Chapter 41

2.8K 71 21
                                    

TOSCA

Natapos na kaming kumain pero hindi pa din ako mapalagay. Patuloy pa kaming nag-usap habang kumakain. Tungkol sa buhay niya at tungkol din sa akin.

Am I greedy if I say that I wanted to know more about Cheska? It's just that I can't help but compare myself to this girl. And I know she's not here anymore but there's still a part of me that envies her. I mean, she met him first. There's so many things that I am insecure about but I guess I am bothered because I know that whatever he did with me, he probably did with her too. It just crushes me that he met her first. Maybe if he hadn't known her, he would like me when we first met but I know I can't do anything about it.

Uminom ng tubig si Scor habang matamang nakatingin sa akin. Parang kina-calculate niya ang galaw ko. And then there's me feeling uneasy. Pakiramdam ko mali ito. Parang hindi ako dapat nandito. Besides, there are just too much memories at this place. Bawat sulok nalang may naalala ako. Tahimik kong pinagalitan ang sarili ko dahil alam kong mali na alalahanin pa ang past namin.

I admit that I still love him but is it really that easy to go back to the way it used to be? Na-antig naman talaga ako sa gesture niya pero ngayong nakakapag isip na ako ng matino, pakiramdam ko mali.

Tumikhim siya kaya mabilis na naputol ang pag-iisip ko at napatingin ako sa kanya.

"Are you done eating?" Tanong niya nang may pag-iingat.

Sandali ko lang siya tiningnan at nag iwas din ako ng tingin na parang bwisit na teenager na nahihiya sa crush niya.

"Yes." Maiksing sagot ko.

Bumaba sa mga platong wala nang laman ang paningin niya. Pinanood ko siyang ligpitin ang pinag-kainan namin habang parang hindi na ako makahinga. Should I just leave? I feel like I'm getting suffocated here. Inilibot ko ang paningin ko. Paano ako makakaalis dito? I'm sure he won't let me.

Habang hinuhugasan niya ang mga plato ay nag-iisip na ako kuny anong idadahilan ko. Parang ang liit liit na talaga ng lugar na 'to para sa amin.

"Can I go home now?" Kusang bumukas ang bibig ko at bigla ko nalang naibulalas iyon.

Tumigil siya sa pag-huhugas at lumingon ng kaunti sakin. Hindi ko man nakita ng buo ang mukha niya, nahalata ko kaagad ang pagk-irita sa ekspresyon niya.

"Bakit?" Maiksing tanong niya.

"Uhm... I need to finish something at home... For work." I said. Halos mangamote na ako pero sana hindi niya mahalata.

"Sigurado ka? Baka naman babalikan mo lang yung ka-date mo."

Nalukot ang mukha ko at napa kamot sa ulo. Nakalimutan ko na nga si Jacob eh. I have to text him later and say sorry. Alam kong dapat mainis ako sa tono ng pananalita ni Scor pero iba ang nararamdaman ko. Parang hinahalukay ang kalamnan ko dahil iniisip kong nagseselos siya. That thought brought me to frenzy.

"Hindi noh!" Hindi ko sinasadyang maging defensive ang tono ng pananalita ko pero kasalanan niya!

"Kung ganon, ihahatid na kita." Sabi niya.

Oo nga pala. Wala din akong choice kundi mag commute kung uuwi ako nang mag isa. But then I can't contemplate the thought of me and Scor in a tight space. Ngayon pa nga lang na nandito kami ay para na akong na so suffocate sa presensiya niya eh.

Ngayong humupa na ang adrenaline sa katawan ko ay saka lang ako nakapag isip ng matino. So what now? Are we together again? Am I his girl again? These are the questions that I want answers to but I'm too afraid to ask.

"Tosca... Halika na." Matamang sabi niya.

Nang tingnan ko siya ay hawak niya ang susi at cellphone niya. Napansin ko ring nakapag palit na siya ng puting t-shirt at gray na sweat shorts. Those damn, gray sweat shorts! Lalabas siya ng naka ganyan?

The Things I Hate About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon