Chapter 45

1.1K 44 5
                                    

TW: Suicide

The week went by so quickly! Ilang araw nalang ay makakabalik na si Scor at makakasama ko na siya ulit. Miss na miss ko na talaga siya! Half day lang ako ngayon dahil may event sa office. Mas pabor naman sakin 'yon dahil makakapag unwind din akong mag-isa sa wakas. Nakalista na nga mga gagawin ko ngayong araw eh. First, I have to go show my car some love.  Ang tagal ko nang hindi napapa carwash ang baby kong 'to eh. After that I'm gonna have a long me time at the spa. And then I'm gonna get some groceries for the house. Para maipagluto ko din si Scor pag-uwi niya sa isang araw.

Malapit lang sa office iyong carwash kaya nakarating din naman ako on time. Mayroong tatlong kotse na nililinis nang dumating ako. Kumaway sakin iyong isang tao doon at ibinaba ko naman ang salamin sa driver's seat.

"Hi ma'am! Carwash po?" Bati sakin nong isang lalaki na naka uniform at naka sumbrero ng logo ng carwash.

"Oo kuya. Saan ako pwede?" Tanong ko.

"Doon nalang ma'am." Tinuro niya 'yung bakanteng space sa dulo.

Tumango ako at dahan dahang inapakan ang gas. I-pinark ko nang maayos ang sasakyan at kinuha muna ang mga gamit ko sa kotse para ilagay sa bag. Chineck ko muna kung may naiwan ba akong importanteng gamit at nang ma kumpirma kong wala ay lumabas na agad ako.

"Ma'am magpapa wax din po ba?" Tanong ulit ng lalaki.

"Oo kuya."

"Sige po, bali i-vacuum ko nalang muna ma'am tas lilinisin ko muna yung loob. Ginagamit pa po kasi yung hose eh pero patapos na po 'yan." Aniya.

"Sige kuya okay lang. Dito muna ko sa coffee shop, patawag nalang ako." Tukoy ko sa katabing coffee shop nila na sa tantya ko ay iisa lang naman ang may-ari. Ang galing nilang mag-isip ha? Perfect.

"No problem ma'am!" Sumaludo sakin si kuya tapos tumalikod na siya at binuksan ang kotse. Nakikita ko naman na nag-vavacuum siya sa harapan. Matagal na din akong dito nagpapa carwash kaya tiwala na din ako sa kanila.

Pumasok na ako sa cafe at umorder ng iced latte. Hindi pa naman ako gutom kaya kape lang muna. Mamaya nalang siguro ako kakain bago mag grocery. Inilabas ko ang phone ko at nag scroll lang sa Facebook at Instagram. Maya maya ay kinatok ng boy ang salamin ng cafe kung saan ako banda nakaupo. Sumenyas siya na parang pinapalabad ako kya dali dali akong tumayo at lumabas.

Natanaw ko na tapos na siyang mag vacuum at nagsisimula na ding sabunin ng kasamahan niya ang kotse ko. Nagtaka ako kung bat ako tinawag.

"Ma'am. Okay na ho, malinis na yung loob. Tanong ko lang po kung ito pong papel sa kotse, itatapon na po ba?" Itinaas niya ang hawak niyang papel.

"Anong papel kuya?" Nagtaka ako. Wala namang kalat sa kotse ko. Minsan ko na nga lang sakyan iyon dahil palagi akong hatid sundo ni Scor.

"Ito ma'am oh." Inabot niya sa akin ang puting papel na nakatupi.

Kinukha ko iyon at iniinspeksyon. I unfoled it and was shocked to see a handwritten letter. The paper looked so old and crumpled on the sides. What is this?

Lola,

Mula pagkabata, kayo na ho ang kasama ko. Maraming salamat po sa pag-aalaga at pag-mamahal sa akin Lola. Alam ko pong marami kayong pangarap para sa akin. Patawarin niyo po ako kung hindi ko na iyon matutupad. Hindi ko na po kaya. Hindi ko na po kayang bumangon sa umaga at harapin ang mga pag-subok. Hindi ko na po kaya ang pambababoy na ginagawa sa akin ni Tiyo Jojo. Walang araw na hindi niya ako binaboy.  Nag-bunga ang pambababoy niya sa akin. Gusto kong tumakas. Wala akong malapitan, wala akong mapagsabihan dahil tinatakot niya akong papatayin niya tayong dalawa kapag may nakaalam. Lola, huwag niyo pong sisihin ang sarili ninyo. Alam ko po na kahit matanda na kayo ay nagtatrabaho pa din kayo para buhayin ako. Hindi niyo po kasalanan na wala kayong alam sa nangyayari. Pero Lola, pagod na pagod na po ako. Ayoko na po dito. Lola, kapag nakita niyo ang katawan ko, ipalibing niyo ako at magpakalayu-layo kayo. Huwag po kayong masyadong malungkot sa pagkawala ko.
Isa lang ho ang hiling ko sa inyo. Pakisabi po kay Scor na mahal na mahal ko siya at patawad. Huwag niyo po sanang ipaalam sa kanya ang dahilan kung bakit ko ito nagawa. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nalaman niya na hindi siya ang ama. Gusto kong alalahanin niya ako bilang ang babaeng minahal niya. Kasama nitong sulat na ito ang kaunting pera na naipon ko. Gawin niyo itong panimula ng bagong buhay malayo kay Tiyo. Mahal na mahal ko kayo, Lola. Patawad.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now