Chapter 1

5.6K 134 14
                                    

Tosca

"Ano nanaman ito! You were caught kissing a man last night, Tosca!" Halos hysterical na sabi ni Rita, my publicist.

"I know, okay! So? May info ba sila about the guy? I asked.

Hindi ko man lang kasi nakuha ang pangalan ng gwapong stranger kagabi. Pero perfect talaga ang mukha niyang parang hindi matae dahil sa gulat!

"None! Nakatalikod ang guy from the camera. Kaya nga kitang kitang ikaw 'yon eh! Lago ka nanaman sa parents mo niyan." Humalukipkip si Rita at umiling.

I don't really care much about my image. I just want to live my life! Hindi ako dapat magpaka plastic dahil lang maraming nakasubaybay sa akin.

"What's my schedule tonight?" Tanong ko.

"May guesting ka sa Revel." Tipid niyang sagot at patuloy na nag scroll sa kanyang phone.

Party namaman! Excited na akong mag sayaw at maka meet ng mga yunmy foreigners. Natawa kaagad ako sa pinag iisip ko.

"Sige na, Rita. You can go. Pupuntahan ko pa si Clinton sa unit niya." I said.

"Oh, anong gagawin mo sa bahay ng pinsan mo?" Kinunutan niya ako ng noo.

"I don't know. Mukhang may plano siya eh." I shrugged.

My cousin is the owner of the top rating clubs in Manila. Siguro talagang it runs in the family, wala kasi akong day job. Nag-start akong sumikat sa instagram noong nag 18 ako at nakakalabas labas na ako. Some people say that I am the Kylie Jenner of the Philippines. Although hindi ko naman nakikita ang resemblance.

"Clinton!" Kinatok ko ng malakas ang pinto ng kanyang unit.

Mga limang minuto na rin siguro akong naka tayo rito sa tapat ng pinto niya. Ang sabi niya sa akin, 2 pm ako magpunta. Sinadya ko na ngang magpa late eh, 2:30 na! Siguro tulog pa ang mokong.

Inis kong binunot ang cellphone ko mula sa bag ko at dinial ang number niya. Ring lang ng ring ang pero hindi niya naman sinasagot.

"Ugh!" Sinipa ko ang pinto at naglakad pabalik ng elevator.

Pinindot ko ang down button at hinintay na bumukas ang elevator. Saktong may tao namang bababa pagkabukas niyon.

Halos malaglag lahat ng pwedeng malaglag sa akin nang makita ko kung sino ang taong bababa. It was the hot guy! Natulala ako sa kanya dahil shit, kung gaano siya kagwalo kagabi ay ganon din siya kagwapo ngayon!

"Hey!" Hindi ako nagdalawang isip na tawagin siya.

Hindi man lang kasi ako tinapunan ng tingin at dire diretso lang siya sa paglalakad sa hallway.

"Excuse me! Hey!" Tawag kong muli sa kanya.

This time ay tamad na niya akong sinulyapan.

"H-hi! Don't you remember me? From last night?" Pinaling ko ang ulo ko, waiting for his answer.

Sa halip na sagutin niya ako ay huminto siya sa tapat ng unit ni Clinton. Sumunod ako at tumabi sa kanya.

"Kilala mo si Clinton?" Sabi ko.

Mukhang doon ko nakuha ang pansin niya. Nilingon niya ako at kunot noong tiningnan.

"Ka ano ano mo si Clint? One of your boys?" Tila dismayadong sabi niya.

Sa wakas nagsalita na rin siya! Ang laki laki talaga ng boses niya. Napaka manly ng dating.

"Hindi ah! Wala akong boys! He's my cousin." Hala bat parang naging tunog defensive ang sagot ko.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon