Chapter 37

3.5K 101 29
                                    

TOSCA

I swear I'll never, ever drink again! This hangover sucks! Everyone sucks! Ugh! Tumayo ako sa kama at sinapo ang ulo ko. Parang pinupukpok iyon ng martilyo. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na malamig na tubig. What the heck happened last night? Hindi na ako naka ligo o nakapag palit man lang ng damit.

It's a good thing that it's Saturday today. I can just stay at home and sleep all day. Kahit masakit pa talaga ang ulo ko at umiikot pa ang paningin ko ay tumayo na ako. I will take a shower. Baka sakaling mabawasan ang hangover ko.

I just got out of a shower wearing only a shirt and my underwear. Wala akong ganang kumain kaya kumuha ako ng isang pirasong mansanas at kinagatan iyon. Tumukod ako sa maliit na counter sa kusina ko at nag-browse sa mga apps ng phone ko. Napadpad ako sa Instagram at nakitang napaka rami ko palang post mula kagabi. Ang daming videos at blurred na pictures. Damn, I was wasted.

Pinanood ko ang mga videos na naka post sa Instagram Story ng mga kaibigan ko. Halos mabulunan ako nang makitang may video ako doon. Nasa stage ako at akmang mag-huhubad pero maagap akong pinigilan ni Scor. Ang walanghiyang si Maddie, ini-zoom pa sa amin ang video habang tumatawa siya sa background.

"Uh-oh! Her man is mad! Lagot ka, Tos!" Humahalakhak na sabi ni Maddie.

Hindi ko alam kung saan ako maiinis. Sa sinabi niyang 'man' o sa pag vi video at pag bo broadcast niya sa eksenang iyon sa internet! I barely remembered it. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng ligtas. Hindi naman ako mabilis malasing pero dahil siguro sa tagal ko nang hindi umiinom ay bumaba ang alcohol tolerance ko.

Nakakahiya! Ang daming followers ni Maddie. Ilang tao na kaya ang nakakita noon? Tinawagan ko siya para ipatanggal ang video pero hindi naman niya sinasagot. She's probably in a stranger's bed right now. Tinext ko nalang siya ag simabing tawagan niya ako pag-gising niya.

Wala pang isang minuto ko ibinaba ang cellphone ko pero tumunog iyon. I thought it was Maddie, but it was Rita. My manager.

"Hey, Rita." Sagot ko sa cellphone.

"Tosca! People are getting crazy on the internet again. Trending ang story ni Maddie sa IG!" Impit na sabi niya. Hindi ko alam kung pinapagalitan niya ako o natutuwa siya.

"Really? Don't worry. I'll have it deleted. Tulog pa kasi yata ang gagita." Ani ko.

Tumukod ako ulit sa counter at tinanaw ang saging na naroon. Nagutom ako bigla. Pero kausap ko pa si Rita kaya nilaro ko nalang ang dulo ng buhok ko.

"Ano? 'Wag! Can't you see? This is good for your career! Ang dami na ngang tumatawag sa akin. Gusto ka nilang maging guest." Rita sounds so cheerful.

I hate to break it to her but I don't think I want to be a guest anywhere. Rita has been my manager since I started in the industry. She made my life so much easier and I think she really loves what she does.
Pinagisipan ko na itong mabuti eh. I mean, sure. The offer sounds promising and it's easy money. But I don't think I still have the time for a night out.
Tanghaling tapat pero wala ako sa mood na maging productive ngayong araw.

"Rita... Okay, I have to tell you something." Maingat na sabi ko.

You can do this, Tosca. Unti-untiin mo lang at 'wag mo siyang bibigalain. Ayaw naman nating sumama ang loob niya diba? She's my friend after all.

The Things I Hate About YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt