Chapter 17

3.1K 135 40
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng kumakatok sa pinto ko.

"Ma'am? Breakfast na po." Ang sabi ng nasa labas.

"Yeah! I'm awake!" Sigaw ko pabalik.

Tumigil na ang pagkatakot ngunit pupungas pungas naman akong bumangon mula sa kama ko. Halos di ko madilat ang mga mata ko dahil namamaga iyon sa sobrang pag iyak. Nakumpirma kong mukha na akong ipis nang maghilamos ako. Mabilis akong nag ayos at nagpalit ng damit at saka lumabas.

Naabutan ko silang nag ke kwentuhan sa isang mahabang lamesa sa veranda. Nahagip kaagad ng mga mata ko si Scor at iyong babaeng saling pusa niya kagabi. So ganon? Iniwan niya akong nakabitin para lang sa bwisit na hipon na iyon? Seryoso ba siya?

Inirapan ko siya kahit na hindi naman siya nakatinin at hindi naman niya napansin. Binati kaagad ako ng mga kababaihan at umupo ako sa bakanteng upuan sa gitna ni Eli at ni Scarlett. May nakapaskil na mapang asar na ngiti sa mukha ng loko.

"Mukha kang ipis." Bungisngis niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at walang kalatoy latoy na hinainan ang sarili ko.

"Wala ka sa mood ah." Pansin ulit sa akin ni Eli nang mamataan niyang ni hindi ako nakikisali sa mga biruan nilang magkakaibigan.

"Pake mo?" Padarang kong tanong bago padabog na tinusok ng tinidor ang nag iisang hotdog sa plato ko.

"Oh! Easy! Ito naman, ang aga aga nakasimangot. Meron ka no?" Bulong pa ulit ng hayop na lalaki.

"Tigilan mo ko. Sasapakin kita." Seryoso ko namang sabi bago tinuloy ang pagkain ko.

Sa totoo lang ay wala na akong gana. Sino ba namang gaganahang kumain kung ang naglalampungang si Scor at ang babae niya ang kaharap ko diba? Ni hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin. Busy siyang makipag bulungan sa babaeng kasama niya.

"Kailan tayo mag a-island hopping?" Tanong ni Clint kay Harris, ang may ari ng resort.

"Bukas nalang siguro. Enjoy niyo nalang muna ngayon ang dagat." Sagot naman niya.

"Diba merong kweba dito?" Tanong naman nung isa nilang kaibigan na di ko kilala.

"Oo, Bakwitan Cave. Gusto niyo dun nalang muna tayo mamayang hapon." Kibit balikat na sagot ni Harris.

Sumangayon ang lahat na magpunta sa cave na iyon mamayang hapon. Inisip kong mag kukulong nalang muna ako sa loob ng kwarto ko dahil hindi ko matagalan ang pag lalandian ni Scor at ng babae niya.

"Magpapalit lang kami. Parang ang sarap mag swimming eh." Paalam ni Xander pagkatapos kumain.

"Ulul! Parang iba 'yung gusto mong sisirin eh." Biro ni Clint sa kanila.

Nagmurahan lamang ang mga lalaki at tuluyan na ding umalis ang magkasintahan. Mag papalit nalang din siguro ako. Nagpaalam ako kay Brooke na babalik muna ako sa Villa ko.

Gustong gusto kong suotin ang puting bikini ko pero na conscious ako dahil malamang pipintasan ako ni Scorpion dahil ayaw niyang nagsusuot ako ng mga sexy na damit. Manipis lang ang string ng bikini at parehong de buhol. But who cares right? Wala naman siyang pakialam sa akin. Ibig sabihin wala din siyang kontrol sa akin.

Sinuot ko ang bikini at nagpatong ng shorts at mesh na itim na shirt. Tinali ko lamang ang buhok ko at nag lagay ng kaunting lip tint. Kinuha ko ang baon kong sunblock, shades at earphones. Plano kong magpa tan nalang muna habang nag papalipas ng oras. Maaga pa naman.

Naabutan ko silang nasa dalampasigan na at ang iba ay nag si swimming na. Doon ako nagpunta sa isang maliit na payong na gawa sa mga dahon at sa ilalim ay may sun bed. Nilatag ko ang dala kong bandana doon at humiga. Nakikinig lang ako ng music nang lapitan ako ni Eli. Mukhang mang aasar nanaman. Tinanggal ko ang isa kong earphones bago nagtanong.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon