Chapter 10

3.3K 106 21
                                    

Two weeks na akong nag tatago sa pinsan ko at kay Scor. Hindi ako dumadalo sa mga pa meeting niya kuno. Nabalitaan kong nagpunta sila ng Puerto Galera last week para icheck ang site doon. Siyempre hindi ako sumama. Emote emote lang pag may time.

Ngayon nga ay pinipilit ako ni Clint na sumama na dahil may ka meeting silang chinese business woman na may ari ng bahagi ng lupa na tatayuan sa LU. Naka meeting na namin iyon noon, kaya gusto akomg pasamahin ni Clint ay dahil nagustuhan daw ako ng chinese. Pero hindi ko talaga kayang sumama.

"Tosca, ito lang ang gagawin mo for me. Utang na loob." Desperadong sabi ng pinsan ko sa kabilang linya.

"I really can't couz. May photo shoot ako mamaya." I said. Which is also true. Sa tingin ko ay hindi na e effect ang dahilan ko sa buong dalawang linggo na may sakit ako.

"So ire resched ko nalang? Fvck. Nakakabanas pa naman kasama si Scor. Akala mo laging mananapak eh." Humalakhak si Clint sa kabilang linya.

Medyo sumakit ang dibdib ko nang marinig amg pangalan niya. Sa two weeks ay hindi man lang niya ako kinamusta. Kahit na sure akong ipinarating ni Clint sa kanya na may sakit ako. Hindi pa din ako makapaniwala na tinawag niya ako sa pangalan ng ibang babae. Nakaka offend iyon sa part ko.

"Promise sa susunod na negotiation ninyo ni Mrs. Choi, pupunta ako." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"Fine. Whatever. Sige na, ingat ka." Pinutol na ni Clint ang tawag.

Tumihaya ako sa kama ko kahit na alas dos na ng hapon. Hanggang kailan ako mag tatago kay Scor? Siguro kapag hindi na masakit. Mapait akong tumawa sa isip ko.

Should I just give up? It seems like, kahit anong gawin ko ay hindi niya ako magugustuhan. Kung bakit ay hindi ko din alam. I am willing to change para lang magustuhan niya ako. Pero parang kahit anong pag papa conservative ko ay wala pa ding effect. Ayae niya kasi akong i-try. Ang sarap ko kayang maging girlfriend.

"Humahaba nanaman ang buhok mo. Gupitan natin? Trim lang." Tukoy ni Roxy sa buhok kong lampas sa siko ko.

"Sige. Konti lang ha. Ipapakulot ko 'yan tonight."

Katulad nga ng sabi ko ay may photoshoot ako mamayang gabi. Isang make up brand ang nag bayad sa akin para iendorse ang kanilang produkto.

"Kamusta na pala 'yung boylet na ka date mo nung nakaraan?" Tanong ni Mori habang ini i-steam ang susuotin ko mamayan.

Bumuntong hininga ako at tiningnan siya mula sa salamin.

"Huwag mo na ngang ipaalala. Nganga ang lola niyo." Untag ko.

"Weh? Walang halong chenez? Imposible. Tosca Escovilla, binasted?" Nag apir si Mori at si Roxy. Inirapan ko naman silang dalawa. Mga mahaderang bakla!

"Tingnan niyo nga ako? Ano bang mali sakin." Ayan at nagmukmok nanaman tuloy ako.

"Girl, wala namang mali sa'yo. Baka may mali lang sa mata ng afam mo." Tatawa tawang sabi ni Roxy habang ginugupitan ang buhok ko.

"Oo nga teh. Tsaka, ganon ba siya ka daks para kabaliwan mo ng ganyan?" Biro ni Mori.

Gusto ko sanang sumagot ng oo pero pag nanasahan lang ng mga baklang 'to si Scor. Hindi ko man nahawakan ng buo ang alaga niya, alam ko na agad. Tiyak na ga-braso ang laki non. Humahalhak ako sa isip ko. Ilang oras din akong nag ayos bago nag simula ang photoshoot.

Almost 12 am na natapos ang lahat since gabi nga kami nagsimula. Mag isa akong uuwi sa tahimik kong apartment gamit ang puting civic ko na minsan ko lang magamit. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain. Pero ayos lang, sanay naman akong nalilipasan.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now