Chapter 38

3.2K 66 21
                                    

TOSCA

Jacob and I did go through with our date. He took me to a nice restaurant and I can say that I really enjoyed spending time with him. Iyon nga lang, hindi ko maiwasang ma-guilty dahil may mga oras na iniisip ko si Scor sa kalagitnaan ng date namin. Masisisi niya ba ako? Hindi naman kami nag-hiwalay ng matino. Wala din kaming proper closure pero iyon naman ang gusto ko eh. Sa tingin ko ay mas makakabuti iyon para sa amin. Kaya pinilit kong ituon nalang kay Jacob ang pansin ko. Don't get me wrong, hindi siya rebound. I really really like him because he makes me feel special.

Masarap din naman siyang kausap eh. Nalaman kong mag lilimang taon na pala siya sa kumpanya. Maganda rin ang posisyon niya doon. Akala ko nga hindi niya alam na affiliated ako sa owners ng pinag tatrabahuhan niya pero alam niya naman daw. Na curious tuloy ako kung ano bang napansin niya sa akin. Given na nga na maganda ako 'no, pero sa tingin ko kasi hindi naman siya iyong tipo na sa looks lang tumitingin.

"Hindi ka ba na pe-pressure sa akin? I mean, I'm just curious. Why did you ask me out?" I asked while drinking a glass of a fine wine.

The ambiance in the restaurant is so romantic. It was dark and the only source of light is the city lights outside and the candles that are lit on our table. Gumagalaw ang anino sa paligid sa tuwing gumagalaw ang apoy sa kandila.

He laughed a little then fixed his adorable glasses before answering me.

"Maybe a little bit. Matagal na kitang crush. Nahuli mo lang ako." Aniya.

Napangiti ako sa ginawa niya pero ayaw ko namang mahalata niya iyon kaya pasimple akong yumuko at maarteng inayos ang buhok ko. Inipon ko iyon at inilagay sa isang side. Siya pala ang nag lalagay ng mga chocolates at flowers sa desk ko. Minsan may mga packed meals din na iniiwan doon. Grabe ah? Nakatagal talaga siya ng ilang buwan na hindi nagpapakilala sa akin.

"Ibig sabihin kung hindi pa kita nahuli, hindi mo pa ko yayayaing makipag date? Ikaw talaga!" Tumawa ako ng malandi bago nag-iwas ng tingin. Nag kunwari akong inaayos ang rekado ng pasta na inorder ko.

Parang uminit sa paligid ah? Oh baka naman ako lang iyon? Ang tagal na kasi nang huli akong nakipag date. Siyempre, may kilig factor.

Humalakhak si Jacob dahilan para masamid siya. Umubo siya ng kaunti habang naka titig ng malakit sa akin. Hay nako! Bakit ganito 'tong lalaking 'to? Parang lahat ng panlalandi ko sa kanya, kaya niyang tapatan!

"Hindi ko akalaing makikipag date ka talaga sa akin. Hindi naman ako kagwapuhan." Sabi niya.

Bigla ko tuloy pinag-aralan ang mukha niya. Hindi naman totoong hindi siya kagwapuhan. Moreno si Jacob at may kalakihan ang katawan. Iyong tipong adik sa gym. Nakakapanglaway nang tingnan ang braso niyang pumuputok sa longsleeves ang biceps.

"Sus, pa humble pa 'to. Kumain ka na nga lang!" Nahihiyang sabi ko.

Mahinhin kong inikot ang pasta sa tinidor gamit ang kutsara at saka walang kalat na sumubo. Kakaunti lang din ang higop ko sa wine dahil medyo matapang iyon at ayoko namang mamula ang mukha ko sa harap ni Jacob.

So we were in just talking about life, getting to know each other when my phone suddenly rang.

"Excuse me." Nahihiyang sabi ko kay Jacob bago dinukot sa maliit kong sling bag ang maingay na cellphone.

Si Maddie ang tumatawag. Nagulat ako dahil sandamakmak na message ang sinend niya sa akin. Nasaan daw ako at kailangam niya ako. Puno pa iyon ng mga malulungkot na emoji. Fuck. What happened to Maddie? Is she safe?

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now