Chapter 7 *Old Issue*

2.1K 40 8
                                    


~Martyra's POV~


"What's new to your life, Martyra?" Tanong ni Johannes sa akin, remember yung tatay ni Howardy na dating hari


"Being me, is the new in my life" sexy but sarcastic pa din habang nagpupunas ako ng mumo sa bibig ko ng table napkin.


Focus ang iba sa pag kain habang ako at ang dating hari ay nag sisimula nang gumawa ng mainit na baga sa loob ng VVIP room.


Nasamid ang dating hari sa sinabi ko, hindi ata siya makapaniwala sa sinabi ko haha.


"Sainyo po ng mahal na reyna, may nagbago po ba?" ngumiti na naman ako ng nakakaasar, smirk lang ng smirk.


"We're both fine, well, welcome dito sa London. " sabi lang niya at sumubo na uli ng isang malaking steak habang ako napapailing nalang sa nakikita kong pagpipigil ng dating hari na mainis sa akin, e kasi nga may iniingatan silang reputasyon.


"Matagal na akong nandito, so hindi pa ba ako well-welcomed?" ngumisi ako habang nakatingin ng matalas sa dating hari at sa dating reyna. Alam kong nakikita ng mga kaibigan ko ang ginagawa ko at parang sinasabi nila sa mga titig nila na tigilan mo na yan Tyra!


Nagsikip ang bagang ng dating hari na pinanlakihan naman ako ng mata at biglang uminom ng tubig, siguro bumara yung steak na kinakain niya dahil sa sinabi ko hahaha. Well, di ko kasalanan yun kung hanggang ngayon di pa din siya marunong ngumuya ng fine.


"Martyra, baka nakakalimutan mong kaharap mo ang mga mahaharlikang gaya namin?" sabat naman ng dating reyna na asawa ni Johannes.


"I know." Mula sa pagsabat niya ay napanganga siya sa inasta ko.


"K-kung g-ganun, bakit ganyan ka makipag usap sa amin!" ano ka ngayon? Tss, nauutal utal ka sa gigil? Yan ang gusto ko, mang gigil kayo sa akin.


"Because i want too. " yung totoo, royalties ba kausap ko o taga tabi tabi lang. Bakit parang nawawala yung gana ko, gossh nakakatamad.


"Tyra!" awat ni Howardy sa akin. Tinignan ko lang siya ng mata sa mata. Why? Is because parents mo ang kinakausap ko ngayon?


"Di ako pumunta dito Howardy para makipagplastikan." Oo, talagang di ako pumunta dito para lang makipag pakapalan ng mukha sakanila. Bakit? Simula ng maging kaibigan ko sila Howardy hindi naman ako naituring na tao ng mga iyan?


Gold digger ang tingin sa akin ng ibang tao. Social Climber. Feeler. Opportunista. Mukhang pera. Famewhore. Mapagsamantala?


Well, tinanggap ko yun noon kasi kaibigan ko silang lahat! Dahil di naman talaga yun ang intensyon ko, pinili kong sakyan, tumahimik, itikom ang bibig ko, wag pansinin lahat para makasama sila kasi totoo akong kaibigan.


But what ive got? Pang aalipusta and hell yeah!


The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now