Chapter 20 *Accidentally*

1.4K 23 0
                                    



~Kris's POV~

Kinakabahan ako pero alam ko na dapat lapitan ko sila.

Malapit na ako.. Sobrang lapit na.

Dalawang hakbang nalang.

Napaluhod ako ng makarinig ako ng putok ng baril at napakatakip ako sa ulo ko.

Fuck! Ano yun? Bakit may nagbabarilan dito!

May naririnig akong nagsisigawan at nag tatakbuhang mga tao mula sa sulok ng Starbucks.

"May patay! May patay!" sigaw pa nung isang babae na may dugo sa damit.

Napatanga ako.. Nanginig ako bigla at di ako makagalaw.

"You asshole!" biglang may humila sa akin at tinakpan ang mata ko.

Kinaladkad ako kung saan at di ko na alam kung anong ginagawa nila, nagpupumiglas ako at tinatawag ko sila Jino pero di ko na sila marinig pa.

Nasaan ba ako?

Saan ba nila ako dadalhin?

"Tol!!! Tulunga niyo ko!" nagsisigaw na ako sa sobrang kaba, pota!

Natatakot na ako sa buhay ko kung saan ba hahantog.

Ang lakas ng tibok ng puso ko na nagsasabi sa aking puta bibigay na ako!

"Matagal na kitang binabantayan,tang ina mo gago! ngayon lang kita nadali!" pag higpit ng hawak sa akin ng may hawak sa akin sa balikat habang ang mga kamay ko naman ay may nakatali na di ko alam.

Natataranta na ako dahil nakakatakot ang boses nang may hawak sa akin at sa hula ko lalaki to.

Naglalakad kami sa di ko malaman na paroroonan namin dahil nakapiring ako, tahimik ang lugar at tingin ko nasa parking lot kami.

Talagang nawawala na ako sa huwisyo at nagsisigaw nalang ako nagbabakasakali na may makarinig sa akin doon.

"Pakawalan niyo ko!" hanggang ngayon wala pa din tumutulong sa akin

Nasan ba ang mga guard dito!?

Tang ina natatakot na ako...

Nauubusan na ako ng lakas. Langya naiiyak na ako sa takot, wala na bang tutulong sa akin dito?

Pero sa huli kong sigaw bigla akong nakarinig ng igik.

Igik na parang tinamaan. Nasaktan.

Tapos nawala yung mga humahawak sa akin at bigla nalang akong nanghina at napaluhod sa sahig.

Halo halo na ang tumatakbo sa sistema ko, takot, kaba, kaduwagan.

Natatakot pa akong mamatay!

Wala pa akong girlfriend!

"Hanggang ngayon, matatakutin ka pa din" may narinig akong nagsabi noon pero di ko alam kung saan banda. Sa kanan ba o kaliwa.

Teka...

Sino naman to?

Isa ka ba sa mga kasama nung mga lalaki?

Kasabwat ka ba?

Bakit iba ang boses niya?

Nakarinig pa ako ng ilang hakbang mula sa nag salita.

...palapit sa akin.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko at tinungkuran yun.

"Mag iingat ka kasi." Naramdaman ko ang hininga niya sa teinga ko. Mainit at nakakapagpataas ng balahibo.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now