Chapter 16

3.3K 135 44
                                    

Hindi ako lumalabas ng bahay simula nang gabing iyon. I just don't feel like going out at all. Alam kong walang magagawa ang pag mumukmok ko sa bahay pero iyon lang ang tanging bagay na maaari kong gawin.

Alas otso nang umaga nang may kung sino mang paulit ulit na nag doorbell dahilan kung bat ako nagising. Sino ang pupunta dito ng ganito ka aga? Nakita ko sa peephole na si Clinton ang tao.

"What?" Pambungad ko.

"Bat ganyan ang hitsura mo?" Natatawang tanong niya.

"Bakit ka nandito? Ang aga aga nang iistorbo ka!" Iritableng untag ko naman.

Mabilis niyang tinaas ang kamay niya na parang pinapatugil ako. Pinapasok ko siya at nakahalukipkip na inirapan. He has this smug look on his face and that's not what I want to see early in the morning.

"Mag ayos ka ng gamit. Sasama ka sa Iloilo." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Clint.

"Ano? Bakit?" Gulat na tanong ko.

What are we going to do in Iloilo? At bakit biglaan naman ang pag alis?

"Just a short holiday. Bilisan mo. Hintayin kita." Pagpuputol niya sa usapan.

Wala man sa sarili ay nagsimula akong mag empake. Isang linggo daw ang ilalagi namin doon. Nag empake ako ng ilang outfits at ilang swimsuit na din dahil sa resort daw ng kaibigan niya kami tutuloy. Matapos ang isa't kalahating oras ay handa na akong umalis.

"Bakit naman ngayon mo lang sinabi? Gahol tuloy ako sa oras." Reklamo ko nang binabaybay na namin ang daan patungo sa airport.

Ni hindi man lang kasi ako nakapag make up. Mabuti nga at naarawan ako dahilan para mamula ang pisngi ko.

"Baka bigla ka pang mag inarte eh." Sabi niya habang busy sa pag mamaneho.

Magmula sa maynila hanggang sa hotel sa Iloilo City ay si Clint ang kasama ko. Ngayon nga lang kami nakapag bonding ulit ng isang ito eh. Iyong ibang kasama daw namin ay mamaya pa ang dating. Hindi na ako nangahas na magtanong kung nasaan si Scor. Namimiss ko na din siya pero wala naman siyang pakialam sa akon so dapat wala din akong pakialam sa kanya. Natapos na nga lang ang araw na iyon na hindi ko siya nakikita eh.

Maaga kaming nagising kinabukasan. Ready na ang isang malaking Van para sa amin. Medyo lumuwag ang pakiramdam ko nang makitang may mga kasama din pala kaming babae. Agad ding napawi ang ginhawang nadarama ko nang mamataan ko si Scor na naka bulaklaking polo, khaki shorts at sumbrero.

Agad kong naalala na naka crochet halter top ako at shorts. Wala akong bra. Pniguradong maaasiwa nanaman siya sa akin pero wala akong pakialam. Papanindigan ko nalang ang tingin niya sa akin na isa akong malanding puta. Oh teka, masyado na akong naghihimutok dito.

Kinantyawan kami ng mga kaibigan niya habang nasa byahe. Mabuti nalang at si Clint ang katabi ko. Siya ang pumapagitna sa amin ni Scorpion. Tatlong oras pa ang ibabyahe namin kaya minabuti kong matulog nalang habang nagkukulitan ang mga pamilyar na lalaki sa loob.

Sinundo kami ng isang yate na pag mamay ari daw ng isa nilang kaibigan. Hindi namin iyon kasama dahil mamayang gabi pa daw ang dating kasama nung abogada daw na kaibigan nila.

Isang exclusive resort ang nadatnan namin pag dating ng Isla Gigantes. Nasa front beach ang lugar noon at pagkababa ng yate ay diretso na sa dalampasigan ng resort. Maliit lang ang isla at walang signal ang cellphones. Pero may sariling satellite ang resort na tinuluyan namin.

"Wow! Ang ganda dito!" Bulalas ko.

Nakita ko ang asul na tubig at awtomatikong gusto ko agad na lumangoy.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now