Chapter 22

3.6K 110 15
                                    

SPG

TOSCA

Hindi ako nakatulog ng maaga kagabi. Hindi kasi talaga ako maka paniwala na finally, gusto na din ako ni Scor! Parang ang imposible pero ramdam na ramdam ko iyon kagabi, palagi siyang naka dikit sa akin tapos panay pa ang alok sa akin ng kung anu-ano. Inaasar na nga kami ng mga kaibigan niya pero dedma lang siya.

Tapos kagabi, naalala ko na noong medyo tipsy na ako dahil nag-inuman pa nagpumilit ako na doon na matulog sa kanya but he kept on insisting na dito ako sa villa ko, ako naman daw ang nag-sabi na mag-hintay pa kami. Nirerespeto niya raw iyon. Diba! What a gentleman?

Bumalikwas ako nang bangon nang may kumatok ng malakas sa pinto ko. Akala ko  inutusan nanaman ni Harris na palabasin ako, pero kumakatok pa din iyon kahit sinabi ko na na gising na ako. Sa inis ko ay lumapit ako at binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin si Scor na maaliwalas ang mukha at napaka gwapo. Tumili ako at patalon siyang dinamba ng yakap. Nabigla kasi ako dahil hindi nga talaga panaginip iyong nangyari kagabi! Talagang may pag-aming naganap.

"Easy! You missed me that much?" Natatawang aniya pagka hiwalay ko sa kanya.

"Sorry. Na-excite lang ako." Kinikilig na sabi ko.

"We have the whole day today. What do you want to do?" Aniya na may kaunting ngiti sa labi.

"Kahit ano basta kasama ka." Kinindatan ko siya.

Umiling siya at pumasok sa villa ko. Nakayapos nanaman siya sa baywang ko habang tinititigan ako. Medyo na conscious nga ako dahil kakagising ko lang, baka mamaya mayroon pa akong mga muta o panis na laway.

"You're beautiful." Aniya sa seryosong tono.

Nalukot ang mukha ko at hindi ko alam kung tatawa ako o iirapan ko siya. Binobola namaman ako! Hindi ko alam na ganito pala siya kalakas magpakilig.

"Ang aga mo naman mambola, mister." Sabi ko habang tinatago ang mga ngisi.

"Go take a shower. I'll get you breakfast, what do you want?" Tanong niya habang iniipit sa tenga ko ang mga takas na hibla ng buhok ko.

"Kahit ano, basta light lang. Thank you." Nagpa-cute pa ako.

"Alright." He said.

He gave me a peck on the lips before going out. I got inside the bathroom to take a shower. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang kiligin! Talagang may pakuha pa siya ng breakfast ngayon? Grabe para akong laging naiihi kapag kasama ko si Scor. Lagi niya kasi akong pinapakilig eh.

Pagkatapos kong maligo ay naabutan ko siyang nag-hihintay na sa kama. Pa breakfast in bed pala ang eksenang gusto niya. I was fully dressed when I cam out of the bathroom and I swear I saw a glimpse of disappointment in his eyes. Natawa tuloy ako. Tiningnan niya naman ako na parang nababaliw with matching pag kunot pa ng noo.

"Eat your breakfast, Tosca. We'll go swimming after." Aniya. Tinapik niya ang pwesto katabi niya at agad naman akong tumabi sa kanya.

I sat on the bed beside him. Nakita ko ang dala niyang breakfast, there's pancakes, eggs and bacon. May orange juice at coffee din doon at prutas. Kumpletos rekados, wow. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko at kinabig ko siya upang halikan ng malalim sa labi.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now