Chapter 54 *Time to reveal 2*

611 18 2
                                    

A/N: hi Martyras. Well, feeling ko ito na ang sa tingin ko ha haha na naiyak akong nagawa kong UD dito sa TLOM. Super relate ako dito at habang ginagawa ko to naiiyak ako. Hope sana madala kayo sa takbo ng kwento nito and sana magustuhan niyo. Enjoy.









~Martyra's POV~

"Now, are you happy?" katahimikan ang siyang nangibabaw sa aming dalawa nong iniwan na kami ng mga barkada niya.

Geez... yung totoo binalak ba ng mga tropa mo to para macorner tayo?

Lumakad nalang ako papalabas sana, nang bigla niya akong hatakin sa braso.

"What?" inosente kong sagot sakaniya, inosenteng mukha. Blangko na parang papel.

Kinilabutan ako sa nakita kong itsura niya, madilim at nakafocus ang mata sa akin habang poker face siya. Pero di ko yun pinahalata kasi bakit, ako si Martyra..

"Yan lang sasabihin mo?" lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

Nag tilt ako ng ulo para asarin lalo siya, mas gusto ko kasi naaasar siya.

"Bullshit, Martyra!" sa wakas nagalit na din siya at nagusot ang mukha niya, habang nagpipigil sa galit.

"Di ka pa ba napapaisip sa mga sinabi ng mga kaibigan mo?" di ko pinahalata na natutuwa ako sa mga nangyayari.

Kung ganito lang pala ang mangyayari sa pagtawag sa akin ng mga opisyales bakit hindi hahaha.

"ANO PA BANG GUSTO MO?!" isinigaw na niya ang lahat ng boses na pwede niya isigaw at sa huling linya niya may nakita akong luha.

Umiiyak ka na naman?

Drama actor ka talaga noh?

Pwede ba sawa na ako sa mga kadramahan ng mundo. Wag kana makisama.

"So youre crying now para maawa ako?" sarcastic as ef pa din.

"Yan lang ba talaga masasabi mo?" nanghihina na yung boses niya at lumuluwag na yung hawak niya sa akin. And one glance?

---nakaluhod na siya sa harap ko.

Nafreeze ako sa kinatatayuan ko ng makita kong nakaganun siya. Anong pakana mo?

Pero ang di ko maintindihan, humahagulgol siya. Umiiyak siya at teka--- bakit nadadama ko ang sakit na nararamdaman niya. Teka-ano-to!

"Tumayo ka dyan, di ako santo para luhuran mo" utos ko ng makahupa ako sa sobrang pagkafreeze.

Pero wala akong narinig na sagot mula sakaniya at lalong lalo na wala akong nakita na action para sundin ako.

"Ano pa bang gusto mo ha!? Kinalimutan na kita ee.." nanigas ako ng marinig ko ang pagpiyok ng boses niya habang nakasubsob ang mukha sa kamay niya. Tss... geeezzz.. Ayoko ng ganito.

Kung kanina natutuwa ako sa nangyayari, ngayon hindi na.

"Ano ang gusto ko?" sabi ko habang pinipigilan ko ang emosyon ko. Hindi pwede Martyra! Hindi pwede!

"Ang gusto ko? naku Raiji. Napakadami, baka di mo kayang gawin!" tumalikod ako sakaniya para mapigilan ang lahat ng emosyon na pumapasok sa dibdib ko.

Ilang beses ko bang sinabi sayo Martyra! Wag mong paiiralin ang emosyon mo!

"Di ko kayang magawa?" narinig kong napatigil siya sa pag iyak at lumaki ang boses niya. Boses na parang nagtaka.

"Na kaya nga kitang iwan, Marytra! Na kaya ko!"shit! shit oh shit!

Flying arrow. Oo lumilipad na palaso ang nasa pakiramdam kong sumaksak ng tatlong beses sa dibdib ko. Mahahabang palaso na lalong bumabaon ng biglang nagflash sa akin ang araw na iniwan niya ako.

The Life of Martyra (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя