Chapter 9

2.9K 95 16
                                    




Dumiretso ako sa bar para humingi ng tatlong shot mg tequilla. Wala nang lemon at asin, tutal kasing bitter naman ako nito. Kung hindi lang ako bayad para i promote ito ay talagang umalis na ako.

Kung makapang husga siya akala mo napaka sama kong babae.

"Sis! What happened? Bakit naka busangot ka diyan?" Tanong ng isa kong kaibigan nang mamataan niya ako na mag isa sa bar.

"Wala, sis. Come on, let's dance!" Hinila ko siya sa dance floor at sumayaw ako.

Nakakahilo ang ilaw at umiikot na din ang paningin ko. Masyado na ata akong maraming nainom ngayong gabi. But who cares? This is the life!

"Woohoo!" I shouted when the base dropped.

Gumiling ako at umiling iling kasabay ng tugtog. May naramdaman akong kamay na pumulupot sa bewang ko at sinabayan akong sumayaw. Pag lingon ko ay nakita ko ang nakangising si Eli na mapungay na rin ang mga mata.

"No boy toy tonight?" Sabi niya sa tenga ko.

"Not in the mood." Kunyaring sabi ko at tumawa.

"Where's your sister?" Tanong niya habang sinasabayan ang mga galaw ko.

"She's in Bali." Simpleng sagot ko.

Nag lolokohan at nag tatawanan lang kami ni Eli hanggang sa nag sawa siya at bumalik sa couch nilang mag kakaibigan. Hindi ko alam kung nandito pa din si Scor pero wala na akong pakialam.

Muli akong shinout out ng DJ at nag cheer ang mga tao sa loob. Biglang bumaha ang tao sa dance floor nang malaman nilang nandoon ako.

"Hey! I'm a fan." Lumapit sa akin ang isang lalaki na pamilyar sa akin dahil nakikita ko ito sa TV.

"Thanks! What's your name?" Humarap ako sa kanya at nilagay sa leeg niya ang mga braso ko.

Matangkad at buff ang lalaki.

"Joseph. Joseph Sipagan." Ngiti niya sa akin at mas lalo pa akong hinapit palapit.

"Oh! I knew it. Artista ka diba?" Sabi ko habang kumekendeng kendeng kasabay niya.

"Yeah! God, you're so sexy." Bulong niya sa tenga ko.

Ilang sandali pa kaming sumayaw hanggang sa bumababa na ang kamay niya sa pwet ko. Kung sa ibang pagkakataon lang ay aalis na ako pero dahil sobrang insecure ako sa sarili ko ay pinabayaan ko siya. I needed someone to make me feel better about myself.

"That fvcking ass. Ugh!" Untag niya na parang nang gigigil.

Medyo naging uncomfortable ako doon kaya medyo lumayo ako. Nagulat nalang ako nag biglang namilipit si Joseph sa sakit.

"Aray! Fvck! Anong problema mo dude?" Pinagpag ni Joseph ang kamay niya. Naka tingin siya sa likod at parang kinutuban na ako kung sino 'yon.

"You don't touch my girl's ass, dude." Kinilabutan ako nang marinig ko si Scor na binigyang diin ang salitang dude na para bang nang aasar.

"She's single. What are you talking about? H-hey!" Walang nagawa si Joseph nang sa pangalawang pag kakataon ay hilahin ako ni Scorpion palabas ng Xylo.

"Ara-Aray! Let go of me!" Sigaw ko pero parang walang effect sa kanya.

Hilong hilo ako tapos ay kinaladkad niya pa ako sa tabi ng sasakyan niya. Maraming nakatingin sa amin at hindi ko sure kung dahil kilala nila ako o worried sila sakin or na eentertain lang talaga sila sa mala soap operang eksena namin ni Scor.

"So this is what you do now, huh? Letting other guys touch your ass?" Sigaw niya.

Nalukot ang mukha ko. Hindi ako dumidilat dahil masusuka ako. Tinakpan ko ng dalawang daliri ko ang tenga ko dahil ang lakas ng sigaw niya. Hindi naman ako bingi. Umupo ako sa daan kasabay ng pagkatunaw ng natitirang hiya ko sa katawan. I feel so awful and I just wanna go home.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now