Chapter 46

1K 36 7
                                    

TOSCA

One day.

I have one day to find everything that I can before turning over the case to the police. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa kanila. Our justice system is fucked. Imagine a drug user going back out there with no remorse. I remember the money I gave to Jojo, and I remember the look on his face the night I brought Lola home. I was almost so sure that he's using again. And the old lady wouldn't be safe with him. What if he kills her too?

Kung nauubos lang siguro ang kuko ay kanina pa ito naubos sa kaka ngatngat ko. I was so anxious waiting for that PI that my cousin recommended. We didn't meet in a public place. I was sitting in may car on a parking lot waiting for him which felt like decades. Ilang minuto pa ang dumaan at may kumatok na isang lalaki sa salamin ng sasakyan. Napa igtad ako sa gulat. I should really stop drinking a lot of coffee.

I unlocked the door and he instantly went in.

"Tosca Sobrevega?" Aniya.

Kumportable siyang umupo sa passenger's seat at tinanggal ang suot na leather gloves upang makipag kamay sa akin. I shook his hand.

"Yeah, you are?" I asked.

"Daniel nalang." Aniya.

Mula sa jacket niya ay iniabot niya sa akin ang ang isang short brown enevelope.

"Cash lang ang tinatanggap ko ha." Aniya bago iabot sakin ang envelope.

Kinuha ko ang kumpol ng pera sa bag ko na kaka withdraw ko lang sa bangko kanina.

He smacked his lips, inhaled and started to talk.

"Mahirap makahanap ng ebidensya doon sa suspect dahil matagal na. Pero malaking tulong din yang sulat na hawak mo." Sumandal siya at tinanggal ang sumbrero.

Hindi naman ako na curious sa hitsura niya dahil mas iniisip ko ang kalalabasan ng imbestigasyon niya. Uuwi na si Scor bukas at hindi na ako masyadong makakakilos. I have to know more before I decide to tell him.

Pero nagulat ako nang makitang bata pa pala siya at may hitsura. Maputi, makapal ang kilay at matangos ang ilong. Saang lupalop kaya nahanap ni Clint ang isang ito?

"So anong pwede nating gawin?" Tanong ko.

"Pwede kong i-tip sa mga pulis ito. Maghahanap ako ng witness para tumestigo. Pero tiyak na ipapahukay nila ang bangkay ng biktima. Pag nangyari yon? Boom! Case solved." Aniya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Buntis ang biktima hindi ba? All they have to do is to perform a DNA test with the fetus. If we're lucky, we might even get a DNA from the body itself." Nag-kibit balikat siya at isinandal ang sarili sa upuan.

"Would that be enough to put him in jail?" Nag-dalawang isip ako. I feel like it needs more push.

"Maybe. But if worse comes to worst, we can just acquit him for illegal use of drugs. Some of my assets told me that he's a drug pusher too. We can dig more dirt from that."

"Oh pano? Sibat na ko? Sa susunod na lang yung kalahati." Itinaas niya ang sobreng may pera na nanggaling sa akin.

Nakatulala akong tumango at tiningnan siya palabas ng kotse. Nakayuko niyang ibinalik ang sumbrerong suot niya bago lumingon sa paligid at umalis. Noong hindi ko na siya matanaw ay bumalik ako sa pag-iisip. Kulang pa na makulong si Jojo sa drugs. He needs to pay for what he really did. Bumuntong hininga ako at tiningnan ang oras sa sasakyan. Shit, I need to pickup Scor from the airport.

Naiiling akong ini-switch ang kotse sa drive mula sa park at mabilis na hinarurot ang sasakyan papunta sa airport. His plane could be landing anytime now. Sana ay hindi ako ma-traffic.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon