Chapter 30*Blonde Hair*

783 18 0
                                    


~Raiji's POV~

Nasa hapag kainan na kami dahil tinawag na kami ng mga nag aassist sa amin, masasarap yung pagkain pero parang kailangan ko pa munang magtanong kung ano sahog ng mga yun.

Nakakadala yung seafood spicy noodles, tsk. Nang dahil dun kaya nakagawa ako ng isang bagay na hindi ko dapat ginawa.

Bukod sa nakakahiya na, tsk. Nalaman nila.

"Miss, may Gin ba to?" turo ni Jie dun sa chapsuey na nakahain pati dun sa kinilaw. Napatawa ako ng marinig ko, kahit kelan si Jie joker.

"Ahh.. wala po sir. Lahat po ng pagkain dyan wala pong alcohol content." Ngiti nung servant at inaya na kami kumain. Pero si Jie patuloy pa din sa pag tatanong haha.

Pero hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ni Kris. Tahimik lang siya sa dulo at malayong malayo ang agwat niya sa akin, damang dama kong iniiwasan niya ako.

"Uy masarap yun ah, walang whiskey yan?" banat pa ni JP sa servant at sa sumatutal parang naiinis na sila sa ginagawa ni Jie at JP kaya inawat ko na.

Mamaya di lang whiskey ilagay dyan e baka mamaya lason na.

"Tumahimik na lang kayo, buti nga di tayo nilalason e. Maging masaya at magpasalamat na lang kayo." Napatigil kaming lahat ng marinig namin ang toneless at seryosong seryoso na boses at aura ni Kris. Di siya nakatingin sa amin kundi sa hinihiwang pagkain pero kitang kita namin na galit siya.

Hanggang ngayon ba naman Kris?

"Wooooaaaah seryoso mo tol!" binato ni Jino si Kris ng table napkin at napapangiwe sa pag awat ang servant dahil madudumihan ang mga gamit.

Tinamaan sa mukha si Kris at natapunan naman siya ng kinakain niya.

"Pota! Ano ba?" sabi ni Kris at galit na tumingin sa amin. Hinahanap kung sino ang bumato.

"Kung di kayo nahihiya sa ginawa niyo kagabi, pwes ako nahihiya! Kung maari lang umarte naman kayo na parang professional! Nasa ibang bahay tayo wala tayo sa atin." Galit na tumayo siya at nagpagpag ng damit bago umalis at iniwan kami doon sa hapag kainan.

Sinundan naman siya ng isang assist na lalaki habang kami napanganga sa inasal niya. Tss.. Walang kaalam alam ang barkada na may issue kaming dalawa kaya ganyan siya kainit ng ulo.

"problema nun?" inis na sabi ni Jie. Tapos hinarap yung kanin.

"Baka napagalitan sakanila." Pag iiba naman ni Rick at kumagat sa fried chicken. Teka! May fried chicken??

"Ano ba nangyari kagabi?" tanong naman ni Jino ng maalala niya siguro ang sinabi ni Kris.

Nagkibit balikat nalang sila pero ako ayokong magsalita. Tss.. imbis na gumanda ang araw parang sira na.

"Kawawa naman si Suicide.. Naospital daw e.."

"Talaga? Bakit?"

"Di ko alam eh, basta ang sabi nakadextrose daw ngayon.."

Narinig ko ang usapan ng mga maids na nakakalat sa hallway ng paakyat kami papuntang kwarto. Nagulat pa sila dahil huminto ako kung kaya nagsisunudan naman sila sa likod na parang tren tren kami.

Naospital? Bakit?

"Halika na, baka makita pa tayo ng mga bouncers"

Nawala na yung dalawang maids at naglaho na din ang mga hakbang nila kung kaya tumayo na ako ng maayos at umakyat na.

The Life of Martyra (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu