Chapter 57 *Over all Black*

632 16 1
                                    


~Third Person's POV~

Sa loob ng dalawang buwan nagkaroon ng malaking pader sa pagitan nila Martyra, Raiji at Kris. Pagitan na transparent pero hindi kayang mabasag.

Hindi sila nagkikita sa opisina dahil sinasadya nila pare pareho na maiba ang mga schedule nila. At pare pareho silang nagpaparaya sa mga oras nila ng sa gayon ay hindi sila magtugma.

Nagkakatext sila kung mag tatanong kung anong schedule nila para mainform ang isat isa pero hindi sa tawag ginagamit, sinimulan lang nilang magbigayan ng number after ng pagpapalawan nila Martyra.

Gustong gusto niya na iwasan ang mga ito para hindi na siya nasasaktan pa lalo na ang makita ang dating kasintahan.

Nakaupo si Martyra sa kaniyang swivel chair ng biglang pumasok si France.

"Suicide, magtatapos na po ang buwan. " pinaalala sakaniya nito ang katapusan ng buwan kaya naman gumalaw siya, hinanap ang kaniyang cheque booklet.

"Etong 100, 550.00 pesos doon sa mga bayarin habang itong 289,765.00 pesos naman ay dun sa bibilhing gamit okay?" Nagsusulat siya sa cheque habang pinaliliwanag ang mga pagbibigyan.

"Oh by the way, 112,564.00 pesos para naman dun sa isa pa, nabalitaan kong naospital siya kaya eto pakibigay nalang and how is my plan for the end of the month?" Nag halumbaba siya habang tinitignan niya si France na nakatingin din sakaniya.

"Ok na po lahat Suicide, stable na po ang plan. " ngumiti naman si France at akma na sanang aalis nang harapin siya uli nito.

"Sure na ba kayo Suicide?" Sabi niya kaya nagulat pa si France.

" oo sure na ako. " tapos ngumiti din siya sa lalaki.

"Sige po papahanda ko na po ang chopper kapag ok na po kayo. " sabi nito habang nakangiti ng sobrang saya.





"Woooooww ang ganda naman nito. " sabi ni Hea kay Kris habang nakikipaglaro sa kaniyang pinsan.

"Para sayo yan, tutal namiss kita kaya tayo ang magkasama" niyakap niya ang bata at nakipag laro na.

Pero sa twing makikita niya si Hea ay naaalala niya si Martyra, lalo pat ang batang ito ang madalas katuwaan niya kapag dadalaw sa bahay niya.

Namimiss na niya ang kaibigan.

"Krrrissss! " nawala siya sa pag d-day dream ng tawagin siya ng mama niya. Yung tawag pa na nakakataranta.


Bumaba agad siya sa may sala para tignan kung ano ang isinisigaw ng mama niya ng...


"May invitation oh." Tapos kinuha agad niya ito ng makahupa sa pagtakbo at makitang di naman pala napano ang mama niya.

Palinga linga naman si Hea sakaniya at sa mama.niya dahil buhat buhat niya pa ito.











5pm na at nasa venue na sila ng nasabing lugar sa invitation. Bukod sa namamangha siya, masaya pa sya dahil may i-memeet silang mahalagang tao.

Madaming tao sa nasabing lugar pero ang ikinagulat niya ay nandun ang tropang adel.

"Andito din kayo?" Sabi niya ng makitang pareho pareho silang nandun at nakatambay.


Tapos nag asaran pa sila at naglokohan parang gaya ng dati, at ang mas nakakagulat ang makitang maayos na sila ni Raiji. Bumalik sa dati na magkaibigang buo na uli.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now