Chapter 18

3.2K 133 28
                                    



"Girl! You are so sexy! How did you get that butt?" Salubong sa akin ni Scarlette nang makarating ako sa kanila.

"Well, I do squats." Tumawa ako at nilublob ang sarili ko sa tubig.

"Ang sama ng tingin ni Scor ah? What's the real score between you? Uy! That rhymes ha." Tanong naman ni Brooke.

"Hindi ba obvious na walang something? How I wish na meron." Hilaw akong tumawa.

"Obvious naman na gusto mo siya. Ewan ko kung bakit nagdala pa ng plus one. Honestly? Hindi ko gusto ang hilatsa ng Mary na iyon." Said Scarlette.

"Really? Alam niyo, ako din." Pinasundan naman ni Brooke ang sinabi niya.

There are other women in the group but I seem to be really connected with this two. Ilang araw ko palang kasi silang nakakasama ay parang kumportable na ako sa kanila. At least, may nakakausap ako dito.

"Girls. Stop it. You know, I'll play a fair fight. If Scor wants to settle for less, let him be." Nag kibit balikat ako.

Nag tampisaw ako sa puting buhangin at asul na asul na dagat. Hindi gaanong pino ang buhangin pero papasa ito sa kagandahan. Natanaw kong naglakad na si Scor kasama ang mga kaibigan niya pabalik sa veranda. He doesn't look pleased at all. Anong inaarte arte niya ngayon? Eh diba nga, hindi niya ako gusto? Inirapan ko siya kahit hindi niya naman ako nakita.

Ilang sandali lang muna akong nag swimming at in-appreciate ang ganda ng buong Gigantes. Pagabi na din ng umahon ako kasama ang dalawang babae. Pag balik ko sa veranda ay nakita kong mag isa nalang si Scor at wala itong Mary na katabi. Himala.

Sinundan niya kaagad ako ng tingin pagkadating ko sa veranda. Naroon kasi ang towel ko kaya't basang basa at exposed na exposed pa din ang buong katawan ko. Sumipol pa nga si Eli kaya pabiro siyang sinapak ng pinsan ko.

"Ladies, nag-enjoy ba kayo?" Tanong ni Harris.

Iyong dalawa ay kanya kanyang dikit sa mga boylet nila. Medyo nainggit nanaman ako dahil wala akong ganon. Ako naman ay naghanap ng bakanteng upuan. Doon nalang ako umupo sa dulo medyo malayo kay Scor.

"Yeah. Ang sarap sigurong mag snorkling." I answered.

"Bukas mag island hopping tayo. Maganda ang lagoon dito." Sabi niya bago uminom sa baso.

Nakahanda na ang pagkain at umiinom na din ang mga lalaki. Palubog na ang araw kaya nabalot ng kahel na kulay ang paligid. Naisip kong mag bibihis muna ako dahil mahangin kapag gabi. Baka magkasakit pa ako.

"Uy Tos. San ka pupunta?" Tanong ni Clint nang mapansin niyang tumayo ako.

"Magbibihis muna ako. Malamig." Sagot ko naman.

"Ah, oo nga pala. Mahina kasi ang baga nitong pinsan ko." Sabi niya sa mga kaibigan niya.

"Yeah, Clint. Too much info! I'll be back." Sabi ko bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa villa ko.

Hindi pa ako nakakalayo ay may grupo ng mga lalaki na lumapit sa akin. Natakot ako pero hindi pa naman ako nakakalayo kaya kung may balak silang masama ay tatakbo nalang ako pabalik sa veranda.

"Hi, miss. Nag si swimming kami kanina sa beach. Type ka kasi nitong tropa ko. Pwede bang mahingi number mo?" Sabi nung isang lalaki na medyo payat. Mukhang kakaahon lang din.

"Ate wag kang matakot sa amin. Torpe lang talaga itong tropa namin." Sabi naman noong matangkad na lalaki na nakaakbay sa pandak na lalaki.

"M-miss. Uhm ano, single ka ba?" Tanong noong pandak na medyo cute naman.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon