Chapter 36

3.4K 86 8
                                    

TOSCA

Laking pasasalamat ko na na resolve kaagad ang problema sa Puerto Galera. I don't think I could spend another day with score in there. It's just too awkward.

"Ma'am Julie, tapos ko na ang mga pinapagawa niyo. May kailangan pa po ba kayo?" Magalang kong untag sa admin manager namin.

"Naku, Tosca. Ilang beses ko bang sasabihin, huwag mo na akong tawaging ma'am. Ikaw nga dapat ang tinatawag ko noon eh." Nahihiyang sabi niya sa akin.

"Ano naman po ang itatawag ko sa inyo? Parang unethical naman kung Julie lang." Sagot ko.

Medyo nahihiya nga ako na pinag uusapan namin ito. Para sa akin kasi, boss ko siya. Hindi naman ako pinalaking matapobre ng pamilya ko. Hindi porket sa amin ito ay mag rereyna reynahan na ako.

"Oh siya, Ate nalang! Akin na nga yang mga files. Ang bilis mong mag-trabaho." Tumatawang sabi niya.

Inabot ko sa kanya ang mga hawak ko at nag-hintay ng susunod niyang iuutos. May dalawang oras pa kasi bago mag-uwian. Nilingon niya ako.

"Umuwi ka ng maaga Tosca. Sa monday nalang ulit. Naubos na ang mga pinapagawa ko sa'yo eh." Pabirong sabi niya.

Friday pala ngayon. Hindi ko namalayan. Ayaw ko pa nga sanang umuwi pero ayoko na ring tumambay sa office. Wala din naman si Clinton kaya wala din akong makukulit doon. Uuwi nalang siguro ako at matutulog. Na-miss ko iyong nasa bahay lang ako ng ganitong oras.

Dahil nga maaga akong nakauwi, dumaan muna ako sa isang organic grocery store para mamili. I decided to live better inside and out. Kaya naman no gluten and other toxic ingredients na ang mga pagkain ko. Hirap na hirap pa nga akong dalhin ang mga napamili ko sa sasakyan ko. Bawal kasi ang plastic kapag biyernes, kaya naka paper bag ang mga pinamili ko.

Ugh! Biglang mag ring ang cellphone ko! Napaka wrong timing pero baka importante kaya pilit kong sinagot.

"Hello?" Hirap na sabi ko. Hindi ko na natingnan kung sinong tumatawag dahil nag fo focus ako sa pagbubukas ng trunk ng sasakyan.

"Tosca! Gosh! Sumagot ka din!" Bulalas ng nasa kabilang linya.

It was Maddie. I recognized her voice.

"What's up?" Tanong ko.

Isinalpak ko ang mga grocery sa trunk at saka iyon sinara. Doon ko lang nahawakan ng maayos ang cellphone ko. Pumasok ako sa kotse ko at doon kinausap si Maddie. Diyos ko, napaka init! Itinodo ko nga kaagad ang aircon dahil hindi ko matagalan kapag ganitong nanlalagkit ako.

"When can you bond with us, ha? Masyado ka na atang busy sa work."

Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o nang-aasar lang.

"Maddie, I'm really busy. I'm sorry!" Apologetic na sabi ko.

Sa totoo lang ah namimiss ko na rin talaga ang mga kaibigan ko. I miss hanging out with them but I just have so much on my plate right now. Marami akong deadline na kailangang habulin.

"Hay. Kinakalimutan mo na talaga kami, Tosca." Malungkot na sabi niya.

Na guilty naman ako kay binawi ko din kaagad ang sinabi ko. My friends are so important to me. I have to make time fore them.

"Alright. I'll meet you guys later. Should we have dinner?" I asked.

"Yes! Omg, I'll tell Laine and Beatrice. I'll text you where, okay? See you later, Tos!"

Napangiti kaagad ako nang marinig ko ang excitement sa boses niya. Mababaw lang naman ang kaligayahan ng mga kaibigan ko. I'm sure they miss me already. Inistart ko ang sasakyan ko at nag-maneho pauwi. Magpapahinga na muna ako. Looks like I don't need to cook dinner after all.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now