Chapter 34 *Elevator*

823 17 0
                                    


~Raiji's POV~

"HOYYYYY! Gumising na kayo!" tsk, nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jie. San galing yun? Harok ka pa sa pagkakatulog ng marinig mo yung ganung boses sa umaga..

"Jie!" napabangon ako sa kama ng dahil sa maingay na pag sigaw niya. Tss.. nasan yung gagong yun?

"Hoy! Gumising na kayo!" hinahanap ko si Jie kung nasa sala ba ng condo ko, kaya tumayo ako at binuksan ang pinto.

"PUTANG IIIINNNNA! Magsigising na kayo!" lalong napakunot ang noo ko ng hindi ko talaga makita si Jie pero talagang naririnig ko ang boses niya. Lintik! Ang ingay ni Jie!

"Hoy Jie pag nakita kita babatukan kita!" sigaw ko sa kawalan tsk, panira ng tulog.

Pero di kalaunan nawala na yung nakakabulahaw na boses ni Jie na kala mo bumberong nanggigising at may sunog. Tsk, day off ko ngayon tol e pasaway.

Pumunta akong kusina para kumuha ng tubig dahil ang init na kahit ala siete palang ng umaga. Habang kumukuha ako ng tubig napapailing ako sa kaingayan ni Jie, tsk. Matinde.

"HOYYYYY! Gumising na kayo!" nabitawan ko yung baso na iniinuman ko ng sumigaw na naman si Jie. Pota, ginagago ba ako nito ? Nasan ba kasi to.

Lumabas ako at pumunta uli sa sala, dun malakas yung boses niya e.

"HOYYYYY! Gumising na kayo!" aba! Nakakairita na.

Nilibot ko ng tingin kung may nagtatago na nantrtrip sa akin dis oras ng umaga. Bwisit e!

"PUTANG IIIINNNNA! Magsigising na kayo!" arrrgghhh! Tatawagan ko na yung gung gong na yun lakas ng tama e, para malaman ko na di kung nasan yun sa loob ng bahay ko. Imposible naman na di tutunog ang cellphone nun.

Pumunta ako sa kwarto para kunin ang phone ko pero ng maalala kong naiwan ko yun sa sala kaya binalikan ko dun ..

"nasan na ba yun?" hinahanap ko sa sofa baka natabunan ko lang ng unan. Pagod kasi ako kahapon dahil madaming plates at projects na ginawa sa office.

Pag tanggal ng pinaka huling unan sa ilalim ng madaming unan, napafacepalm ako sa sobrang katangahan.

~ALARM 7:30am~

Tang ina! Kaya pala paulit ulit na sirang plaka ang boses ni Jie, nakaset pala na alarm clock tone ko potang ina.

Paano nangyari na napalitan nun yung alarm tone ko?

"Tsk, sunod sunod pala to e. " Natawa ako ng makita kong sunod sunod yung alarm na ginawa ni Jie. May pang 7:00, may 7:30 may pang 8 at 9.

Gago talaga haha.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ang tropa. Group call sa messenger.

Aba himala online lahat haha. Aba himala hindi yata naglaro kagabi kaya mga buhay ang mga to haha.

Unang sumagot si Kris, umagang umaga bungad agad sa tawag ay isang malutong na PUTANG INA.

"Hoy! Watch your words" saway ko sa kakagising lang ata na si Kris tapos murmur ng murmur dun sa kabilang linya habang sumagot na din si AG at JP. Parehas din ng sinabi pero ibang linya naman..

GAGO AMPOTA.

Natatawa ako sa mga pang bungad nila sa tawag, kadalasan kasi ang bungad ng mga yan.. May chix kana? Hahahaha

Ngayon kakaiba puro mura.

Nakumpleto na kami pwera kay Jie na panira ng tulog ko, teka nasan yun?

Himala absent.

"Bakit ba kayo galit na galit umagang umaga?" tanong ko sakanilang lahat dahil puro mura sinasabi haha.

"Paanong di ka mapapamura" sigaw ni Kris sa kabilang linya kaya napalayo ako ng phone.

