Chapter 26 *Dream about you*

1K 20 3
                                    


~Kris's POV~

Asan kami? Bakit parang liblib na?

Kanina pa kami sumusunod sa escort ng mga lalaking nag assist sa amin kanina. Pumasok kami sa isang gubatan na malayo na sa kabihasnan, napansin ko pa na concrete ang dinadaanan namin kahit malayo na kami sa bayan.

Iba ang aura dito. Aurang pang kastilyo.

"Tol, baka naman kidnapin nila tayo?" natatarantang sabi naman ni Jie sa amin at kinukulbit si AG sa gilid.

Kung minsan napapaisip ako kung mas weirdo pa ata ito sa akin kesa sa akin e. May sa gago haha.

"Ano to, magaya lang kay Kris sa parking lot?" yun!

Biglang nag pop up sa akin ang eksenang yun. Sa parking lot kung saan nakita ako ng tropa kong nakaluhod at nakapiring habang nakatali ang mga braso ko.

"Kupal kasi nito e. Lalapit pa sa magandang babae, ayan ka ngayon nakidnap ka" asar na sabi ni Jino sa akin at binatukan pa ako gamit yung sandugo na tsinelas.

Tang ina, san nanggaling yung sandugo?

"Tol, ok ka na ba?" kinamusta naman ni AG si Raiji sa gilid niya dahil hinihika nga. Pinalipat muna namin siya sa likod at pinagdrive namin si JP.

"Medyo" pero dama namin na hindi kasi garalgal pa din yung paghinga niya. May pumipito pa kapag humihinga siya, aakalain mong may ibon sa loob ng MU-X.

"Magrelax ka lang muna tol. Huwag mong i-sstress sarili mo" payo ni Jino sakaniya na sinunod naman niya tapos tahimik na uli kami sa loob ng sasakyan habang ako..

Sino kaya yung taong nagligtas sa akin sa Pangingidnap?

At sino ang mga taong kikidnap sakin?

Tumigil ang sasakyan namin sa isang gate na mataas. Ginto ang kulay ng gate kaya nanlaki ang mata namin. Inisip ko kung tunay na ginto yun.

Ang elegante ng gate fuck! Gate palang yun pero pota nakakawow.

Yung nangunguna sa aming escort pumasok na sa gate at may mga puno pa din na nakahambala doon pero di naman kalayuan ay may naaaninag akong isang tore.

TORE?

Parang sa movies mo lang makikita to na pagkalabas mo sa mapunong lugar may makikita kang malawak na lupain o masasabi kong garden na may fountain sa magkabilang gilid at sa gitnang bahagi ay isang malaking mansion na may malaking tore sa taas.

Mansion? Nasan na ba kami?

~Martyra' POV~

"Welcome back!!" may mga nagpapaulan ng champagne, nagsabog ng confetti at bumati sa akin ng makarating ako sa party hall ng Bahay ko.

Oo, may bahay ako sa liblib na lugar dito sa batangas. Exclusive para sakin dahil binili ko pa ito nung nakaipon ako para sa sarili ko. Dito ko din pinatitira ang lahat ng kaibigan ko kapag nagbabakasyon sila.

"Thank you guys" nakangiti naman ako habang sinasalubong sila at kinakawayan sila isa isa tas may kinakamayan pa ako. Hindi ko alam na magiging ganito kainit ang pagbabalik ko dito sa pilipinas, akala ko kasi simple lang na ~ohhh nakabalik kanapala~ yun pala haha may mga ka-ek ekan pa.

"Magkwento ka naman tungkol sa englatera?" dumiretso kami sa hapag kainan kung saan maraming tao ang nakaupo at meron pa sa ibang table.

Actually eto yung binilin ko kay France na ayusin bago ako lumaban kanina pero di ko expect na may sadyang victory party at welcome back ako haha.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now