Chapter 51*Flower*

564 16 1
                                    




~Third Person's POV~

Kasabay na ni Kris lumabas ng HQ si Martyra at papunta sila sa site para i-check ang nangyayari doon. Habang naglalakad sila papunta sa parking lot biglang naalala ni Kris ang sinabi sakaniya ni France na..

"Suicide, pwede magtanong?" nag aalangan man niya na itanong pero di niya din matake na hindi itanong yung bumabagabag sakaniya.

"Nagtatanong kana na." Matamlay naman na sagot ni Martyra kung kaya napakunot noo naman si Kris.

Binuksan ni Martyra ang pinto ni Zeus at inilagay doon ang gamit niya habang si Kris ay nakasunod lang sakaniya. Dahil wala pa siyang sasakyan at nag iipon pa siya kaya mukhang makikisakay siya dito.

"Sa kotse mo nalang itanong, im in a hurry. I know you dont have car so get in." Pagkasabi noon ni Martyra ay sumakay na din siya sa loob ni Zeus kaya naman wala na din siyang nagawa dahil di naman na siya makakaangal.

Palabas na sila ng HQ at sa paglabas nila palaging namamangha si Kris sa mga ginagawa ng mga tauhan niya, kung di sasaludo, mag b-bow. Minsan pa para talagang army sila na bigla bigla nalang maninigas dyan.

"Masanay kanang makakita ng ganyan kung dadalawin mo lagi ang kapatid mo." Sabi ni Martyra ng makaalis na sila sa HQ tapos nasa highway na sila papunta sa site.

"Ano yung tatanungin mo, bilis. Magpapatugtog ako." Bossy na sabi niya na parang tauhan lang niya si Kris.

"Tss.." napakunot na naman ng noo ang lalaki kaya naman parang namoody siya.

"Kung wala kang balak magsalita, ok." Tapos inilabas niya ang phone niya but bigla siyang napanganga ng makita niya yung phone ni Martyra.

"SAMSUNG S7!" parang christmas lights yung mata niya habang tinitignan nang mabuti ung phone ni Martyra, grabe di siya makapaniwala na ang phone nito ay ang latest at pinag lalawayang S7.

"Ngayon ka lang ba nakakita niyan? " bagot na bagot naman siya na nag hahanap ng kanta habang nagddrive.

Hindi naman umimik si Kris dahil sa ka-manghaan kaya pinindot na lang niya sa playlist ang INFECTED na kanta ng Eyes Set to kill tapos inilapag niya sa phone holder sa harap ng mga buttons at isinet ang volume to half.

"Arrgghhh!" napatakip si Kris sa teinga niya ng biglang tumunog ang infected. Para siyang kinulong sa loob ng drum na may malaking speaker kaya kulob na kulob ang sounds at nakakabingi.

"Watch your lane!" sigaw niya dahil nakita niya na nag-overtake si Martyra kahit sikip na ang daan at napapakapit siya sa upuan niya dahil napakabilis nitong magpaandar, nakalimutan nga pala niyang racer ang kaibigan niya.

Hindi naman narinig ni Martyra yung sinabi niya dahil sa lakas ng volume sa loob. Napakamot nalang siya sa ulo at tinitignan ang daan, ang lakas ng kabog ng dibdib niya na para bang hindi siya sanay sa mga mabibilis pero ang totoo naman noon sanay siya pero di sa ganyang klase ng bilis na ginagawa ni Martyra.

Nakita niya na hininaan ni Martyra ang sounds kaya nagsalita na siya.

"Bakit sinabi ni France na sayang daw ang effort mo sa akin?" tapos napapreno bigla si Martyra sa narinig niya kaya muntik na tuloy tumilapon si Kris sa harap kahit na ba nakaseatbelt ito, dahil kasi sa malakas na impact ng pagkakapreno ay napaubo sa sakit ng tyan si Kris.

"Kelan niya sinabi yan?" tapos nagmaneho na uli siya pero hininaan na lang niya ang pagpapaandar.

"Kanina nung nagtuturo ka." Tapos bumalik na din siya sa huwisyo dahil ok na uli ang flow nila sa loob ng sasakyan, akala kasi ni Martyra na siya lang ang nasa loob ng sasakyan.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now