Chapter 31

3.1K 90 15
                                    

TOSCA

I didn't go after him. I didn't even bother calling him. I cried all night until I fell asleep and woke up the next day with puffy eyes and feeling exhausted.

Di ko maiwasang masaktan kasi, bakit parang ako pa 'yung may kasalanan? Parang ako na bigla 'yung nagkamali? It felt like I need to go after him and fix our mess. Ako pa itong sinisi niya samantalang hindi niya naman inalam kung ano ang totoong nangyari. I am not going to let him manipulate our situation into his favor. Siya ang puno't dulo kung bakit kami nagkanda leche leche.

It just shows that he don't love me that much to trust me. Sa loob niya ay ako pa din ang Tosca na nakilala niya. Walang pakundangan, walang pakialam, malandi o kung ano pa mang gusto niyang sabihin. Ang tanga tanga ko kasi hindi ko kaagad nahalata ang mga signs na pinapakita niya. Hirap na hirap na ako kasi halo halo na ang nararamdaman ko. Nasasaktan. Nagagalit. Nalulungkot. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin lahat ng iyon kaya nagkukulong nalang ako.

Hindi ko namalayan ang pag-lipas ng mga araw. Ni hindi ko kayang magpunta sa mga mall show at guesting ko. I can't even post a picture on instagram. I'm ruined! Ang huli kong balita kay Scor ay noong isang linggo. Tinawagan ako ni Clint at tinanong kung may problema daw ba kami ni Scor. Siyempre inamin ko na.

Palagi kong naiisip, paano siya? Okay lang kaya siya? Masaya kaya siya? Pero palagi kong nakakalimutan kung paano ako. Kung okay lang ba ako. Kung masaya ba ako. Nakalimutan ko yung ako.

Kung hindi pa ako ang lalapit sa kanya ay hindi niya din ako susuyuin. Palagi namang ganon ang setup namin. Pero pagod na ko. Pagod na kong ibenta 'yung sarili ko sa kanya. Kung ayaw niya sa akin ay ayoko na din sa kanya.

"Ready ka na, Tos?" Tanong ni Mori.

Nakasilip siya sa maliit na tent kung saan ginaganap ang mall show ko. Ito ang una kong appearance pagkatapos ng away namin ni Scor. Nabaon nanaman ako sa mga iniisip ko. Hindi ko nga alam kung kami pa ba o hiwalay na kami.

"O-oo." Sagot ko.

"Standby ka na daw sabi nong producer." Aniya.

Tumayo ako sa high chair at saka hinintay ang cue ng staff upang lumabas na ako at umakyat sa stage. Hindi pa man ako nakakalabas ay inihanda ko na ang malapad na ngiti ko. Walang dapat makaalam ng pinagdadaanan ko, lalo na ang mga fans na nandiyan na para sa akin simula palang.

My fans are all that's left. Sinasabi ko na nga bang wala talagang maidudulot na maganda kung ipipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo.

"Hello, everyone!" Sigaw ko nang masigla pagka labas ko ng stage.

Malakas na hiyawan ang sumalubong sa akin. Kahit papano ay nakalimutan ko ang problema ko nang makita ko ang mga fans na abot tenga ang ngiti at hindi magka mayaw sa pag titilian. Kumaway ako habang may naka paskil na ngiti sa mga labi ko. Fake it till you make it, ika nga.
"Kung hindi ka mapakali diyan, bakit hindi mo nalang kausapin?"

"Once a liar, always a liar. Bakit ko pa pag aaksayahan ng oras 'yun?"

"Eh bakit ang defensive mo?"

"Hindi ah! Ano ba? Nandito ka lang ba para mang-asar ha?"

"Hay ewan ko sa'yo Tosca."

"Bakit ba parang si Scor pa ang kinakampihan mo ha? Eh sa sinungaling siya eh. Ako ang kapatid mo, dapat sakin ka kampi."

"Tama ka. Kapatid mo nga ako kaya nga sinasabi ko sa'yo, kausapin mo muna siya. Try to listen."

"Bakit ko nga gagawin 'yon?" Hindi ko natago ang sakit sa boses ko.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now