Chapter 1 *break up*

5.7K 99 26
                                    


~Martyra's POV~


[FLASHBACK]



"huwag mo kong iwan..." i cried. I cried a lot like there's no tomorrow. Umaagos ang luha ko sa dalawa kong mata at pumapatak sa puti kong damit na ngayon ay may itim itim na dahil ng mascara kong di waterproof. Habang ang mukha ko ay gusto ng sumabog.



"Huwag mo kong iwaaaan... Pleasseee" itong oras na ito? Nagmamakaawa ako kay Raiji. Oo, si Raiji ang 4 years boyfriend ko. Since 1st year college ako siya na yung lalaking nasatabi ko sa hirap at ginhawa pero lahat ng iyon parang gumuguho ngayon kasi nakikipaghiwalay na siya sa akin.



Alam mo yung nakaluhod kana sa sahig tapos tulala ka nalang na nagdadasal sa panginoon na sana andun ka sa tabi ni Raiji para mayakap at mahalikan mo siya para maalo mo siya an di kana hiwalayan. Ang sikip sikip ng dibdib ko habang sinasabi ko sakaniyang "wag mo kong iwan"..



"Kahit ano pang gawin mong pag mamakaawa... Hindi na magbabago ang isip ko.." That lines... para akong sinaksak ng sampung beses ng paulit ulit sa puso ko. May dumagaan na mabigat na bato sa dibdib ko at nagsasabi sa akin na hindi ako makahinga, ang sikip sikip habang kasabay nito ang masaganang luha sa mata ko at ang malakas na hatungal sa kwarto ko.



"Pleeaassseee.... nooo.... dont leave me..." pagmamakaawa ko na sakaniya, sa totoo lang di ko alam ang gagawin ko kung paano ko siya pipigilan na hiwalayan ako. Naglulupagi na ako sa sahig ko habang umiiyak, iyak na ang sakit sakit sakit, luha na butil dala ng sobrang paghihinagpis. 


PLeeaaaseeee wag mo ko iwan Raiji...




"Ibababa ko na to.. wag ka ng tatawag ha.." 



"No.. no.. no,, pleaasssee dont." pagmamadali ko na wag siyang magbaba ng call pero sa isang iglap na ibaba na niya ang call. At ako? Eto natulala nalang na parang tanga sa harap ng phone ko at nakatingin sa messenger ko na may tanong na "what's the ratings?"



Napapailing ako na di ako naniniwala na wala na. Nanginginig ako na hinawakan ko ang phone ko at sinubukan kong tawagan ang messenger ni Raiji pero ...




You cannot call at this moment, please try again.



Tinignan ko yung chatbox takot na takot ako, nanginginig ako sa sobrang kaba sa sobrang nerbyos sa sobrang pain sa sobrang pagkabaliw na bumalik siya. Tulo lang ng tulo ang mga luha na lumalabas sa mata ko habang nagttype ako ng sasabihin ko sakaniya. Pero ng isesend ko na..




You cannot message this user, please try again later.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now