Chapter 48 *Army*

570 18 1
                                    



A/N: Para sa mga nagbabasa, hindi muna ako mag gagawa ng POV ng kahit sinong character. Mas magfofocus muna ako sa third person's POV siguro sisingitan ko nalang ng kaunting POV nila kapag dapat nang singitan. Happy 400 reads din guys. ARIGATOU GOZAIMASU. Keep reading!



~Third Person's POV~

"Hi kuya.." magulat gulat naman si Raiji ng dalawin siya ng mga kapatid niya sa trabaho nito. Hindi nga niya aakalain na mapapadaan ang dalawa ito samantalang may flight ang mga ito.

Stewardes ang isa niyang kapatid ang at isa naman niyang kapatid ay Chef sa isang prestigious hotel.

"OH, ano ginagawa niyo dito?" namulsa siya habang tinitignan ang dalawa niyang kapatid na para pa ding bata kung umasta kahit napakamatured na nilang tignan.

"Aayain ka sana namin kumain sa labas kasama nila kuya Kris?" napataas naman ang kilay niya at nagtaka na biglang nag aya ang dalawa.

"At bakit?" lumapit siya ng kaunti sa mga ito at tumingin tingin sa paligid.

"Eh, wala naisip lang namin ni ate." Tapos ngumiti ngiti ang bunso niyang kapatid at biglang nag lambing. Like the old days.

"Pag iisipan ko muna." Tapos biglang sumeryoso ang mukha niya at nag make face naman ang dalawa niyang kapatid kung kaya para silang mga batang inagawan ng laruan.

"Kuyaaa... dali na.." napapailing iling nalang siya dahil wala pa din pinagbago ang dalawang ito kahit napaka tanda na sa edad nila, hindi pa din magmamatured ang isip.

"ok.Pero itatanong ko muna sa kanila kung magkakasabay sabay kami na mag lunch. " tapos kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nagsimula nang magtipa. Sumisilip silip pa ang kapatid niya habang nag ttype siya at sinisigurado na magtetext ito para sumama sakanila.

Tinaas niya ang screen ng phone niya at pinakita sakanila ang laman ng message. Napa-grin naman ang dalawa niyang kapatid dahil nabasa na nila ang text.

Maya maya pa'y nagsireply na ang mga kaibigan niya kung kaya kinuyug siya ng dalawa niyang kapatid at inunahan na basahin ang text.

"yaaaaaah!" tapos nag sisigaw na yung dalawa dahil pumayag na ang mga ito na sumabay sakanila sa lunch.

"Rachel tara nalang daw mag mcdo." Bulong ni Raiji sa bunsong kapatid. Napa*what the hell kiddos loves only mcdo look* nalang si Rachel kaya natawa si Raiji.

"May kiddie meal daw na bibilhin si AG e." Sabi pa ni Raiji kung kaya pumayag din silang dalawa kahit ang totoo gusto nila na sa Japanese Restaurant kumain.

Lumakad lang sila ng lumakad hanggang sa makita na nila ang Mcdonalds. Pagpasok nila super crowded ng buong store hindi mahulugang karayom pero dahil sa kagustuhan ni AG na makabili ng kiddie meal at dito kumain kaya naghanap siya ng upuan.

"Hi miss..." nginitian ni AG ang babaeng nakaBDO uniform tapos kinindatan pa.

Napa-wooooooaaaaah-nalang ang mga barkada niya ng ginamitan niya ng charm niya ang mga babae doon sa mahabang table sa dulo. Patapos na kasi sila kaya naman nakahanap ng chempo si AG para paalisin ang mga ito in a nice way.

"Pasalamat ka, pogi ka. Sige na nga tapos na naman kami.." tapos tumayo yung babae at nagpunas ng tissue bago umalis sa kinauupuan niya, kasama ng mga kasama nito ay kumindat din kay AG isa isa ang mga ito.

"Tang ina! Para sa Kiddie Meal ginawa mo yun?" pang aasar na bwelo naman ni JP sakaniya at umupo na sa upuan kung saan inalisan nung kausap na babae ni AG.

"Ganun talaga." Tas paangas angas na tumayo na poging pogi sa sarili.

"Lagot ka kay Yvannah kapag nalaman yan haha" tapos nagtinginan naman sakaniya ang mga kaibigan niya at siya naman ay napa *whats wrong look*.

The Life of Martyra (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora