Chapter 27 *Party hall*

917 21 2
                                    


~Kris's POV~

Leche, ano bang kinain ng mga ito at mga bangag! May shabu ba ang pagkain nila dito?

"ohhhoooo nghaaa toool" isang to ngongo na. Tsk, mga tol naman pwede bang isa isa naman?

"Tang ina, ano bang pagkain ang meron kayo?" sabi ko dun sa lalaking sumusunod sa amin.

Sila din yung nag aasikaso sa amin simula kaninang hapon. Madaling araw na ngayon pero tuloy pa din ang party sa baba, nasa kama na kami ng mga ogag kong mga kaibigan at parang mga lasing na bangag na arrgghhh ewan!

"Sir, may whiskey po kasing ingredients dun sa kinain ninyo." Nangingimi na sabi nung lalaki sa akin, natatakot yata dahil nagagalit ako.

LOL, anim yung tropa kong parang high dito dahil pala sa nyetang whiskey na kasama sa kinain namin.

"Sana sinabi mo muna sa amin para di na namin kinain, ano ba yun?" pag iiba ko habang inaayos ko sa pagkakahiga si Raiji, tang ina ang bigat mo tol! Papayat ka ha?!

"Yung seafood spicy noodles po sir." Sabi ng lalaki at napapikit nalang ako. Shet di nga pala ako tumikim nun, baka kaya di ako kasama sa mga bangag na ito.

"Pwedeng medics?" inis kong sabi sa lalaki at tumalima naman siyang umalis para tawagin ang medics. Parang tanga lang, sobrang bangag nila tapos ako yung mag aasikaso. Grabe para akong nag alaga ng anak argh!

Pero nakaagaw ng atensyon ko yung interior design ng master's bedroom, bakit di ko napansin to kanina?

Yung wall na may wallpaper na puno tapos yung kama namin na hindi masyadong mataas pero kagaya ng sa kama ng sinaunang tao sa japan. Yung mga gamit gaya ng jars, frames, display models... Lahat japanese style.

May malaki pang samurai doon sa gilid na naka-hang sa wall at may maliliit na paper lantern sa kisame na siyang nagbibigay ng ilaw.

Damn! My dream room. Makatulog sa loob ng isang authentic room ng japanese style.

Yung floor di siya carpeted, wood siya na smooth at flesh ang kulay. Pati yung closet section di hila, as in talaga aurahang japanese.

Hindi ko gusto mag assume pero...

...mukhang di pa din nakakalimutan ni Martyra yung mga gusto ko.

Namimiss na kita Twin.

Dumating na ang medics para asikasuhin ang mga lasing kong tropa kung kaya ako naman lumabas muna para magpahangin. Bukod sa di ako inaantok, na-stress din ako sa buong araw, ang daming nangyari simula ng makita ko uli si Martyra.

At di ko mapaliwanag kung bakit ganito ako, noon naman hindi. Noon, ok lang. Noon, wala akong pake kahit nawala siya, noon ayos lang kasi di na ako concern. Pero nung nalaman kong ako yung mali?

Doon ko nadamang ang laki nang nawala sa akin, di ko nga alam bakit nung nakita ko siya ang laki ng regret ko sa buhay ko. Daig ko pa yung nawalan ng girlfriend.

Nakarating ako sa party hall at naririnig ko pa din yung ingay na dulot ng banda na tumutugtog kanina. Syempre kasama na din si Martyra dun na bokalista nila.

Pumasok uli ako sa loob ng party hall para sana silipin ang nangyayare sa loob, pagkapasok ko nakita ko yung mga bisita na full force pa din ang energy sa pag jam sa banda habang umiinom sila ng mga alak.

Pero ang pinagtataka ko nawala na si Martyra sa stage. Nasan yun?

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng party hall nagbabakasakali na makita ko siya.

The Life of Martyra (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon