Chapter 21*France*

1.1K 27 0
                                    


~Third Person's POV~

"No time no see" sabi ng lalaking lumapit kay Martyra. Napalingon naman ang dalaga sa nagsalita at biglang napangisi. Hindi na siya nagulat na makita ang lalaking kausap.

"No time no see talaga?" napasmirk nalang si Martyra sa lalaking nakita at inaya na kumain.

Habang ang grupo nila Kris ay gulat na gulat sa eksenang nangyari kanina. Hindi nila mapaniwalaan na ang Ex ni Raiji at ang kaibigan ni Kris ay nasa harap nila at kumakain habang nakataas ang paa at may kausap na poging lalaki.

"Tol, si Martyra pala yun" unang salita ni AG at tumingin uli sa dalaga.

Pero hindi umimik si Raiji at kumain nalang.

"Tol, ano to coincidence lang?" sabi naman ni JP habang kinakain ang sundae niya imbis ang chicken joy.

Silang lima ay nakatingin sa dalawang tao na nag uusap, masaya naman silang tignan mukhang nagkakamustahan.

"Kelan kapa bumalik Suicide!" galak na sabi ng kaharap ni Martyra na si...

"Kahapon lang, France.." sabay subo niya ng malaking bite ng jolly hotdog habang nagsusubo pa ng fries.

"Dahan-dahan naman, grabe ka talaga, Suicide. Takaw mo" kunot noong sabi nito na worried na worried sa kaharap at inabutan ng iced tea.

"Hi France!" narinig nilang dalawa ni Martyra na binati si France ng mga nagdadaang babae.

"Tsk, hanggang ngayon pa din ba, France?" ngisi ni Martyra bago kainin ang last fries na nasa pack ng jollibee.

"Ako pa ba?" pag yayabang pa nito at kinindatan siya. Napangisi nalang siya habang iiling iling sa kaharap. Lakas ng hangin.

"Namiss ka namin." Bigla biglang nagseryoso ang boses nito bago pinunasan ang noong may pawis.

Si Martyra naman ay napatingin kay France at binusisi ang mukha nito kung nagsasabi ng totoo.

"Ows." Un lang sinabi niya, emotionless na emotionless.

In short walang gana, para lang siyang nakikipag usap sa pader. At tinuloy na ang pag-kain ng inorder niya.

"Oo nga. Tsk, ayaw pa maniniwala e!" tapos bigla siyang napatingin sa paa nito na nakataas.

"Hanggang ngayon pa din ba wala ka pa din poise kapag kumakain?" sabi nito habang lalong kumunot ang noo niya sa nakitang itsura ng kaharap na babae.

Nagkibit balikat lang si Martyra at nagtuloy sa paglamon.

"Nakashort ka pa naman tas nakataas pa paa mo?? Halata sa boses nito na naiirita na ito. Pinagpapawisan na din ang noo nito na butil butil.

"Sus, makukuha ba?" sabi naman ni Martyra na kumakain ng sundae habang nilalasap ang pang aasar sa lalaking nanghingi ng number niya.

Kanina pa kasi ito text ng text sakaniya at sa nakikita niya naiinis na ito haha.

"Tsk, yung totoo, totoo ba yung nababalitaan kong nagbago kana daw?" tinignan siya nito simula ulo hanggang paa at dismayadong bumalik sa mukha niya.

"O baka physique lang at nadagdagan ka lang ng confidence at class pero yung ugali di pa din nabago?" sa pagkakataon na yun sumeryoso na ang mukha ni France.

Napansin iyon ng kaharap niya na si Martyra kaya naman ibinaba na nito ang paa niya.

"Bakit ba pinapakelaman mo ang pag pwesto ko habang kumakain.. Dito ako sanay isa pa wala ako sa sosyal na resto to show myself as a classy one. May masarap pa din ang natural." Huling subo niya ng sundae sabay lagay sa lamesa at sumandal na animoy busog na busog.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now