"Sarap sarap ng tulog mo may sisigaw ng HOY! MAGSIGING NA KAYO!" puta! Full force naman AG haha mukhang naudlot ata ang kissing scene niyo ni Yvannah kaya badtrip na badtrip ka haha

"Tang ina! Kayo din?" sabay sabay naming sagot. Alam mo yung kaya ka tumawag para ibalita ginawa ni JIE pero pare parehas pala kaming magugulat na kami ang sinurprise ng gago.

"Tang ina wag makakadayo yung matabang yun sa Condo, gigilitan ko yun." Bumanat naman habang garalgal pa ang boses ni Jino. HAHAHAHA

Patay ka Jie, lakas mo mang trip.

Nauna akong pumasok sa office kaya di na kami nakapag kita kita ng tropa. Isa pa nag maaga ako dahil ang dami kong di natapos na gawain tapos ngayon ko pa sisimulan yung project na binigay sa akin last week.

Nakakapressure oo pero masaya naman ako sa ginagawa ko dahil ito ang passion ko. Kumbaga masaya na akong ito na lang muna ang focus ko kesa sa ibang bagay pwera pa sa tropa at pamilya ko.

...Paano si Martyra?

Tsk, bakit ba bigla bigla nalang pumapasok sa isip ko yang babaeng yan. Tss..

"Hoy! Ok ka lang?" kinalabit ako ni Darls kararating lang din ata niya kasabay ko na naman sa elevator.

Sa elevator lang naman kami nagkikita kasi busy din siya sa work.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya napahawi kami ni Darls dahil may papasok. Give space ika nga.

"Uy Darls!" salubong ni JP at nakipag apir din sa akin pagkapasok.

"Oy oy teka!" may nagtatakbong tao sa labas na naghihikahos na makasabay sa elevator.

"HAHAHAHA Laughtrip ka talaga AG" sabi ni JP nang makita naming si AG yung nagmamadali. Late na siguro to hahaha.

"Wag ka nga bro, late na ako" nagtawanan kami dahil tama hula namin. Madalas kasi swabe at papogi mag lakad yan e kaso hahaha wa-poise ampota.

Tapos nagtawanan kaming apat doon sa loob ng bumukas ang pinto ng elevator sa 5th floor kung saan...

Pag open ng pinto agad kaming napausod lahat ng pare pareho naming nakita ang mukha ng babaeng...

"Ma-martyra?" sabi ni AG. Kahit siya nagulat e, ano ginagawa niya dito?

"Oh, kayo pala." Walang gana niyang sabi saka pumasok at tumalikod din sa amin.

"H-hi, A-ate!" napalingon ako ng banggitin ni Darls ang ate. Naaaalala mo pa papala siya best.

Isang ngiti lang ang pinakita ni Martyra kay Darls ng lingunin niya ito. Tapos wala na uli.

"Ahm... Martyra." Paninimula ni Jp, tss.. anong balak mo tol?

"yes." Hindi lumingon si Martyra. Tss, suplada pa din kahit kailan.

"Anong ginagawa mo dito?" Curious na curious si JP kaya tumabi siya sa tabi ni Marytra at iniwan si AG doon.

"Papasok" sabi niya habang straight lang na nakatingin sa pinto ng elevator. Kahit na katalikod siya sakin alam kong di siya gumagalaw.

"Ahh... Employee ka dito?" pakikiepal na din ni AG sa dalawa at tumabi na din kay Martyra. Tss.. ano bang trip ng mga to.

"Nope." Tss.. matipid. Pakipot kapa, if i know sinusundan mo lang ako.

"Eh.. saan ka papasok?" nagulat yung dalawa kaya napatingin sila kay Marytra.

"Sa office." Tapos bumukas na ang pinto ng elevator at bumulaga sa amin ang madaming lalaki na nakaabang sa pinto tapos sa direksyon ng pinto katapat noon ang President's Office.

Habang sumasara ang pinto nakanganga kaming lahat sa loob ng elevator, di kami makapaniwala na dun siya bumaba?

Ano gagawin niya dun?

Baka aawayin yung boss namin..

Di ba ganun naman siya mahilig mang away..

Pero hindi e, stiff na siya ngayon e. Hindi na siya gaya ng dati na napaparanoid. Nakakapag isip na nga siya ngayon e, at ginagawa muna niya bago sabihin.

Bakit ka concern? Mahal mo pa?

Tss.. ayan na naman ang utak ko, nakikipag talo na naman.

reR=

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now