Chapter 39

3.1K 92 36
                                    

TOSCA

Walang kalatoy latoy akong nakatulala sa table setting ng isang magaran restaurant kung saan naka schedule ng brunch ang buong pamilya ko. Mabagal ang pag-kurap ko dahil antok na antok pa din ako. Ewan ko ba, kahit kasi ang tagal tagal ko nang naayos ang sleeping schedule ko, inaantok pa din talaga ako sa umaga. Idagdag pang mabigat ang workload ko ngayon.

Nagpatawag kasi ng brunch ang Tito ko. Daddy ni Clint. Birthday kasi niya ngayon at gusto niyang maliit na celebration lang ang maganap. Pare parehong busy si Daddy at iyong isa pa nilang kapatid na si Tita Michelle at brunch lang ang naisingit nila sa schedule nila. Kami namang mga anak, siyempre walang choice kundi sumunod.

"Anak, inaantok ka pa ba? You look so tired. Baka naman sinasagad mo ang sarili mo sa trabaho ha?" Nag-aalalang puna sa akin ni Mommy.

"Nako Mommy. Parang hindi mo naman kilala si Tosca. She is really not a morning person." Pairap na sagot ni Tequila kay Mommy.

Pabiro ko din siyang inirapan at nag-hikab. Inaantok pa talaga ako. Mabuti nalang at naitago ng malaki kong shades ang namamaga ko pang mata. Tama ang sinabi ni mommy na nasasagad ko na ang sarili ko sa trabaho. Maybe i should slow down a bit.

"Tosca, are you that sleepy? Pasensya ka na anak. Hayaan mo, umalis ka nalang maaga. Ako nang bahala sa Tito Bart mo." Ani Daddy.

Na-touch naman ako sa sinabi ng Daddy ko. Kahit naman pagod ako at inaantok ay hindi pwedeng hindi ako mag-punta ngayon. Minsan lang kami makumpletong pamilya kaya talagang pupunta ako, miss na miss ko na din naman ang mommy at daddy ko eh.

"Good morning, Uncle! Tita." Masiglang salubong ni Clint sa amin.

Mahangin itong nakipag beso sa mga magulang ko at kay Tequila. Ang aga aga, ang taas ng energy ng isang ito.

"Sorry, we're late. Nariyan na din sila Dad sa labas. Pasunod na." Aniya.

Nag-tanggal ito ng sunglasses at umupo sa tabi kong upuan. It made sense lalo na't wala naman akong katabi sa isang side ko.

"Good morning, Tos. Rough night?" He asked.

Mataray ko siyang nginitian at sinundan ng irap. Marahil ang itinutukoy niya ang ang morning face at hair ko. Ano bang pakialam niya? Sabado naman ngayon at wala akong balak na umalis pagkatapos ng brunch namin. Maganda pa din naman ako kahit di ako mag make-up at mag-ayos ng buho. Duh!

"Pake mo?" Irap ko.

"Oh? Bakit nagagalit ka? Kaya ka nagiging single eh. Tsk tsk." Naiiling na sabi niya bago sumandal ng tamad sa upuan niya.

I exhaled exasperatedly while rolling my eyes at him. He really has nothing better to do.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga magulang ni Clint na sinalubong ko ng beso at bati. Kasunod nila ang isang pamilyar na babae. Tiffany Laurent, the only daughter of the Fil-Am owner of the biggest construction company ni Asia. And also a good friend of mine. Clinton's long time fiancé. Pagkakita ko palang sa huli ay wala sa sariling napangisi ako. This should be fun.

"Tiffany, long time no see." Tawag ko sa pansin niya. Bahagyang ngumiti si Tiffany at yumuko para bumeso sa akin.

"I just got back from Singapore. We should catch up soon." Aniya.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon