Chapter 29 *Black eye *

838 17 3
                                    



~Third person's POV~

Hindi na nahintay pa nila France sina Howardy na makabalik dahil talagang di na magising gising pa si Martyra.

Lahat ay nataranta ng malamang na alcohol overdose siya. Dahil sa sobrang dami ng nainom niya kaya di na kinaya ng sistema niya at tuluyan nang bumigay.

Hindi na timbang ni Martyra ang sarili kung kaya napasobra siya ng dali ng alak.


Hangos na tumatakbo sina Howardy papunta sa emergency room dahil dun na nila maabutan ang kaibigan.

Naabutan nila doon ang sangkaterbang mga tauhan nila na siyang hile hilera doon at kala mo mga kawal na nagbabantay sa royalty.


"Kamusta si Suicide?" Sabi ni Shigi sa isa sa mga nandoon.

"Inaasikaso pa po ng mga doctor. " sagot ng tauhan niya at saka lumapit sila sa mga doctor na nag aasikaso kay Martyra.



"Doc kamusta?" Nag aalala na sabi ni Beena sa doctor. Lahat sila nag aalala na, yung tama ata nila biglang nawala at humulas na para bang bula.


"She's not stable." Tapos umalis uli ang doctor at kinausap naman ang nurse sa kabilang side.

May dextrose na sa kaliwa may dextrose pa sa kanan?

Ilang minuto din ang lumipas at paikot ikot lang silang lima sa hallway habang hinihintay si Martyra na maging stable.

"Tsk" napapailing silang lahat dahil nag aalala sila sa kaibigan nila. First time lang ito nangyari na naospital ito ng dahil lang sa alak.


Nang lumabas ang doctor mula sa kwarto lumapit silang lahat para magtanong uli.


"Kamusta na doc? Stable na po ba siya?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Reinassance at natataranta na hindi malaman kung saan ba siya babaling kung sa kaliwa o kanan.

"Relax lang. She's safe now and stable" pagkasabi ng doctor ng stable ay nakahinga na ng maluwag ang mga ito at nawalan ng tinik sa lalamunan.

"Thanks lord" nag sign of the cross pa si Shigi at humalik halik naman sa rosaryo si Beena.

"Nasan na siya doc?" Natanong naman ni Howardy sa doctor kung saan matatagpuan si Martyra.



"Nasa room 195 siya."








~room 195~


Naabutan nila si Martyra na nagpapahinga ng matiwasay, namumutla at drown na drown sa alak. Dahil di pa nahuhulasan kaya di pa mainsertan ng gamot sa dextrose kasi di tatalab.


"Jusko, sa susunod isang bote ka na lang ha!" Pang aaway ni Reinassance sa natutulog na si Martyra.

Nangi-ngiyak ngiyak din ito dahil kung ikukumpara siya sa ibang kaibigan ni Martyra, nanay nanayan na siya.

"Calm down." Pag aalo ni Howardy sa asawa saka pinaupo sa bench ito at binigyan ng tubig.


"Bagay na bagay talaga sayo ang pangalang suicide." Wala sa huwisyong sabi ni Shigi sa mga kasama niya.

"Dahil lang life and death ganun?" Bara naman ni Beena sakaniya.

"Hindi." Seryosong lumingon siya sa asawa.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now