Chapter 40

4K 113 32
                                    

TOSCA

Nakatulala ako sa mga lumalampas na building sa paligid. Nasa sasakyan ako ni Scor at binabaybay namin ang daan pauwi sa condo niya. Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko at hindi ko din alam sa sarili ko kung anong ginagawa ko dito.

I guess he noticed that I'm feeling uncomfortable because he suddenly held my hand. Mainit ang kamay niyang pumisil sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Napatingin tuloy ako sa kanya. Diretso lang naman ang tingin niya ay mukhang concentrated sa pagmamaneho.

"What's wrong? Did you change your mind?" Aniya. Patagilid itong sumulyap sa akin.

Hindi nakatakas sa akin ang panandaliang pagdaan ng pangungulila sa mga mata niya. He looked like a kid who's afraid that mom's gonna leave him. Kung sabagay, sanay naman siyang dumedede sa akin.

Napapikit ako ng mariin at hindi ipinahalata ang kabalbalang naiisip ko. Ang sarap ko din talagang kutusan paminsan!

"N-no... I just- I have a lot on my mind." Sagot ko.

Naglilikot ang mga mata ko dahil hindi ko siya matitigan ng diretso. Basta halo halo nalanh ang nararamdaman ko. Parang nagdadalawang isip ako pero gusto ko pa din namang malaman ang totoo.

Why am I really here? Dalawang bagay lang naman iyan eh. It's either I'm going to get the closure that I need, or we'll both decide if we can still give it a try. For once in my life, I never wanted anything to work out so bad. Si Scor ito eh. He was my dream guy.

Nagiging pamilyar na ang mga building sa labas. Palapit na kami ng palapit sa condo niya. Parang pasikip din ng pasikip ang pag-hinga ko. Ano nga ba talagang ikinakatakot ko? Ang malaman ang totoo? Na hindi niya naman talaga ako minahal at ginawa niya lang akong panakip butas sa namatay niyang ex? Sumalangit nawa ang kaluluwa niya pero naiintindihan niya naman siguro ako diba? He could've told me the first time that I told him I liked him. Ito pala ang rason kung bakit galit na galit siya sa akin eh.

Talagang wala nang nagsalita sa amin hanggang sa narating namin ang basement ng condo niya. Parang bumigat ang puwet ko nung pinatay na niya ang makina ng sasakyan. Walang sabi sabi siyang lumabas ng sasakyan pero hindi ko na siya hinintay na pag-buksan ako. We're here to talk. To talk!

Tahimik lang kami pareho nang humakbang kami papasok ng elevator. Sobrang tahimik na parang nabibingi na ako. Doon talaga ako pumwesto sa isang sulok ng elevator.

"Masyado ka namang malayo." Sabi niya.

Hindi ako sumagot. Iniwas ko lang yung tingin ko sa kanya para hindi niya mahalatang naaapektuhan ako sa mga pinagsasa-sabi niya. Oa na kung oa pero nanlamig talaga ang katawan ko pag-dating namin sa condo niya. Walang nag-bago. It's the same as the last time I was here, seven months ago.

"Are you thirsty? Water or juice?" Tanong niya.

Initsa niya sa isang maliit na lamesa sa gilid ng pinto iyong susi at phone niya. Pagkatapos ay nag-hubad ng sapatos at itinabi iyon bago dumiretso sa kusina. Hindi niya pa nga ako hinintay na sumagot, nagdedesisyon kaagad siya diyan. Para tuloy akong tangang nakatayo sa tapat ng pinto. Pakiramdam ko kasi, hjndi ako welcome.

"Oh? Ano pang ginagawa mo diyan? Sit." Matalim na sabi niya pag-balik niya. May dala siyang isang baso ng tubig na puno ng yelo.

Dumiretso ako sa couch matapos kong hubarin ang sapatos ko. Ipinatong niya iyong tubig sa center table at mabilis ko namang kinuha 'yon para uminom. Ewan ko ha, pero uhaw na uhaw ako at tuyong tuyo ang lalamunan ko.

"So... What do you want to talk about?" Tanong niya pagkatapos kong uminom ng tubig.

Mukhang hinintay niya din akong matapos bago siya mag-tanong. Hindi ako tumitingin sa kanya. Iniisip ko kung ano nga bang gusto kong malaman, pero na realize ko na napaka rami eh. Saan ba ko magsisimula?

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now