Chapter 46 *PhD*

515 20 0
                                    




~Third Person's POV~

Naipakulong na ang culprit na si Morgano dahil sa salang panloloko at pagnanakaw ng pera mula kay Mr. Fushigawa. Ang 6LORE naman ay nasa site pa din maging ang mga tauhan na sila Kris.

"Ma'am.." nanginginig na boses na lumapit ang lalaking isa sa mga workers nila at humahagulgol sa harap ni Martyra.

Napalingon naman siya sa lalaki at namasdan niya ang umiiyak nitong mga mata, bigla siyang napabaling pabalik sa nasirang building. Namewang siya at hinayaan na magsalita ang katabing lalaki.

"Mag-ba-bawas na po ba -kayo ng trabahador?" humahagulgol sa takot ang trabahador at hininhintay ang sagot ng kaniyang amo.

Pero walang nahitang sagot ang lalaki kay Martyra kaya lumuhod ito sa harap niya at nagmamakaawa na wag siyang tanggalin sa trabaho. Di man tignan ni Martyra ng maayos ang lalaki kitang kita naman niya ito sa peripheral view nito.

Nakaagaw ng pansin ang eksenang ginawa ng lalaki kaya ang iba ay nakuha ang simpatya ng trabahador imbis na ang nakatalikod na si Martyra.

"Tss... pati ba naman walang kamuang muang na worker pinahihirapan niya" angil ni Rick habang inaayos ang mga papeles na nandoon para i-fix ang mga assets at liabilities na ipapataw kay Morgano.

"Akala ko pa naman superhero na siya kanina nung niresolba niya yung kaso, hindi pala." Isa isa nang nagbago ang tingin ng mga nakakakita sa eksenang yun iniisip nila na pinahihirapan ni Martyra ang walang magawang trabahador kundi umiyak at mag makaawa.

"Akala ko sa korte lang ako makakakita ng makikitid ang utak.." napaismid sa gulat ang grupo nila Kris ng dumaan sa harap nila ang nakasport's bra at jeans na si Beena.

"Yun pala, dito din pala sa construction site." Tapos nagsmirk ito bago umalis at pumunta sa pwesto nila sa loob ng tent.

Narinig pa nilang nag bulyawan ang mga kasamahan nito sa kabila at nagbatuhan na sila ng mga towels, as usual mga naglalaro na naman sila gaya nung huli.

Pero ang mas ikinagulat ng mga nasa tent ay bumalik na si Martyra na basang basa pa din ng ulan at wala atang balak magpunas dahil basta na umupo sa bench at kumuha ng tubig.

Binato ni Rein ng towel si Martyra pero tinabig nito iyon na mas lalong ikinabahala ng mga tao na nakakakita. Kaya lumapit na si Shigi at iniabutan siya ng Ferrero chocolate.

"Oh, pampagana sa moody mong pag uugali. Masyado kang stress, papangit ka niyan." Pabiro man niyang sinabi yun sa kaibigan pero hindi yun nakatulong para mapagaan nito ang loob nito.

Imbis na tanggapin iyon ni Martyra ay tinabig lang din yun at iniwan ang Ferrero na nakalugmok sa lupa.

Naagaw ang atensyon ng karamihan ng biglang pumasok sa loob ang isang trabahador at may ibinalita.

"Anong nangyari sakaniya?" bungad agad ni Martyra sa mga naroroon sa kabilang tent at nakita nila ang nakahandusay na trabahador na kani kanina lang niyang kasama.

"Nung dumating siya pagkatapos niyo siyang kausapin, sumisikip na ang dibdib niya tapos masakit daw ang kaniyang dibdib. Kaya naisip namin na ihiga siya kaso ng maihiga namin siya lalo daw siyang hindi makahinga kung kaya itinayo na namin siya at ngayon..." nag aalala na ang mga kasamahan ng lalaking kasama niya kanina dahil namumutla ito at nanghihina maging sila ay nababahala dahil kalusugan ng isang trabahador nila ang nasa peligro.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now