Chapter 21

3.5K 105 22
                                    

TOSCA

Naknampucha! Nanaginip lang ata ako, pwedeng pakisampal ako? Habang hila hila niya yung kamay ko talagang palutang lutang isip ko. Hindi ako makapaniwala pero nang maramdaman ko 'yong namamanhid kong labi dahil sa halik na 'yon, eh nakumpirma kong totoo nga lahat.

"Uy! Ano 'yan, ano 'yan? May pag holding hands?!" Malayo palang kami, panay sigaw na si Clint nang makita kami.

Napa 'tsk' ako at pinilit na kalasin ang kamay ko sa hawak niya pero lalo niya lang hinihigpitan 'yon.

"'Bakit ka nanaman kumakalas diyan? Dapat makita ng mga ulupong dito na 'di ka na pwede." Inis na sabi ni Scor habang tuloy tuloy pa din ang lakad.

"Pre, eto. Sure ako, naka-'scor' na 'yan." Inakbayan ni Eli si Clint at nag halakhakan sila sa pinagsasabi nila kay Scor. Hindi sila pinansin ni Scor sa halip ay humarap siya sa akin.

"Magsi-swimming ka pa ba?" Tumaas ang isang kilay niya pero nakasimangot.

Tango lang ang naisagot ko. Kung ako, hindi halos makapag-isip ng maayos dito, si Scor mukhang pa petiks petiks lang at kumuha pa nga ng isang lata ng beer at pinaglaruan sa kamay niya. Lumapit diya ulit sakin bago dinantay ang kamay sa likod ko.

"Tara." Aniya.

Naglakad ako patungong dalampasigan habang sinasabayan niya ako't bakatanday pa rin ang kamay niya sa likod ko.

"Oh, mag-swimming ka na." Bumitaw siya sa akin at binuksan ang hawak niyang beer.

"Diyan ka lang?" Tanong ko. Bahagya siyang tumango.

"Samahan mo ko." Pag papa cute ko. Tinatry ko lang naman kung effective iyong kapokpokan ko eh. Hihi.

Kumunot naman ang noo niya pagkatapos ay tumanaw lang sa beach. Ay? Dedma ang beauty ko?

"Tara na. Mag-uusap pa tayo diba?" Pag pipilit ko pa.

"Fine! But only because I don't like those guys gawking at you." Hinapit niya ako palapit at binulungan sa tenga.

Tumayo tuloy mga balahibo ko sa leeg! Ano ba 'to, ang possessive naman pala ng kuya niyo. Hindi pa man ako ganoon ka convince pero titingnan ko. Baka mamaya ineechos lang ako nito. Hinatak ko siya sa medyo malalim na parte ng dagat, hanggang ibaba ng dibdib ko ang tubig pero hanggang tiyan niya lang ata dahil ang tangkad niya nga.

"Kailan mo na realize na gusto mo ako?" Tanong ko.

Seryoso lang naman siya habang naka kapit pa din sa baywang ko. Medyo pumpisil pisil pa siya doon.

"I don't know. I woke up one day and somehow, my day isn't complete if I don't hear your stupid annoying voice." Aniya.

Nag-iwas ako ng tingin habang nagpipigil na ngumiti. Kunyari ay nakasimangot ako pero deep inside ay nagtatalon na ang inner self ko!

"So, ano tayo?" Nahihiyang tanong ko. Pero gusto ko kasi madinig na sabihin niya eh.

"Edi tayo na. Only if you want too. Ayaw mo ba?" Mataman niyang sagot.

"Siyempre gusto!" Agad ko namang sabi.

"Good. Mag-swimming ka. Babantayan kita." Aniya.

"Eh ayoko! Halika, punta tayo don sa medyo malalim." Pilit ko sa kanya. Hinila ko pa iyong braso niya.

"Tosca. May binabalak ka." Nakasimangot niyang sabi. Ang gara naman! Ba't alam niya agad?

Tumawa lang ako at hinila siya doon sa malalim. Si gago naman ay nagpatianod sa akin, gumugusto din. Huminto ako nang hindi ko na makapa ang ilalim, si Scor ay nanatiling nakatayo dahil mas matangkad siya sa akin. Mabilis ko siyang niyapos at ikinawit ang dalawa kong binti payakap sa kanya.

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon