Chapter 32 *Bata ka ba talaga?*

818 20 0
                                    


~Martyra's POV~

Hindi ko alam kung anong lumukob na masamang espirito sa akin at niyakap ko ang lalaking nasa harap ko.

Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Ganoon ka pa din ba kahina Martyra?

"Tumigil ka. Nakakairita." Monotone and very cold voice he heard kung kaya napatingin siya sa akin. Luhaan pa din ang mukha niya na nagsasabing patawarin ko na siya.

"Pe-pero niya-k-"

Malutong na tumunog sa apat na corner ng kwarto ang sampal na ginawad ko sa mukha ng kaharap ko. Oo, sinampal ko siya sa kadahilanang...

"Hindi porke niyakap kita ibig sabihin ok na tayo." Tapos tumayo ako sa kinaluluhudan ko at bumalik sa kama.

"Niyakap kita dahil ayokong may umiiyak sa harap ko, di ako para santo na luhudan mo kundi tao ako. Ayoko ng mga weak na gaya mo. "

Pero imbis na sumagot siya bigla nalang naramdaman ko ang palad niya sa kamay ko.

"Hanggang ngayon stubborn at wala kang sinusunod na kahit sino." Sabay lagay niya ng malaking panyo sa kamay ko. Ngayon ko lang napansin na natanggal na naman pala ang dextrose sa magkabila kong kamay.

Dumudugo siya at pumapatak sa bed sheet.

"Sapat na sa aking niyakap mo ko alam kong di mo pa ako mapapatawad pero pleasee..." binabalot niya ng panyo ang kamay ko habang nagsasalita siya at may tumutulo pa ding luha mula sa mata niya.

"Huwag mong saktan ang sarili mo ng paulit-ulit." May nakita akong pumatak na luha sa magkabila kong kamay na nilalagyan niya ng panyo. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko. Gustohin ko mang maawa sakaniya pero nananaig pa din sa akin ang mga nakaraan nang di na kayang balikan pa ng mahina kong puso.

"Sino ka para mandohan ako at utus-utusan?" hinila ko ang kamay ko sakaniya kahit di pa tapos ang pag bebenda. Nagtaka siya pero agad din siyang nakahuma at tumungo.

Pero wala ng bakas ng luha ang mata niya. Natuyo na.

"Makakaalis kana." Pagtataboy ko sakaniya at umayos na sa ibabaw ng kama.

Pero ang kinagulat ko ng mas sobra sobra ang pag talon niya sa kama at basta na lang akong niyakap na parang isang bata.

"ano bang problema mo? Alis sinabi!" pagpupumiglas ko. Kaya kong patalsikin sa katawan ko ang lalaking ito pero di ko magawang gawin dahil natatakot ako na baka makasama sakaniya yun.

....Bakit ba ako natatakot saktan siya!?

"Last na to. Di na kita guguluhin." Huling salita niya bago humiwalay sa akin at umalis na ng kama. Naglakad na siya patalikod sa akin at damang dama ko ang pighati na dulot ko sa buong sistema niya.

Nagbalik na ba ang dating Kris?

~Raiji's POV~

Nag aayos na kami ng gamit nila AG dahil may pasok pa kami kinabukasan. Absent na nga kaming lahat ngayon dahil di kami makakapasok agad dahil nandito kami sa mansion ni Martyra.

Isa pa nawawala din si Kris kaya inaantay pa namin ang kumag na bumalik para makaalis na dito. Pero may nagsasabi sa aking puntahan ko si Martyra at alamin ang kalagayan niya.

Bakit gusto mo pang alamin, diba gusto mo mapag isa Raiji?

Diba ikaw nakipag hiwalay kasi ayaw mo na sakaniya?

Diba kaya ka nakipagbreak kasi gusto mong masolo mo ang buhay mo at mawalan ng problema?

Napatutop ako sa labi ko ng maisip ko ang mga bagay na yun. Naiinis ako sa konsensiya ko na binabagabag ako simula ng makita ko uli siya.

Lumabas muna ako saglit sa kwarto at iniwan sila dahil gusto kong makalanghap ng sariwang hangin dahil naninikip na naman ang paghinga ko.

Nasa hallway na ako ng makasalubong ko ang isang batang babae na blonde ang buhok at tumatakbo mula sa hagdan.

Para siyang bata na nakita ko na noon pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita.

Ang kinagulat ko ay ang biglang may dagger na lumabas mula sa isang picture frame sa pader na papunta sakaniya kaya agad akong rumisponde at pupuntahan ang bata.

"Gotcha!" napatameme ako sa pagtakbo ng makita ko ang ginawa niya.

Bata ka ba talaga?

Nahawakan niya yung dagger ng di siya natamaan. Nakaiwas pa siya.

Bata ka ba talaga? Kahit ako di ko magagawa yun e, iniwasan mo yung mabilis na pag atake ng dagger?

At bakit may dagger sa picture frame?

"sorry" mas lalong nakakamangha dahil nagsasalita pala ang batang ito. Hindi kasi halata sa itsura niya na nagsasalita siya.

Familiar talaga siya sa akin. Blonde hair na curly yung dulo, blue eyes, sobrang puti at chubby na bumagay sa malaki niyang pisngi.

"Sorry for?" sagot ko naman sakaniya at nilapitan ko siya para sana icheck kung nasaktan siya.

"Interrupt your thoughts, sir." Sabi nung bata sakin na para bang matanda kung makipag usap. Hindi siya tipikal na batang makikita mo sa daan na basta nalang iiyak kapag natakot, she is something.

"Interrupt?" mapapakunot kanalang sa batang to dahil ang mature niya magsalita, parang kaedaran lang niya ang kausap niya ngayon. Posture is good parang dalaga na matanda. Type of tone na bata pero may poise, teka teka bata ka bat talaga?

"i know what are you think sir." Ngayon seryoso naman siya at tinitignan ang dagger na hawak niya na may habang 6 inches. Hindi ba siya natatakot na baka tamaan siya sa paa kapag nalaglag yun?

"You are thinking if i was ok..." mataray niyang sabi sa akin at monotone lang ang boses niya.

"..or thinking who i am and why i acted like a teen" paano niya nahulaan ang sinasabi ng utak ko ? Mind reader ka ba bata? Sino ka ba talaga? Paano mo nasambot yan ng di ka nasaktan?

Napakunot talaga ang noo ko sa inaasta ng batang to, kakaiba siya kumpara sa mga batang makikita mo talaga sa daan. Siguro nabasa niya ang mukha ko na nagtataka.

"Sorry for making you wonder but as far as i know, you know me. But unfortunately you forget me." Namewang siya na parang babaeng nanenermon sa kapwa babae. Kahit nakabestida siya ng pink at may mga raffles na puti na parang sa prinsesa, ir should i say prinsesa nga ang itsura niya hindi maipagkakaila na bata siya na nag aaktong dalaga.

...at seryoso.

"F-FORGE-T you? "

"Know you?" this is crazy sino ka bang bata ka?

"you will know sir after you see my parents. I hope someday we will meet again, bye sir." Tapos sumaludo siya sa akin at naglakad na parang isang batang nag momodel sa mossimo unlike sa pagtakbo niya kanina na animoy masayang bata na naglalaro.

Sinundan ko nalang ng tingin yung bata at naglaho nalang siya ng kumaliwa na siya.

Sino ka ba? Bakit parang kilala mo ko...

...di kaya??

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now