Chapter 28 *Alcohol*

963 19 0
                                    

A/N: thank you sa mga nagbabasa po. Hopefully dumami kayo :*

~Howardy's POV~

"Indenial ka pa sakin, kilalang kilala naman kita." Nilaklak ko ang natitirang alak sa loob ng vodka na iniinom ko, take note sa bote pa ako lumalaklak.

After party to kanina. Oo, nasa party hall kami at napanood namin lahat lahat lahat ng nangyari.

At ang gaga kong kaibigan na sinabi ko na sakaniyang di maganda ang pag uwi niya sa pilipinas ay ngayon at tahimik lang na lumalaklak pa din ng alak.

Kakaiba ka din Martyra, hindi ka nalalasing. Saan napupunta ang alak sa katawan mo at di ka tinatalaban?

"Lol. Wala lang talaga ako maramdaman" sabi niya sa amin tapos nilaklak uli yung bote ng tequila. Tig iisa kami ng bote eh, ako vodka, si Martyra tequila. Tapos si L at Beena whiskey naman tas si Shigi, Gin. Yung kwatro pa talaga hahaha. Bote at bote lang din, nguso sa nguso.

"Paano ka magkakaroon ng nararamdaman eh umiinom ka" sarcastic na sabi naman ng asawa ko tapos sabay laklak ng iniinom niya. Tsk, kung di niyo naitatanong mas malakas nang tumador ng alak ngayon ang dating walang kapines pines sa alak, si Martyra.

Mas matibay na siya sa amin ngayon pagdating sa inuman, matinde ang isang to! Hindi basta basta nalalasing. Nakakauwi pa ng maayos kamo.

"Malay niyo naman wala talaga siya maramdaman" depensahan mo pa Shigi. Kitang kita na ngang indenial eh di ka makasagot ng maayos.

Sa bawat lagok niya ng alak kitang kita ko na mabigat ang bawat pag lagok niya, tendency mabigat ang dinadala. Hindi niya maiwan ang bote dahil alam niyang kukunin namin, ibig sabihin noon gusto talaga niya magpakalasing para tulog siya buong araw.

Mas lalo siyang nakikipag eye to eye contact sa tao para mapakita niyang hindi siya nasasaktan, gagawin niyang blangko ang itsura niya, inosente kung baga at palalabasin niyang wala siyang pakialam pero ang totoo mamamatay na siya.

Madami pa akong bagay na maaring masabi tungkol sa bagong Martyra, dahil kitang kita namin kung paano siya nagbago dahil sa dalawang lalaking yun.

"Pero nakakagulat na sa istilo ni Raiji, magsosorry siya?" napasmirk si Shigi at tinaas ang paa para maipatong sa hita ni Beena.

"Kaya nga e sa pagkakakilala ko sa ex niya. Manhid yun at hindi marunong makaramdam." Isinayaw sayaw ko ang bote para mahalo sa loob ng bagong bukas kong vodka.

"Siya ang tipong hindi bokal magsalita sa ibang tao ng nararamdaman, makasarili at walang pakialam." Napatingin kaming lahat kay Martyra ng bigla biglang nagsalita siya ng ganun.

See? Indenial.

"Edi sa bibig mo din lumabas." Napatayo ako bigla at lumaklak uli ng alcohol tapos tumungtong sa bar counter ng malaking squad room.

Squad room it means kwarto naming anim. May kaniya kaniya kaming kama pero walang division.

"Tss.." ngumisi nalang siya at lumaklak na ng iniinom niya at tinungga iyon, ubos kung ubos. Napailing nalang kami pare pareho dahil lunod na naman siya sa alak. Pustahan di yan babangon ng kama bukas sa antok.

"tulog na ako, bahala na kayo dyan" kumawaykaway pa siya at tumalikod na habang naglalakad na papalapit sa itim niyang kama.

Oo, itim talaga bedsheet niya, gothic style.

Ibat iba ang wallpaper namin sa kada parte ng squad room yung kaniya itim lahat ng kagamitan. Yung sa akin naman pinagsamang light blue at light pink dahil magkasama kami ni Reinassance habang sa isa pang mag asawa, silver at red at kay L, gold.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now