Chapter 3 *moving on*

2.8K 38 6
                                    


~Martyra's POV~



Noong mga first day ng break up namin, ako yung hindi talaga makakain. Para akong namatayan, namatay, nabaliw, nasiraan, miserable at nanghihina. Halos di ako makatulog sa gabi ng hindi umiiyak, tipong lahat na lang ng marinig kong kanta tungkol sa couple relate sa akin. 


hindi din ako makatulog sa gabi dahil lagi ko siyang naalala tapos kapag nakatulog naman ako bigla nalang ako magigising, idlip kung baga yung tulog na sinasabi ko. Tapos iiyak na lang ako ng iiyak, di ako makausap laging tulala, nakabangla, palaging nakaharap sa laptop o kaya cellphone ng malibang.


Tipong iniistalk ko si ex kasi umaasa ka pa na babalik siya o baka nagsisisi na siya. Lahat ng account niya iniistalk mo kasi gusto mo makita kung ano na update sa kaniya, as in lahat ginagawa mo magkaroon ka lang ng connection sakaniya. 


Grabe, walang araw na hindi ako umiiyak kasi ang sakit sakit na basta ka nalang iwan ng taong mahal mo na para ka nalang isang basura dyan. Hindi na daw niya ako mahal, ayaw na daw sa akin at lalong sawa na daw siya. Pero alam mo ang mas masakit, yung block ka niya sa messenger tapos sabihin sayong mahal ka pa nung birthday mo?


Yung nasabi mo sa sarili mo na "birthday ko ngayon bakit ganto ako, bakit nagbuburol ako imbis na nagsasaya ako" oo, nung birthday ko talagang hindi ako totally masaya, u know why? kasi umaasa ako na magpapakita siya sa akin at makikipagbalikan, umaasa ako na baka sakali nagbago isip niya.


I am so daaamn idiot na ipakita sa mga kapatid niya na i am so weak by my emotions, alam mo yung kinausap ko na lahat ata just to tell where he was? How is he doing? is he fine? Alam mo yung umiiyak ako habang nagttype at nagsasabi sa mga kapatid niyang i am so broken. Daaaamn ang sakit sakit noon.


Pero ano nga ba magagawa nila, just to listen. Listen. Tandang tanda ko pa kung kelan niya ako binereak, it was friday morning kaya talagang di ko makakalimutan, the most painful day of my life.


Sabi ko dati mas maigi na ikaw ang mang iwan kesa ikaw ang iwanan, kasi ikaw yung iniwan mas masakit sayo kesa sa nang iwan na wala char lang. Yung dami dami pang dahilan di nalang sabihin kung ano ba talaga dahilan, you know what nung sinabi niyang "mahal na mahal na mahal niya ako" nagkaroon ako ng false hope noon dahil talagang naniwala ako doon, but when i realize na isa akong malaking tanga kaya ayun napamura ako habang umiiyak at namimiss ko siya. 


Everytime na lalabas ako lagi akong tumitingin ng sasakyan, atually nakakabisado ko na nga mga itsura ng saksayan na nakikita ko, magkakamukha kasi yung mga brand na lumalabas ngayon e like Mitsubishi na monterosport na sinasabing may problem sa acceleration chuchu ekek. Toyota, fortuner, Isuzu na MUX, Ford at kung ano ano pa, may Honda pa nga e saka Suzuki. Alam niyo kung bakit? Kasi noong boyfriend ko pa siya, hatid sundo niya ako ng family car nila.


Lagi akong kasama sa grocery nila kapag nag ggrocery sila, saang lakad kasama ako kasi sinusundo ako sa bahay gamit yun, kaya noong naghiwalay kami lahat ng makita kong model na gaya ng kanilang car napapalingon ako at nagbabakasakaling kanila yun. Pero sa dinami dami ng nakikita ko ni isang plate number nila wala akong makita, kaya hanggang ngayon false hope ako. 


Kapag nakakakita ako ng malalaking chubby na lalaki na pineapple cut ang buhok, naalala ko siya bakit? Kasi 5'9 to 5'10 na si ex e, kaya sobrang napapalingon ako kapag nakakakita ako, akala ko siya na yun pala namalikmata lang. Parang tanga noh? alalang alala ako eh samantalang siya tinanggal na lahat ng pagmumukha ko sa facebook accout niya at nakatago lahat ng post niya sa akin at pati friends namin sa facebook pinag uunfriend niya. Tapos ako pa sasabihan ng iba na BITTER?



Sino kaya mas bitter sa aming dalawa? Ako kasi panininidgan ko na kapag nakamove on na ako saka ko tatanggalin lahat ng mukha niya dyan para get over na talaga, over na talaga. Yung as in di na ako manghihinayang na tanggalin sa wall or profile ko lahat. Dahil sa loob ng apat na taon nakaipon kami ng napakadaming ala- ala.


At ngayon pangalawang linggo na since magkawalaan, at eto ako ngayon still moving on, tinitignan ko man yung mga pictures niya pero di na ako nasasaktan o naiiyak, actually wala na akong madama pang iba kundi empty. Namanhid na ata talaga ako kaya ganito, ewan ko din. Nakatulong din ata ung mga payo ng mga kaibigan ko sa facebook e, kasi sila yung mga nagpapayo sa akin na wag na ganito ganyan, ganito ganyan, hayaan ko na move on na ako ganun. Diba? diba?


Oo, nagmomove on na talaga ako nagiging kontento na din ako pero may part pa din talaga sa akin na mapapahayyyy nalang ako. 

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now