Chapter 20

3.8K 122 24
                                    

Buong biyahe sa bangka papunta sa susunod na destination ay nakatulala lang ako. Alam kong bastos iyong ginawa ni Scor pero bakit gumugusto naman ako? What kind of woman have I become? I mean, if it was some kind of a fling, okay lang siguro. Pero si Scor ang pinag uusapan dito, ang lalaking yumurak at tumanggi sa pagka babae ko! Bakit hinahayaan ko siyang ganun-ganunin ako?

Wala akong kinakausap hanggang sa makarating kami ng Tangke Lagoon. Iyong iba nga ay nag si talunan na para mag swimming sa malalim na parte ng dagat. Mayroon kasing parang floating bridge na dadaanan bago makapasok ng mismong lagoon. Iyong iba ay mas pinili munang mag swimming kesa mag explore.

Nag-stay nalang muna tuloy ako sa bangka kahit mukha na akong loner doon. Tinanong pa nga ako ni kuyang bangkero kung di daw ba ako ako baba. Lahat ng kinatatakutan ko ay nagkatotoo nang natanaw kong sumampa ulit sa bangka si Scor. Basa na ang buong katawan nito at lalo pang gumwapo nang lumitaw ang kanyang tattoo na alakdan sa dibdib.

Nagkunwari akong hindi siya pinansin, kunyari nakatingin ako sa view. Pero deep inside, kinakabahan nanaman ang lola niyo!

"Bakit di ka bumababa?" Umupo siya sa upuan katapat ko at pumangalumbaba.

"Ha? Pababa na nga ko eh." Sagot ko. Tumayo ako at kunyaring inaayos mga gamit ko tapos naglakad na ako.

"Teka lang. Hilig mo mag walk out eh." Pigil niya sa hita ko. Pumulupot doon ang braso niya. Kinilabutan tuloy ako sa pinag gagagawa niya!

"A-no ba! Kanina mo pa ako china chansingan eh." Impit na sigaw ko.

Nag-iinit na ang pisngi ko. Gosh! Huwag naman sana akong mamula 'no? Kunyari nga galit ako eh!

"Chansing ba 'yon? Parang hindi." Seryosong sabi niya bago tumayo. Pinauna niya akong maglakad pero nakaalalay siya sa magkabilang baywang ko.

"Huwag mo nga ko hawakan kung saan saan." Hindi niya nakikita mukha ko dahil nakatalikod ako sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong niya. Di ko alam kung sinasadya niya pero bakit pa sexy ng pa sexy ang boses niya?

"Ayoko." Medyo pumiyok ako.

Hindi na kasi mapakali buong katawan ko. Ang lapit lapit niya sa akin at natatakot akong baka bumigay ang marupok kong pundasyon!

Pag hakbang ko sa floating bridge, biglang umalon kaya medyo gumalaw ang 'yon at na out balance ako. Mabuti nalang naka hawak pa din sa baywang ko si Scor kaya hindi ako tuluyang natumba. Pero nag-init kaagad mukha ko nang sumagi sa puwet ko iyong ano niya!

Marahas akong lumingon at tiningnan siya ng masama. Parang wala lang naman sa kanya dahil pinapag tawananan niya si Clint at Eli na nag lulunuran habang nag-si swimming.

"Lumangoy ka na. Kaya ko sarili ko." Sabi ko.

"Tapos na ko lumangoy." Maiksing sagot niya naman.

"Pwede mo na akong bitawan, Scor."

"Ayoko."

Naman! Na fu-frustrate na ako sa lalaking 'to ha! He can't keep doing this. Kinalas ko ng pwersahan ang pag kaka hawak niya at mabilis akong tumakbo patungo sa entrance ng lagoon. Swerte akong nakita ko sina Scarlette doon kaya lumapit ako sa kanila.

Hindi na ako nahabol ni Scor. Parang doon lang ako nakahinga ng maluwag eh. Hindi rin naman kami nag-tagal doon. Konting picture taking lang tapos tumuloy na kami sa iba pang isla.

Hapon na ng makabalik kami sa main island ng Gigantes. Hindi naman din ako nakaiwas ng malala kay Scor dahil sa motor niya ulit ako sasakay pabalik ng hotel. Hindi naman na siya clingy katulad kanina, tahimik nga siya eh.

The Things I Hate About YouOnde as histórias ganham vida. Descobre agora