Chapter 30

3.4K 98 11
                                    




TOSCA

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa nangyari. Parang hindi naman nakabawas sa sama ng loob ko na patay na pala 'yung Cheska. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sakit na iyon. Ngunit sa tuwing nakikita ko si Scor ay lumalambot ang puso ko. Parang gusto kong pakinggan nalang siya at kalimutan ang lahat. Pero kapag naaalala ko kung paano kami nag-simula ay unti-unting sumisiklab ang galit sa puso ko.

Naalala ko lahat, kung paano niya ako tinrato. Hindi naging mahalaga sa akin iyon dahil worth it naman ang lahat para sa akin. Siyempre, naging kami din in the end eh. Pero pag naiisip ko na kaya pala siya ganon sakin kasi may kamukha pala akong hindi ko alam, doon na ako nasasaktan. Na kaya pala nag-uumapaw galit niya sakin dahil kamukha ko iyong ex niya. Kapareho ng mukha pero mag-kaiba ng ugali. Siguro ginusto niya na sana ay maging magkaugali na din kami para perfect na ang lahat. Pwede na siyang mag pretend na ako lang ulit si Cheska.

Gusto ko na talagang umalis ngayon at mapag-isa pero hindi ako pinapaalis ni Scor. Ilang oras na akong iyak ng iyak at pati ako ay napapagod na sa sarili ko.

"Just listen to me, Tos. Please."

"I just need time to think. 'Yun lang."

"And I'll give you time to think! Pero pakinggan mo naman muna ako oh." He said, desperation mirrored on his face.

"Totoo ba? Buntis siya 'nung nag hiwalay kayo?"

"Oo." Maiksing sagot niya.

Yung pag-oo niya na 'yon, tumarak talaga sa dibdib ko. Dalawang letra lang 'yon pero ang lakas ng impact sa akin. Tama nga ako. Bakit pa ba ako nandito?

"Why did you break up then?"

Alright, Tosca. This is what we're gonna do. Makikisama ako at makikinig sa sasabihin ni Scor and we're gonna fix this like adults.

"Tosca come on, it was in the past. Kailangan pa ba talaga nating pagusapan ito?"

Nag-buga ako ng malakas na hangin habang hindi makapaniwalang tumitingin sa kisame. Tingnan mo ang gagong 'to. Parang siya pa ang galit na nag-tatanong ako. Bakit? Is it so wrong to know the truth?

"B-bakit parang may tinatago ka?" Humihikbi kong sabi.

"Why don't you calm down first and then I'll explain? Please." Mahinahon niyang sabi.

Hindi ako sumagot. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa pumipintig na ang ulo ko at nananakit na ang mga mata ko. Umiyak ako hanggang sa pakiramdam ko ay tuyong tuyo na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ang itinagal niyon. Basta ang pakiramdam ko lang ay punung puno ng ulap ng mga tanong ang isip ko. Kusa din namang tumigil sa pag-tulo ang mga luha ko. Pero ako naman itong pagod at gusto nang matulog.

"Tosca... Are you okay?" Marahang tanong niya nang mapansin ang pag tahimik ko.

"Mukha ba itong okay sa'yo?" Tinuro ko ang mukha kong sa pakiwari ko ay pulang pula na.

"I'm sorry." Lumapit siya sa akin at tumabi sa couch.

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero hindi ko ata kayang dumikit sa kanya kaya maagap kong inalis iyon. Napatingin siya sa ginawa kong iyon at pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Pakinggan mo naman muna ako. Misunderstanding lang 'to, Tos." Mahinang sabi niya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili kong sumagot ng pabalang. Bakit ba palagi niyang minamaliit ito? Hindi ito misunderstanding lang! Pinagmukha niya akong tanga eh tapos ako naman ito, tuwang tuwa kasi finally pinatos niya ako.

The Things I Hate About YouWhere stories live. Discover now