Chapter 11 *Big Investors*

1.5K 32 5
                                    




Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


A/N: Yung nasa pictures yan ang laman ng chapter 11. Arigatou!



~Kris's POV~

"Guys! May bago tayong dapat abangan!" ano bang aabangan namin boss, ang dami na nga naming ginagawa may idadagdag ka pang trabaho?

"Dadating ang isa sa pinaka magaling na Architect mula London!" ayuuun, ipagmamalaki lang pala yung nababalitang pag dating nga daw nung magaling na Architect daw. Ano naman magagawa namin?

"At kailangan makuha natin siya!" may pang gigigil ka pa boss, tsk mas gusto ko nalang mag type ng magtype dito baka sakaling matapos ko na ang gabundok na papel na tinambak mo.

Manager ako dito boss e pero nagmumukha akong assistant mo dahil sa dami ng pinagagawa mo.

"nakakatuwa nga e kasi lahat ng pinaka magagaling na tao sa London pupunta dito?!" well ano naman pake namin, magdadagdag ka lang ng gawain.

~lunch~

"tang ina! Nakakastress sa department ko" angal ko agad sa mga tropa ko ng magkita kita kami sa cafeteria ng pinagtratrabahuhan namin.

Ako isa nang manager ng isang Real state company, may sariling bahay at syempre may pera na. Kaso babae na lang kulang, tsk paano ba naman lagi nalang akong iniiwan sa ere, mga babaeng abnormal!

"Kasing init mo yung tanghali, umuusok ka pa tol " bumanat ka na naman Raiji, puro ka na naman kayabangan sa katawan.

"May dadating daw kasing mga magagaling na tao mula sa London, tsk parang natutuwa naman ako. Dagdag lang sa trabaho dahil aasikasuhin ko pa yun" kinuha ko yung iniinom ni AG na softdrinks.

Init e!

"Gago to oh." Tsk wag kana umangal badtrip ako ngayon.

"Oo nga balita yan sa buong kompanya ah, tsk mukhang big investors sila" dumating na si JP. Mukhang kakagaling lang sa dept niya, dito kami mag babarkada tumatambay kapag lunch break. Ako, si Raiji, si JP, si AG, si Rick at si Jino. Si Jie naman napahiwalay sa ibang kompanya nag apply kaya wala siya dito haha.

"Ang alam ko malalaking tao sila na dapat iniingatan kasi big income sila sa kompanya natin. Kilala sila sa buong mundo at madami silang koneksyon so maybe we should be working on it para mapromote tayo parepareho." Raiji said while eating rice meal. Ano pa nga bang bago sa informative way niya na laging laman ng laptop niya.

"Mukhang ilalagay nga ako ni boss as representative sa mga yun" sabi naman ni AG.

Sa buong cafeteria araw araw na lang na pinagtitinginan kami, sabi nila dahil grupo kami ng mga gwapo pero sige gusto ko yan haha.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now