Chapter 58 * Red Box *

765 18 1
                                    

A/N: jusko malapit na matapos ito hoprfully sa pagtatapos nito may nag enjoy sa gawa ko and thank you din sa mga taong nag vovote at nag reread. Arigatou!

~Third Person's POV~

Mahigpit ang pag hinga ng lahat ng tao sa venue, nakatingin lang sila sa dalawang magkahiwalay na taong nakablack na over all.

Dahan dahan nilang hinawakan ang kanilang kasuotan para tanggalin na at ipakita nila kung sino sila.

Sinimulan na ng dalawang nakaover all ang pagbaba ng zipper ng damit nila, pangkaraniwan naman na sa baba ang tapos ng zipper noon.

"Pa-suspense pa talaga" nabanggit nalang ni Howardy. Sabay smirk.

Nang matapos na mag unzip ang dalawa ay dahan dahan din nilang tinanggal ang damit na nagtataklob sa kanilang katauhan.

Nanlaki at napasinghap ang lahat ng makita ng lahat ng tao ang taong nasisinagan ng araw sa entrance ng venue at ang nasa ibabaw ng stage ay magkaiba kumpara sa lahat ng nag hubad na nakaover all.

May pumagaspas na buhok na mahaba, lumabas mula sa over all na suot nito na animoy isang anime character sa isang mahanging lugar at nagmomoment lang ito.

Against the light ang taong ito kung kayat hindi maaninag ng iba ang mukha nito. May maliit na pangangatawan na parang isang bata.

At nakasuot ng tank top na puti at pantalon na ripped ang tuhod.

Gulat na gulat ang lahat ng maliwanagan sila tungkol sa dalawang nakaover all. Isa sa kanilang dalawa ay babae.


Naglakad na ang nasabing babae sa aisle ng venue papuntang stage. Naglalakad habang pumapagaspas ang buhok niya sa kaliwat kanan saliwa sa kaniyang ginagawa.

Di man makita ng iba ang imahe niya pero damang dama nilang ang lakas ng dating ng babaeng ito. Kayat napakalaki ng pagtataka nila ng makitang maliit ito ngunit kaparehas lang ng built ng katawan nito ang mga nakaover all nung nakaoverall din ito.

Nakaakyat na siya ng stage at kinuha sa speaker ang mic at humarap sa tao.



"Ako. Ako si Martyra Nomanada, your savior. " isang malaking ngiti ang ibinigay ni Martyra sa lahat ng nakatingin sakaniya.



~Martyra's POV~

"Alam ko na napakadami niyong tanong sa isipan niyo kung paanong isa ako sa mga nakablack na over all. " formal kong sabi habang nakatingin sa tao.

"Well, ako ang salarin sa lahat ng mga regalong nakukuha niyo since the day na nakatanggap kayo."

"Tinago ko ang identity ko di dahil gusto kong maging misteryoso. Kundi, gusto kong itago dahil alam ko ang karamihan sa mga sinusuportahan ko ay ayaw na ayaw na akong makita. " biglang pumait yung pakiramdam ko. Nakita ko na sila nandun sa dulo nakatingin sakin.


"Isang beses lang nangyari sa buhay ko yun pero hanggang ngayon pinagpapatuloy ko pa din kung ano ang nasimulan ko. "


"Nang makita ko si lola lourdes na nahihirapan sa loob ng jeep ni tito julius dahil sa paninikip ng dibdib, di ako nagdalawang isip na kunin siya at dalhin sa ospital. Naalala kong sila nalang dalawa ng kaniyang anak ang magkasama sa buhay." Napatingin ako kina lola na ngayon ay nakangiti na sakin at masayang lumuluha.

"Noon di ko alam kung bakit tinutulungan ko sila pero madali ko din narealize na kahit may mga nangyaring di maganda, di pa din nawala sakin ang pahalagahan sila." Ngumiti ako kay lola habang namamasa masa na din yung mata ko.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now