Chapter 23

3.4K 94 10
                                    

TOSCA

Naantala ang mahimbing kong pag tulog nang may kung anong dunagan sa akin. Sobrang antok na antok pa ako kaya gumalaw ako pero hindi pa din naaalis ang nakadagan sa akin.

"Good morning, beautiful." Bulong ng isang barito at namamaos na boses.

Unti unti akong bumabalik sa ulirat. Naging malinaw sa akin kung ano, I mean sino ang nakadagan sa akin! Si Scor! Bumaha sa alaala ko ang mga pinaggagagawa namin kagabi. Hindi pa man tuloy ako dumidilat ay napapangiti na ako.

"Gumising ka na. Kailangan pa nating mag-empake." Malambing niyang sabi sabay kagat sa exposed kong balikat.

"Wait." Paungol kong sabi bago gumalaw ng kaunti para makahanap ng mas kumportableng posisyon.

Antok na antok pa kasi talaga ako. Parang hindi pa gagana ang mga binti ko kung tatayo ako. Ilang sandali palang akong nakapikit eh nagsisimula nanamang humalik halik si Scor sa balikat ko. Naramdaman ko pang dumapo ang kamay niya sa tiyan ako.

"Tosca, gising na." Paos na sabi niya.

"Five minutes." Antok na antok na sabi ko pa din.

"It's been thirty minutes, Tos." Natatawang sabi niya.

Naiinis na umungol ako at hindi na sumagot. Hindi ko nga maidilat ang mga mata ko dahil sobrang antok ako. Pakiramdam ko pinagdikit na ng muta iyon.

Hindi ko alam kung gaano pa katagal akong nakaidlip. Pag gising ko ay narinig ko ang bukas na t.v. Gumalaw ako at naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Unti unti akong dumilat at tumambad sa akin si Scor ba bagong ligo.

"Anong oras na?" Antok na tanong ko pa din.

"One pm." Aniya nang nakayuko sa akin.

Lumapit ako para humiga sa hita niya. Grabe mas kumportable dito. Ang bango bango niya pa naman.

"Antok pa din?" Sabi niya ng may halakhak.

"I'm so tired." Naghihikab na sinabi ko.

Ngumiti siya at hinimas iyong buhok ko malapit sa tenga ko. Lalo tuloy akong inaantok sa ginagawa niya. Imayos konpa yung pwesto ko para mas maging kumportable pa ako. Lumipat naman sa hubad kong balikat iyong pag haplos niya. Maya-maya ay nagising na din ako at nakikinood na din sa pinapanood niyang noon time show.

"Kanina ka pa gising?" Tiningala ko siya at nag-tanong.

Tumango siya.

"Ang tagal mo nang tulog." Nangingiting sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago bumalik sa pwesto ko. Kasalanan niya naman eh.

"Pinagod mo ako eh." Sabi ko.

"Isa lang 'yon. Napagod ka?"

Tumango ako pero lukot pa din ang mukha ko.

"Sorry." Halakhak niya.

Tumayo na din ako pagkatapos ng ilang sandali. Binalot ko na muna iyong kumot sa katawan ko. Medyo nahihiya ako eh. Nag-taka ako dahil nakita kong nakalabas iyong maleta ko. Nandoon na sa tabi ng pinto, eh sa closet ko iyon nilagay. Napansin niya siguro.

The Things I Hate About Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن