Chapter 56 *Foreignbestfriend*

651 15 2
                                    

A/N: here's the UD of TLOM siguro dalawa o tatlo nalang na chapter to. At makakatapos na naman ako ng isa pang story :) of til the end kasama ko kayo at sana di kayo gaya ng iba DYAN na nang iiwan. Hahaha arigatou!


~Martyra's POV~

3 days after..

"Martyra, are you going back to London?" nasa tabi ko si Beena hinahimas ang ulo ko at sinasamahan pa din ako after ng usapan naming ni Raiji.

Tatlong araw na akong nandito sa kwarto ko naming at ni mintis na lumabas hindi ko man lang magawa. Parang tanga nga e, 3 years kong tinago lahat at tiniis at pinaglabanan tapos 3 days na din akong nagmumukmuk ngayon. See that number 3 malas ata sakin yan eh .

"Tatakbuhan ko na naman ba?" mahina kong sabi sakaniya. Nakatingin ako sa labas ng bintana tinitignan ko yung mga ibon na lumilipad.

"Eh baka bumalik ka na naman sa dati eh. We're afraid na baka maglaslas ka na naman o mag attempt suicide." Damang dama ko sa bawat haplos ni Beena na concern na concern siya sa akin.

"Baka di na naman kumain o matulog. We know you Marytra, hindi ka magandang iwan kapag depress." Napangisi ako ng bahagya ng marinig ko yun alam na alam talaga nila kung anong meron sakin at kaya kong gawin.

"eh magagawa ko ganito ako magmahal eh, til death" bigla akong tinapik ng babaeng to sa ulo at nagkatawanan kami kahit papaano.

"we all know that and i know na hirap na hirap ka ngayon. It throwbacks a lot right?" tumango nalang ako sign ng pagsagot ko kasi parang sumisikip ang dibdib ko kapag naalala ko kung gaano na naman ako kamiserable ngayon na di man lang magawang tumayo sa kama.

"minahal mo naman sarili mo ngayon eh, pero sumobra ka naman. Ang kinalabasan ikaw uli sumira ng pagkatao mo. Dahil sa sobrang galit mo at ang layuning mag higanti, nasaktan ka uli. " hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. At ako naluha na naman.

"Minsan Martyra, hindi nakakamatay ang iwan na lahat sa past. I mean, yung galit mo sa past mo na lang sana iniwan at di mo na dinala sa future. Kasi di siya nagcacause ng good vibes."

"Lalo ka lang nito binibigyan ng so much pain kapag nagawa mo yung balak mo. Everything comes from revenge it turns to miserable end, ending na ikaw din yung mapapatanong na "bakit eto na naman ako" " bigla akong napatingala at natawa din siya, ano siya kumakanta?

"Martyra, we want you to be happy without him. Noon sinabi namin na sge susuportahan ka namin sa pag hihiganti mo pero nung magsimula ka nang umuwi dito at ipakita sakanila kung ano nang meron ka. It gaves us realization na kahit gaano na katayog ang isang Martyra Nomanada, hindi pa din siya magiging masaya kahit anong mangyari. "

"Kasi puno ka ng galit. Di ka marunong magpatawad. Hindi mo kayang magbigay ng sorry."

"Kasi gusto kong maramdaman nila kung ano yung naramdaman ko noon, Beena. Gusto kong masaktan din sila at maghirap." Napahagulgol na naman ako kasi tinamaan talaga ako sa sinabi niya kasi alam ko na totoo yun.

"Naisip ko na baka kapag nakita ko na silang ganun masaya na ako. Magiging masaya na ako."

"Pero hindi pa din pala." Para akong batang inagawan ng candy na iyak lang ng iyak at nanghihingi ng kalinga sa isang ina.

"Kasi nga wala naman naidudulot ang galit sa isang tao kundi kasamaan at sakit. Alam mo Martyra maigi siguro kung magpakaliwaliw ka muna dito sa pinas yun a break. Masyado kanang pagod sa lahat ng nangyayari ngayon" inalog alog niya ako at hinila patayo sa kama

"Saan tayo pupunta?" tamad na tamad na sabi ko.

"Mag papalawan tayo. Refresh girl. Nakapag pabook na kami kahapon and nakasched tayo tomorrow. So tara na mag ayos ng things mo?" nakita ko ang mukha niya na nakangiti sa akin at iniinganyo niya ako.

Alam mo yung minsan mapapaisip ka na sa kabila ng mga bagay na masakit may mga tao naman na nandyan para sayo. Yung kahit paulit ulit kanang nalulugmok sa lupa nakukuha pa din nilang tulungan ka. Kahit ang tanga tanga mo na sa paulit ulit na dahilan di sila nag sasawa na makinig sayo dahil sa mga bagay na naiintindihan nila sayo.

At eto ang nadadama ko ngayon, kahit feeling ko bumalik na nga ang old Martyra na sinaktan nila Kris at Raiji. Andito pa din silang lahat para sakin at dadamayan na naman nila ako sa katangahan ko.

Tumayo na kami ni Beena sa kama at pumunta na sa closet kahit tamad na tamad ako at nanghihina.

"Ano ba beena, ayoko sumama." Umupo ako sa sahig at naglupasay.

"Anong hindi, ano ka ba girl. Move on tayo ha magmomove on tayo." Habang kinakalkal na yung closet ko at basta na nagkukuha ng mga damit.

"ano gagawin ko dun?" bigla niya akong sinabunutan kaya napasigaw ako.

"Alangan magmomove on nga eh, sira ka ba! Matanda kana Martyra chin up!" tapos hinila niya yung maleta ko at pinagpapasok yung mga damit ko.

"Give me some time pleassee." Angal ko at aaktong babalik na sa kama.

"Ano give some time ka dyan! Hoy 3 years kanang give me sometime ha, di na kita mapapagbigyan. Tama na pagmumukmok tara sa palawan dun ka magmukmok. " napabulong ako sa sarili na as if magawa ko dun yun..

"oohhhh may two piece ka pala " gulat na gulat niyang inilabas sa clset yung black and white two piece ko na isinuot ko noon sa isang miss little pageant sa london haha.

"dadalhin mo to ha!" napakumpas nalang ako ng kamay na parang nagpapahiwatig na sige ikaw bahala .

"dadalhin ko ibat ibang shades ng two piece mo, at no to one pice, your more sexier kapag nakatwo piece ka noh." Taos natatawa tawa siya, hype kang Beena ka gagawin mo ata akong bold star dun.

Pagkatapos namin mag empake at kumain kami sa baba dahil hila hila na naman niya ako. Talagang inilalayo niya ako sa comfort zone ko, ang kama.

"Lumabas din ang maliit na aling mapagtangka " tapos kinuskos ang ulo ko ni Howardy. Gusto ko sanang sipain ng hilahin naman ako ni Shigi.

"Yes, andito na uli si Martyra. Mapapagbake na ako " niyakap ako ng mahigpit habang nakaangat ako sa ere.

"Tara magbake Tyra!" aya naman ni Rein sakin alam mo yung di mo na maintindihan sino uunahin mo sakanila kasi sabay sabay sila.

"ISA- ISA LANG! WALANGYA " nagsitigil naman sila ng mapikon na ako, ang ingay ingay nila grabe. Nakakairita.

"HAHAHAHAHAHA" biglang tumawa si Shigi.

"Anong nakakatawa?" seryoso ko nang tanong habang nilalapitan ko siya at siya naman ay nalayo.

"B-bumalik kana -eh" pero nalayo siya sakin. Alam niyang masama mangyayari sa kaniya e

"lagoooot" bully naman ng natira doon sa pwesto dahil ang layo layo na namin ni Shigi.

Balak na sana niyang tumakbo palayo ng pagharap niya.

"WAAAAAAAAH" nabangga siya sa mukha ni L at nagka.

Nagtawanan kaming lahat ng magkalips to lips sila. What the heck! Nagkabromance bigla haha.

Dikit na dikit pa yung lips nila sa isat isa tas nakahawak sa dibdib ni L si Shigi alam mo yung tagpong may mag jowa na biglang nagkabungguan tas napaharap si girl at nakahalikan ni boy haha ganun na ganun sila.

"FIRST TIME BE LIKE! AW AW AW!" tas nagtatalon si Howardy sa pang aasar sa dalawa kasi namumula sila pareho tapos si L hindi man lang nag sasalita nakatungo lang tas nakapamulsa.

Bago kami nakahupa sa kakatawa sakanila ay sinunggaban na kami ng masamang tingin nung dalawa, tingin na may kasamang nakakaloko at nakakatakot na banta.

"Guys, kailangan na natin mag evacuate." Pabirong sabi ni Beena tapos ako naman napapausod na palayo ng biglang nag-rar si Shigi na nag aala aso.

"TAKBO!!!" at nagsitakbuhan na kami palayo sa dalawa dahil hahabulin na kami ng isang ostrich at isang cheetah haha.

This, this is my stress reliever, silang mga kaibigan ko. Nawalan man ako ng boyfriend o boy bestfriend pero sila mga foreignbestfriend ko andyan pa din sila.

At eto nga oh hinahabol na kami na parang sira haha.

Parang mga batang ngayon lang nakapag laro at nagkasama sama.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now