Chapter 8

3.1K 95 23
                                    





Bumalikwas ako ng bangon nang maalala kong dito nga pala natulog si Scor. Hindi kami nag tabi. Nag offer ako na tabi nalang kami sa kama pero sinungitan lang niya ako. Sa couch siya natulog. Na touch naman ako kasi dito pa talaga siya natulog para lang masigurong safe ako. Kahit na suplado ay gentleman pa din.

Naisip kong magluto ng simpleng breakfast bilang pasasalamat na din sa kanya. Pero pag labas ko ng living room ay tanging mga unan at naka ayos na kumot nalang ang nandoon. Alas nuwebe palang ng umaga, umalis na kaagad siya? Di man lang nag paalam sa akin.

Nagtimpla nalang ako ng kape bago tumambay sa couch ko. Para akong tangang inaamoy amoy yung unan na hinigaan niya dahil dumikit doon ang amoy ng pabango niya.

Xylo ka later. Guest kayo ni DJ Renz.

Iyon ang text ni Rita sa akin. Party nanaman ako later, paano ko kaya pagsasabayin ang bagong business ko at ang trabaho ko? Wow, Tosca. Kung maka trabaho ka ay akala mo hindi mo ineenjoy?

Tumunog ang doorbell ko at agad akong nagtaka kung sinong napadpad sa condo ko ng ganitong oras? Dumiretso ako sa pinto sa pag aakalang isa lang iyon sa mga kaibigan ko.

Bumungad sa akin si Scor na bagong ligo dahil medyo basa pa ang buhok at naka itim na v neck at jeans. Napansin ko din ang yeezy na suot niya. Filthy rich huh?

"Scor!" Tumingkayad ako para i beso siya. Pero mabilis siyang humiwalay sa akin?

"Eto naman. Beso lang eh. Pasok ka." Nilakihan ko ang siwang sa pinto at nauna nang pumasok para bumalik sa pwesto ko.

Hindi siya nag sasalita at humalukipkip lang siya doon pagkatapos niyang isara ang pinto.

"What? Di mo sinabi saking umuwi ka pala. Magluluto sana ako ng breakfast eh." Hindi ko siya tinitingnan dahil busy ako sa pag scroll sa IG ko.

"Basta basta mo nalang binuksan ang pinto? Paano kung ang baliw mong ex pala ang dumating?" Tingnan mo ang aga aga highblood kaagad.

Binaba ko ang cellphone ko at tiningnan siya.

"Hindi kaya. Nakita kita sa peephole." Nang aasar kong sagot.

"Nakita mo nama pala ako. Hindi ka man lang nagpalit." Bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Pati tuloy ako napatingin.

Naka sando at cotton shorts ako. Oo yun lang. Wala akong bra. Oh my god! Wala akong bra! Hinablot ko kaagad ang throw pillow at hinarang 'yon sa katawan ko. Nag smirk siya at umiling tapos sumimangot ulit.

"Bat mo tinitingnan ha?" Pagalit kong sabi.

"Ikaw tong nagsusuot ng ganyan eh." Lumapit siya at umupo sa kabilang side ng couch bago naglabas ng phone.

"Bakit ka ba nandito? May lakad ba tayo?" Tanong ko ulit.

"Yeah. We have a lunch meeting with an another supplier." Sabi niya habang nag sscroll sa phone niya. Di man lang talaga ako tiningnan.

"Fine. Maliligo lang ako." Padarang akong tumayo at nag dadabog na naglakad papunta sa kwarto ko.

Bago pa man ako naka pasok ay nabitawan ko ang cellphone ko. Yumuko ako para pulutin iyon at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil naalala kong nasa likod ko si Scor! Bigla akong lumingon at huling huli ko siyang nakatingin sa pwet ko! Sinamaan ko siya ng tingin at pinulot ang tsinelas ko sabay bato sa kanya. Mabilis naman siyang nakaiwas pero sunod sunod siyang napamura.

"The hell's wrong with you?!" Lukot ang mukha niya.

Pinanlakihan ko lang siya ng mata at nag martsa papasok sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto. Pero deep inside ay gumugusto din naman ang dalagang pilipina niyo. Natatawa ako kapag naalala ko ang hitsura niya pagkabato ko ng tsinelas ko sa kanya. Buong umaga tuloy ay good mood ako.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now