Chapter 31 *Forgive me*

1K 18 0
                                    



~Martyra's POV~

Bakit ka pumayag na kitain ka niya?

Ano bang pumasok sa kokote mo at hinayaan mong pumasok uli sa buhay mo ang isang taong tinalikuran ka at iniwan ka?

Pare pareho lang sila ng ex mo!

"Kamusta kana Martyra?" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pangangamusta mo e. Kung matutuwa ba ako na naalala mo pa pala ako o magagalit ako kasi napakaplastik mo.

"Ano ba ang nakikita mo?" sabat ni Beena sa usapan at imbis na ako ang sumagot, siya pa ang sumagot para sa akin.

Nakaupo ako sa kama ko, black is black. Gothic style, sa lahat ng parte dito lugar ko lang ang madilim. May stand ng dextrose sa magkabilaan ng kama. Kumpleto kaming lahat dito at napapasmirk ako sa palaisipang..

...Nagkita na ang dating nagkalove affair.

Reinassance at Kris.

"Ngayong nakita mo na kung anong kalagayan niya edi makakaalis kana." Matigas na nakatayo si Beena sa tabi ni Shigi at matalas na nakatingin kay Kris. Tss.. sila pa ang mas nagrereact kesa sa akin.

Pero kung sa bagay sabi nga nila sa akin, nasaktan din sila sa ginawa ni Kris sa akin.

"Kung maari lang gusto ko siyang makausap ng kami lang.." walang pag aatubili na nakaupo lang siya doon sa harap ng kama ko at nakatungo. Nakadekwatro at nakahalukipkip ang kamay habang hinihintay na may sumagot sa tanong niya.

Simula ulo hanggang paa, masasabi kong malaki na ang pinagbago ng dati kong kaibigan, may muscles na siya. Wala na din ang ensaymada niyang tyan na nakanunok ng bolang kristal. Mas fine na ang kulay niya unlike before na fair skin na nasusunog dahil sa kakabilad sa araw. Kung tumayo siya hindi na kolokoy na gagawa ng kagaguhan kundi isang professional na tao na may alam na sa buhay.

Buhok na dati pa emo at pahaba pa pero ngayon clean cut na at papoging taglay to the finest level. Maganda na din siyang magdala ng damit unlike before na pilian ang pagdadala niya.

Hindi na siya kid look ngayon.

Everything has changed.

"Paano kung ayoko." Ako naman ang sumagot. Ako naman ang nagsalita, naririnde na ako sa bibig ni Beena e, parang armalite.

Napatingin siya agad sa pwesto ko ng may pagtataka. Nagulat yata siya na kaya ko siyang tanggihan.

"Sige na, pagbigyan mo na. Maybe its time to talk to him after 3 years of separation. " napakunot ng bahagya ang noo ko ng marinig ko ang suggestion ni L. Oo, si L. Hindi ko alam kung bakit dumali ng ganito to.

"Kita mong di pa ok si Suicide oh!" apila naman ng dalawang babae. HAHA kahit kelan napaka mother like nila.

Napaisip ako, bakit hindi ko nga kausapin ang gagong to tutal nasa harap ko na siya. Masasabi ko na siguro lahat ng gusto kong sabihin sa loob ng 3 years na nawala ako.

Its time maybe na ako naman ang magpamukha sakaniya na ako naman ang nang iiwan.

"Sige, go on. Get out guys, see you later." Matamlay kong sabi sakanila na kinagulat naman ng ilan dahil bigla akong pumayag sa gusto ni L. Oo, may balak kasi ako.

"Ingat ka Suicide" payo nalang ni Howardy at saka umalis na sila ng kwarto. At naiwan kami nitong kaibigan ko daw.

Nabalot ng katahimikan ang squad room dahil sa pag layas ng mga kaibigan ko. Siya na nakatingin lang sa akin at pinag aaralan ata ang itsura ko habang ako na naghihikab at nakakaramdam ng antok.

The Life of Martyra (COMPLETED)Where stories live. Discover now