasamang iling.

Pinatunog niya ang civic ko, samantalang dumiretso muna ako sa back seat para ilagay ang damit ko doon at kumuha ng ilang gamit sa train case na andon.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko habang palabas kami ng parking.

"Kahit saan." Hindi niya nanaman ako tinitingnan pero ako titig na titig ako sa kanya.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon