Chapter 13

3.3K 129 37
                                    

"What? You're still into that guy?" Hindi makapaniwala si Maddie nang muli kong iopen ang topic tungkol kay Scorpion.

Tumango ako at uminom ng wine. It was girls night out and we were pre drinking at my unit.

"In fairness! Ang tagal mo nang bet ang papabol na iyan ah?" Sabi naman ni Laine.

"Medyo matagal na nga din." Sagot ko.

Ilang buwan na ding nagpapakipot sa akin si Scorpion. I never imagined that I'll stick to one guy for this long. Our relationship was some kind of a push and pull, habang lalo siyang lumalayo ay lalo ko siyang ginugusto .

"Hayaan mo na kaya 'yun? Madami namang iba diyan eh." Sabi ni Maddie na sinundan naman ni Laine.

"Oo nga. What about Rob? Ayaw mo na ba doon?"

Pareho ko silang inirapan.

"Matagal na kaming tapos. Mahigit isang taon na din. At saka diba, masyado ngang obsessed sa akin." Pabiro kong sabi pero totoo naman talaga.

Si Rob yung tipo ng boyfriend na kailangan palagi mong kasama. Kailangan palaging alam kung nasaan ka. At higit sa lahat, lahat ng bagay ay isasangguni pa sa kanya. Nasakal ako, I love my night life so much kaya nakipag hiwalay ako. Isa pa, masyado na siyang nagiging creepy.

11 pm nang makarating kami sa En Route. Dagsa ang mga tao at punong puno na ang mga upuan dahil biyernes. Mabuti nalang at kakilala ni Laine ang may ari kaya nakapag pa reserve kami ng isang couch. Doon kami naupo sa medyo malapit sa mga nag bi beer pong. Ang daming gwapo ngayong gabi ah.

"Beatrice!" Sigaw namin sa isa kong pang kaibigang si Beatrice.

Ramdam ko na agad ang mga matang nakatitig sa akin mapa babae man o lalaki. I'm wearing a tight sparkly silver dress at ine emphasize noon ang boobs ko dahil sa plunging neck line noon at ang aking mga curves.

"Laine! Order ka na." Inabot ni Maddie kay Laine ang menu. Narinig kong isang bote ng JD at dalawang carafe ang inorder niya.

"Snacks, ayaw niyo?" Tanong ni Laine.

"Masarap yung Calamares dito." Sabi naman ni Beatrice.

Binulong ni Laine sa waiter ang mga order namin at iniabot ulit ang menu.

"Shocks! Daming gwapo tonight ah?" Medyo malakas ang boses ni Laine dahil na rin sa lakas ng music.

Tama siya, maraming models at mga artista. Iyong iba naman mga artistahin.

"Tosca mamaya beer pong ah!" Baling sa akin ni Maddie.

"Pag naubos natin yung JD." Humalakhak ako at inobserbahan ang mga tao sa loob.

Madilim sa En Route, hindi katulad ng ibang bar ay medyo chill lang ang mga tao dito at walang nag sasayaw. Tamang head bang lang sa mga kantang pang party.

Napuno ng mga kwentuhan at tawanan ang buong table namin. Maya maya ay nag aya si Beatrice na mag yosi sa labas. Palabas na kami nang makasalubong namin ang isang grupo ng matatangkad na lalaki. Kahit madilim ay naaninag kong grupo ng mga gwapo ito. As in,may istura silang lahat at matatangkad pa. Nasa pitong lalaki ang pumasok kasabay nang pag labas namin.

Pinanghinaan agad ako ng tuhod nang magtagpo ang paningin namin ng isa sa mga lalaki doon. Huli na nang ma realize kong si Scor 'yon! Puta! Bakit nandito siya? Tiningnan niya ako na parang nang aasar. Ano nanamang pakulo niya?

Nanginginig ang kamay ko habang sinisindihan ang sigarilyo. Tangina! Anong gagawin ko? Para akong na excite na ewan. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil busy ata siya sa kumpanya ng pamilya niya. Palaging ako ang ka meeting ng mga empleyado at ng ilang suppliers.

The Things I Hate About YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora