Chapter 40*Threat Message*

612 17 0
                                    



~Third person's POV~

Friday na naman at kumpleto na naman sila at pinag uusapan nila ang tungkol sa mga sunud- sunod na pagtatangka sakanila ngayong linggo.

Bukod sa pare parehas sila ng suspetsa ng tagapagligtas talagang di sila mapakali ngayon dahil napapadalas na ang mga masasamang nangyayari sakanila.

"Tol, baka naman si Martyra ang may pakana nito, siya lang naman may galit sa atin e" mamumo-mumong pagsasalita ni Jie habang kumakain ng nachos na dala ni Kris mula sa 7-eleven.

Napaisip din ang mga kasama niya sa hinunta ni Jie at nagsikain na din sila ng Nachos tapos pilit iniisip kung anong motibo ng nangyayari sakanila.

"Huwag kayong ganyan, di naman ganun si Martyra.." pagtatanggol ni Kris sa kaibigan kaya napalingon ang mga kaibigan niya dahil sa pagtatanggol niya. May nakakunot, natatawa, naasar at tahimik.. Parang si Raiji, walang imik.

"Tol, wala bang nangyayari sayo? " nabaling kay Raiji ang usapan tungkol sa pagtatangka sakanila, ito lang kasi ang walang nasasabi tungkol sa issue.

"Wala." Tapos kibit balikat, tuloy sa paglalaro ng LOL.

"Imposible, kaming lahat nakakaranas tapos ikaw wala? Life and death na nga kami tapos ikaw wala?" apila ni Jino at humilata sa carpeted floor habang binato naman ni Raiji ito ng sandugo na tsinelas.

"Gago ka! Masakit yun ah!" pakamot kamot sa ulo si Jino at binato din ng sneakers sa likod si Raiji.

"Lul! E sa wala e baka kayo lang target. Mga gago kasi kayo" tapos natawa tawa pa ito bago hinila yung kinakain ni AG na chips ahoy sa sofa.

Aangal pa sana ang huli pero tinawanan nalang nila ang pag babatuhan ng mga ito.

"Kakaiba kasi e, parang kami mamamatay na tapos ikaw? Papaimbestigahan kita!" paloko lokong sabi ni Jie kay Raiji tapos nag ala starfish sa carpet at gumagawa ng bilog na shape.

Nagbigay muna ng malalim na paghinga si Raiji bago nagsalita.

"Meron man pero minors lang." Sa wakas sumagot ka din ng maayos, pakipot ka pa e.

"Edi sinabi mo din, pabebe ka pa e" asar ni AG tapos nagtawanan na naman sila.

"Rick, tahimik mo ano natatakot kana?" pero ang tinawag niya walang imik, natulala na sa laptop niya at parang may nakita siyang nagpagimbal sa atensyon niya kaya nacurious naman ang mga kaibigan niya kaya pumunta siya doon sa kabilang sofa para silipin ang pinanonood ng gago.

"Tol, samahan niyo ko..." yun nalang narinig nila sa nahihintakutang kaibigan nila...



"Tol, sigurado ka bang legit yung message sayo? Papulis na kaya natin to?" natataranta sila dahil binalita sakanila ng tropa niya na sa bahay daw nito sa Lipa may magtatangka daw na patayin ang buong pamilya nito.

Kahit di man sila basta naniwala pero sinamahan pa din nila ang kaibigan na pumunta sa batangas ngayong hapon para masecure ang kapakanan ang pamilya ni Rick.

"Tol, ngayon pa ba ako magdadalawang isip? Eh tayo nga ilang beses ng napapahamak, sila pa kaya?" nanginginig at takot na takot ang boses ni Rick na parang gusto nalang lumipad nalang papunta sa lipa agad -agad.

Napabuntong hininga nalang sila pare preho habang busy sa pagdrdrive si Raiji.

"Tol malayo pa ba?" binabaybay na nila ang SLEX ng makita nila ang isang punuan sa bandang kanan na nasusunog at may malakas na hangin na nagtatangay dito papunta sa kabila upang masunod din ang iba.

Kahit sila nagimbal sa nakitang kasunugan ng kagubatan, kung kaya parang gusto na nilang maniwala sa kaibigan nilang may taning ang buhay ang pamilya nito.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now