Chapter 49 *Angel disguise*

624 13 1
                                    

~Third Person's POV~

"sa..... Ka-NAN!" umagang umaga palang ay busyng busy na ang mga tauhan ni Martyra sa pag momorning exercise nila at sa mga susunod pang activity.

At ang di niya inaasahan na may bisita siya.

"Akalain mo yun talagang pumunta ka." Naglalagay siya ng kape sa tasa at cream.

"Dahil sa kapatid ko. " imik ng seryosong si Kris sa kaharap na si Martyra.

"Alam ko. " tapos saka ininom ang sariling kape. Di niya pinag gawa ang kaharap.

"Bakit di mo ko pinag gawa?" Nairitang itsura niya tapos parang nagtataka siya na ganun ba tumanggap ng bisita ang mga tauhan niya dito sa kampo niya, este sa HQ niya.

"Di mo ba nabasa ung nakapaskil?" Sabi niya at tuloy lang sa pag higop ng kape habang basa pa ang buhok niya.

Nilibot ni Kris ang paningin at nakita niya ang nakapaskil na.

"Self-serve" tapos doon lang niya narealize ang ibig sabihin ng kaharap.

"Maayos ang kapatid mo dito, di ko siya pinahihirapan gaya ng iniisip mo " tapos ibinaba ni Martyra ang kape at tinignan ng blangko ang kausap.

"Buti naman." Un nalang ang kaya niyang sabihin dahil di rin naman niya alam kung papano sisimulan ang usapan.

"Iyo pala to?" Tingin niya sa kawalan.

"Oo." Yun lang at seryoso na uli ang mukha niya

"Yung totoo? Nakakaya mong pag sabay sabayin ang lahat ng trabaho mo?" Kahit siya nagulat na malamang ang daming kayang gawin ni Martyra.

Bukod kasi sa businesswoman na siya at investor, marunong din siya sa Engineering at Medicine. Nagtataka nga siya kung papaano nalaman ni Martyra ang mga bagay na un sa loob lang ng tatlong taon. Tapos ngayon malalaman niya pa na founder ito ng isang school para sa mga army, detective.

"Time management lang yan, Kris." Tapos tumingin siya ng matalim sa lalaking kaharap na parang inaakit na inaasar niya ito.

"Kahit anong pagtitime management mo, di kaya ng isang normal na tao ang pag mamanagement ng halos lahat ng ginagawa mo." Napataas siya ng boses dahil unbelievable nga naman talaga yung statement niya

"Oo naman, eh kaso di ako normal e. " pagyayabang pa nito at nagsmirk pa.

"Lul." Nagulat din siya sa inusal niya. Bigla nalang siyang napaayos ng upo.

"Wala tayo sa labas Kris para maging unresponsible sa mga salitang lalabas sa bibig natin. Kaya watch your words." Sarcastic na sabi niya at nagsmirk na naman para asarin ang kaharap.

"Hindi ka ba makapaniwalang madami na akong kayang gawin?" Sabi niya tapos may kinuha sa gilid ng upuan.

"Oy! " napatayo siya ng makita niyang kutsilyo ang kinuha ni Martyra sa gilid ng upuan.

"Chillax, pinakikitaan lang kita." Tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

"Wag kang maggagalaw dyan dahil baka mamamatay ka ng di oras." Tapos binalik na niya sa gilid ng upuan ung kutsilyo.

"Ang opisina ko ay pure weapon ibig sabihin lahat ng nakikita mo weapon yan. " turo niya sa buong kwarto.

"May maapakan kang mali o mahawakan, masanggi o matabig. Tyak patay ka." Tas humalakhak siya ng mahina.

"Eh paano sila nakakapasok dito?!" Nagagalit na naprapraning siya at patingin tingin sa paligid.

"Unang unang nagiging lesson ng mga tauhan ko ang buong HQ." Bumalik siya sa pagkakaseryoso at kinuha uli ang kape.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now