Chapter 39 *Teka sino ka ba?*

625 12 0
                                    


~AG's POV~

"Yvannah, teka!" napapafacepalm na lang ako. Bakit ba kasi ang abnormal ng mga babae e.

"Don't touch me ok!" iniiwasan pa ako tsk, ikaw na nga hahawakan e tapos ikaw pa nag iinarte. Grabe, ang aabnormal niyo di naman kayo ipagpapalit bakit ba kayo praning na praning?

Wala na, sumakay na ng jeep tsk. Nu ba yan!

Kinuha ko ang IPhone at tinawagan siya pero ring lang ng ring. Hayy Yvannah, kelan ka ba mag titiwala sa mukha kong ito?

"Hi, pogi!"

Napangiwe na lang ako ng may bumati sa aking sexy na babae. Ang cute niya din pero arrggghh si Yvannah AG si Yvannah!

Nag lalakad na ako bandang intramuros ng bigla biglang may humablot ng Iphone. OHHH SSHEEEEET! YUNG IPHONE KO!

Hinabol ko yung lalaking kumuha ng Iphone ko tangna mahal yan! Pero ang bilis niya kaya di ko naabutan ang walangyang lalaki na magnanakaw na yun. Arrrgggg! Wala na akong phone.

Napaupo ako sa sidewalk ng kung saan mang kalsada to sa intramuros at napasabunot nalang ako sa buhok ko sa ulo. Tang ina wala na akong phone! Paano ako makakatawag kay Yvannah.

*Car's fast sound*

Napahiga ako sa semento ng umiwas ako sa mabilis na nagpaharurot na SUV kaya nauntog ako sa semento, tang ina sino ba yun. Ang yabang ah!

Di pa ako nakakatayo ng may nagbato ng watusi sa pwesto at POTA!

Muntik na sa mukha ko yun, di pa ako nakakahupa ng may nagbato naman ng pikolo! Ano ba to? Matagal pa ang pasko pero bakit may nantrtrip dito!

"HOY TARANTADO KA HA!" SIgaw ko dun sa nagbabato ng paputok galing sa SUV na nagpaharurot. Imbis na bumaba ang tao sa SUV umikot pa ang sasakyan niya at pinaragasa sa sidewalk.

Balak ata akong sagasaan ng hayop na to kaya tumayo ako at nagtatakbo, ano pa bang magagawa ko kundi tumakbo, wala naman pulis dito sa lugar na to at kakaunti din ang tao kaya pota! Save my life nalang.

Habang pabilis ng pabilis ang pagtakbo ko, pabilis din ng pabilis ang pagpapatakbo ko. Pinapantayan niya ang bilis na inilalabas ko para maabutan ako, teka bakit ba ako tumatakbo?

Huminto ako at gumilid kung kaya napapreno ng malakas ang SUV at bumaling sa akin para ipitin naman ako sa pader.

Oh.. oh...

Mali ata ang tactic na ginawa ko, wala akong lalabasan. DEAD MEAT AG.

Napapikit nalang ako at tinanggap na ang kapalaran ko ng makailang minuto na pero wala pa din ang pag salpok sa akin ng SUV kaya nagmulat ako ng mata kaya nagulantang ako sa lalaking nakahandusay sa sahig at sipa sipa ng isang tao.

Nakaover all siyang itim na makapal, mabilis ang mga kilos niya para siyang nag training sa PMA at parang palos na umarangkada ng sipa suntok dun sa mga sumusugod sakaniyang lalaki. Nag iisa lang siya pero napapatumba niya ng mabilis yung mga lalaki.

PARTIDA. Mukhang mataba siya ha pero ang bilis niyang gumalaw para bang sanay na sanay na siyang manakit ng tao at di nababahala kung mamamatay yung mga kalaban niya.

Ako, dahil sa sobrang kamanghaan, imbis na matakot ako para pa akong namangha at naastigan sa taong ito. Di siya pangkaraniwan sa tingin ko ang galing niya kala ko sa movies ko lang makikita yun pero arggghh ang galing niya.

Natapos ang pakikipag suntukan niya ng tumigil na siya. Tapos humarap sakin na parang ako na yung susunod niyang sasapakin, nakaramdam tuloy ako ng katakot takot na shivers sa katawan ko ng makita ko ang mukha niya.

Tang ina parang maskara nung killer sa Friday the 13th! Lumapit siya sa akin ng ilang pulgada at ako napapaatras kahit wala na akong aatrasan. Pader na e, dead end na.

"Kalalaki mong tao, tinatakbuhan mo ang kamatayan. Sana yang utak mo pag nagLo-LOL ka ginagamit mo din sa real life. " teka paano mo nalaman na nag LO-LOL ako?

"Bakit mo alam na nag LO-LOL ako?" kataka takang alam niya yun samantalang di ko naman siya kilala at lalong...

"Isa ka ba sa mga tropa ko?" tinitigan ko siya, matangkad naman siya at bulky, di ko alam kung dahil sa overall niya o talagang tabain siyang tignan kasi fit ang overall na itim sa katawan niya tapos nakamask nga siya ng gomang butas butas na gaya nga dun sa killer ng Friday the 13th.

Di siya umimik tapos nagbalak nang umalis.

"Teka, sino ka ba?" hinawakan ko siya sa braso pero agad din...

"Aray! Aray!"

"Sa susunod na magbabalak ka, mamamatay ka" aray ko masakit! Bitawan mo na ako di na ako uulit tang ina!

Mukhang lalaki ang isang to ayaw ng nagpapahawak tsk, letse ang lakas niya kesa sa akin.

Namilipit ako dun e, ang bilis niya talaga pero sino kaya to matagal na akong napapahamak pero di naman ako nakakarinig o nakakakita ng taga pag ligtas ko, first time lang to. Actually kami ng mag babarkada lagi kaming nasasangkot sa ganitong eksena, yung bigla nalang may mag tatangkang patayin kami ng di namin alam kung sino ang salarin. Nakapag pa assist na kami sa mga pulis pero wala silang lead.

At ngayon, may nagpakitang isang lalaking nagliligtas ngayon?

Parang gaya ng kwento ni Kris sa amin nung isang araw may nagligtas daw sakaniya ng balak daw siyang lasunin ng babaeng nurse buti nalang daw dumating yung nagligtas daw sakaniya tapos nagtataka daw siya bakit dalawang beses daw siyang sinagip sa isang araw, habang si Jie naman muntik na daw mahulog sa manhole kung di daw siya sinagip ng isang tao. Pero di niya nalaman kung sino yun kasi nakapiring siya. Namulagaan nalang daw niya may pulis ng kumuha sakaniya at dinala siya sa presinto.

Si Jino naman muntikan ng masaksak ng injection sa ospital kahapon habang nag oopera, buti nalang daw may isang janitor na lalaking nakaface mask ang nagsagip sakaniya at sinaksak yung mananaksak. Pero ang weird daw kung bakit nanggaling daw sa bintana ng naturang operating room yung janitor.

Tapos si JP nasiraan ng sasakyan sa liblib na daan galing siya sa farm nila sa Bulacan ng may nakausap daw siyang matanda na nagpainom sakaniya ng tea. Tapos may dumating din daw na lalaking gaya nito na nakaover all tapos naka mask at pinagbantaan yung matanda na kapag lumapit pa daw kay JP papatayin daw niya. Tapos pare-pareho kami ng mga tanong..

"TEKA SINO KA BA?"

Di lang namin alam kung si Raiji ganun din ang nararanasan, wala kasi siyang nababanggit sa amin ni minsan.


The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now